CHAPTER 23 - trust PART 2

129K 2.8K 405
                                    

a/n: Guys Short lang to .. ito yung karugtong nung chapter 23 .. hindi kasi napasama sa post eh .. adik si watty .. hehehe

CHAPTER 23 – trust PART 2

CHAPTER 23 – trust PART 2

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KIYOMIKO’s

 

I was still wrapped around Lance’s arms when someone enter the door.

“Kiyo?”

Agad naman kaming napakalas ni Lance sa isa’t isa dahil sa presensya ng taong yun.

“Mikage Sou? Akala ko ba pupunta ka kila Oji~san?” tanong ko sa kanya.

“May nakalimutan kasi akong gawin eh. Tsaka may pinapasabi si Kyohei.” Sabi nya habang may nakakalokong ngiti at naka tingin kay Lance. Naku naman. Ang lakas ng kabog sa dibdib ko, pakiramdam ko isa akong pusa na na corner ng isang aso. Waaah. Wala naman akong ginawagawang masama diba?

“Ah ganoon ba? Ano bang nakalimutan mo at anong pinapasabi ni kuya?” alangang tanong ko sa kanya.

Lumapit siya sa akin at tumigil sa mismong harapan ko.

“I forgot to kiss you goodnight.” Sabi niya sabay halik sa noo ko sabay ngiti na naman ng nakakaloko. Waaah. Bakit ang bilis na naman ng tibok ng puso ko? Pakiramdam ko I was caught red-handed. “Tsaka sabi ni Kyohei, di daw makakapunta si Yujia kaya si Lance nalang daw muna mag babantay sayo.” Sabi niya sabay lapit kay Lance na hanggang ngayon ay nakaupo sa tabi ko at masama ang tingin kay Mikage.

“Lance, take care of her. Here’s my number call me if anything happens.” Seryosong sabi ni Mikage kay Lance sabay abot ng kapirasong papel.

“No need to tell me that. I’ll absolutely do that for sure.” Seryoso ding sagot ni Lance. Ako lang ba o talagang may tensyong namumuo sa pagitan nila?

“Good then, I’ll be going. Bye baby.” Paalam sa amin ni Mikage sabay labas na ng kwarto, kumindat pa nga sa akin bago tuluyang lumabas. Ilang minuto na ang nakalipas pero nakatulala pa din ako sa pinto kung saan siya lumabas.

“Ahm, Miko? I guess you should rest now. Don’t worry I’ll be watching you while you sleep.” Sabi sa akin ni Lance. Hindi na ako nakipag argument dahil pakiramdam ko pagod na din ako kahit kagigising ko palang naman. Saglit palang akong nakahiga pero agad na akong kinain ng antok.

“Kiyo, I’m sorry wala ako sa tabi mo ngayon. Sana mapatawad mo ko.” Nagising ako sa mahinang boses na narinig ko. Kilala ko ang boses na yun. Kilalang kilala ko. Marahan kong minulat ang mga mata ko at nakita ko siya. Ang taong gustong gusto ko ng makita. Hindi na ako nag dalawang isip, agad ko syang niyakap ng mahigpit. Wala na akong pakialam kung panaginip na naman ba ito, ang importante sa akin nandito sya sa harap ko at nakita ko sya at nayakap. Miss na miss ko na sya. Sobrang alalang alala na ako sa kanya. Hindi ko talaga kakayanin pag nawala sya sakin.

“Seal!” tawag ko sa kanya pagkalas ko mula sa pagkakayakap sa kanya. Noon ko lang napansin na puro sugat at mga braso nya. Bakas ang pag hihirap sa mga mata nya. Hindi ko napigilan ang luha ko sa nakita ko. Nahihirapan sya. Hindi ko mapapatawad kung sino man ang gumawa nito sa kanya.

“Don’t cry Kiyo. You promised yourself not to cry anymore right? Not because of Take nor anything else. Be strong Kiyo. I may not be around but please be strong.” Sabi niya habang hinahalikan ang mga luha ko. Oo nga pala nangako na ako sa sarili ko, pero ilang beses ko na bang nabali ang pangakong iyon? Ilang beses na ba akong umiyak ulit?

“Sinong may gawa nyan sayo Seal? Sabihin mo sakin? Hindi ko siya mapapatawad!” puno ng galit ang mga salitang binitiwan ko. Ayokong maging emosyonal na naman pero tang’na si Seal na ang pinag uusapan dito.

“Not your concern Kiyo. Don’t bother to look for the culprit. You have to listen to me, you need to prepare yourself for a battle. They are after you. Don’t just fight for the sake of fighting. Fight for the ones who loves you. Don’t let your demon takes over you, I may not be around you anymore to calms you down.” Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya pero alam kong may gusto siyang ipahiwatig sakin. Seal, hindi ka na ba talaga babalik sa tabi ko? Paano na ko?

“Shh. Kiyo, I need to go. Always remember what I told you Kiyo, be careful of whom you trust. I love you more Kiyo, always remember that. I will always be here.” Sabi pa nya sabay turo sa kaliwang parte ng dibdib ko. “Sleep now, my Kiyo. Rest. Aishiteru. Sayonara.” (I love you. Goodbye.) With his last words I feel his lips touches mine and I fell asleep again.


 

“Seal!” napabalikwas ako ng bangon. Panaginip na naman pala. Pero bakit pakiramdam ko hindi yun panaginip? Napahawak ako bigla sa mga labi ko. Bakit parang totoo ang lahat? Ramdam ko pa din yung halik ni Seal. Halik? Hinalikan ako ni Seal sa labi? Napailing nalang ako.

“Miko? May problema ba? Bakit ka sumigaw?” humahangos na tanong sa akin ni Lance. Basa pa ang mukha niya, mukhang kagagaling lang ng bathroom.

“Ah, wala, akala ko nandito si Seal pero mukhang panaginip na naman pala.” Malungkot na tugon ko sa kanya.

“Ah ganon ba? Ahm eh, gusto mo bang mag almusal na?” tanong sa akin ni Lance pero bakit parang hindi sya makatingin sa mga mata ko? May nangyari ba?

“Sige, ano ba meron?” Tanong ko ulit sa kanya.

“Ahm actually, wala pa eh. Bibili palang ako sa labas. May gusto ka bang kainin?” tanong nya sa akin sabay kamot sa likod ng ulo nya. I found that gesture of him cute.

“I want pancakes.” Nakangiting sagot ko sa kanya. Nag iwas naman sya agad ng tingin. Hahaha nag blush pa ata. Ang cute talaga.

Maya maya, lumabas na si Lance para bumili ng makakain namin. Pagkalabas nya, bumalik naman ako agad sa pag iisip tungkol sa panaginip kong parang totoo. Pakiramdam ko talaga, talagang nayakap ko sya. Nakita ko ang mga mata nya ng malinaw at ang mga sugat nya. napatingin naman ako agad sa kamay ko. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Bakas ng dugo. May mga bakas ng dugo sa kamay ko! Tinignan ko ang damit ko at hindi nga ako nagkamali, may makikitang mga bakas ng dugo sa damit ko. Totoo yung kagabi! Nandito si Seal kagabi! Napahawak ako bigla sa puso ko. Ang lakas ng kabog. Totoo ang lahat! Ibig sabihin totoo ang mga sugat nya. Totoo ang mga pag hihirap nya. Totoong may mga taong gusto akong saktan at higit sa lahat, totoong buhay siya!Buhay talaga si Seal! Pero agad din naman akong nalungkot sa sumunod kong naisip. Totoo ding iiwan na niya ko?

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon