CHAPTER 72 - Unexpected

96.8K 1.8K 340
                                    

a/n: okay guys, unang una, gusto kong magpasalamat sa inyong lahat na nagbabasa at sumusuporta ng storyang to ..

Sobrang saya lang kasi isa na po siya sa mga most-read stories dito sa wattpad at iyon ay dahil sa inyo ..

kaya bilang regalo, pinilit ko talaga mag updaate kahit maiksi lang .. pinagtyagaan ko na kahit hindi pa ayos ang laptop ko at namamatay siya ng bigla.

Yung kasunod nito, hindi ko pa alam kung kailan kasi wala pa akong pambili ng bagong laptop eh .. hahaha ..

Yun lang po, bow. hehe, masyado ng mahaba ang author's note ko, oh siya .. Enjoy reading everyone and again, thank you so much for appreciating my story. =)

dedicated nga pala sa kanya kasi request niya so ayun .. hehehe .. para sa'yo ito so hope you enjoy this one.

~ScarsAreBlind~

======================================================

CHAPTER 72 – Unexpected

 

NANJIRO’s

 

“Nanjiro, nasaan si Kiyo?” tanong sa akin ni Kyohei na kausap ko ngayon via satellite. Kanina kasi pag gising ko, si Mikage lang ang nakita ko. Sabi niya pagdating niya wala na daw si Kiyo sa unit niya. He tried to call her na kasi daw tatawag si Kyohei pero wala pa din.

“Ah eh, hindi ko alam eh. Baka siya nalang ang nagpunta sa puntod ni Seal.” Kalmadong sagot ko kay Kyohei. Bale nakaupo na ako ngayon sa harap ng sinet up na screen ni Mikage.

“Eh bakit hindi mo sinamahan?” tanong muli sa akin ni Kyohei.

“Natamaan ako ng lason kanina at nawalan ng malay, pag gising ko, wala na si Kiyo.” Sagot ko sa kanya.

“Tsk. Nagsimula na ang war Nanjiro at delikado kung hahayaan nating mag isa si Kiyo. Hanapin niyo siya ngayon din.” Ma otoridad na utos ni Kyohei sa akin.

“Hindi na kailangan nandito na ako.” Napatingin ako sa direksiyon ng pinanggalingan ng boses. Mula sa pinto ay pumasok si Kiyo. May bahid ng dugo ang damit at mukha. Halatang nakipaglaban siya.

“Kiyo, san ka galing? Bakit hindi ka man lang nagpaalam?” Nag aalalang tanong ko sa kanya pero imbis na sagutin ako ay dumiretso siya sa tabi ko at humarap sa screen kung nasaan makikita ang kuya niya.

“Why do you need to hide it from me? Aside from the fact na guardian ko si Nanjiro, ano pa ba ang dapat kong malaman?” Seryosong tanong ni Kiyo kay Kyohei. Kinabahan ako bigla sa tanong niya. Napaka lamig ng boses niya.

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon