CHAPTER 22 - the real her

178K 3.1K 572
                                    

a/n: ayan nakahabol ng update .. pag pasensyahan nyo na muna yung drama hehehe next time na ulit yung action pag galing ni Kiyo heheh ..

pagpasensyahan nyo na sana medyo minadali ko yan eh ..

enjoy reading ..

~ScarsAreBlind~

===========================================================

CHAPTER 22 – the real her

 

Kasama ko pa din sila ngayon pero maya maya lang uuwi na sila, tapos na kasi ang visiting hours eh. Andito parin nga pala ako sa hospital pero bukas aalis na ako dito, sa ayaw o sa gusto ng doctor aalis ako. Mas gugustuhin ko pa sa bahay ni Mikage o mas maganda kung sa unit ko mismo kaysa dito, pakiramdam ko lalo lang akong manghihina.

“Kiyo, mauuna na ako. Kaylangan ko ng puntahan si Raphie.” Paalam sa akin ni Kuya Kyohei. Tinanguan ko nalang sya bilang tugon.

“Kiyo kami din, balik nalang kami bukas. Pagaling ka ah.” Sabi naman ni Jason.

“Wala na ako dito bukas. Kita nalang tayo pag balik ko sa school.” Sagot ko sa kanila habang naka ngiti.

“Okay. Pagaling ka ah para makapasok ka na agad sa school. Miss ka na ng tambayan mo. Hehehe.” Sabi naman ni Art. Nginitian ko nalang din sya.

“Nga pala Ryuu, tumawag si Uncle kanina, sa mansion daw kayo umuwi may pag uusapan daw kayo.” Sabi ni Kuya kay Ryuu. I have a feeling it’s about Seal. Haay, sana okay ka lang Seal.

“Okay, guys sabay sabay na tayo lumabas.” Sabi ni Ryuu.

Lumapit naman sakin si Gio at bumulong.

“I’m sorry wala ako sa tabi mo nung party sana hindi na to nangyari.” Nagulat ako sa binulong sa akin ni Gio. Bakas sa boses nya ang guilt.

“No. Don’t be.” Yun lang ang nasagot ko sa kanya.

“No. Binilin ka nya sakin sa party na yun pero wala ako sa tabi mo.” Bulong nya ulit. Niyakap ko nalang sya. Alam kong sinisisi nya sarili nya sa nangyari sakin pero diba hindi naman nya kasalanan yun?

Pag hiwalay ko sa pagkakayakap sa kanya nagulat ako ng makita na lahat sila nakatingin samin pero may tatlong matatalim na mata akong napansin. Ang sama ng tingin ni Ryuu, Raven at Lance kay Gio.

*Riiinggg* *Riiinggg*

And that phone ring break the pressure.

“Ah eh, hehehe sagutin ko lang.” alangang sagot ni Mikage sabay labas ng kwarto. Kaming mga naiwan tahimik pa din.

“Ah Kiyomi, una na ako. May gagawin pa ako eh.” basag ni Gio sa katahimikan. Tumango nalang ako sa kanya at ngumiti. Ginulo naman nya yung buhok ko at tumayo na. Pag labas ni Gio sya namang pasok ni Mikage at mukhang malungkot sya. Bakit kaya?

LANCE’s

 

Nung makita ko na yakap yakap ni Miko si Gio hindi ko alam sa sarili ko pero naaasar ako. Bigla nalang ako nakaramdam ng inis na para bang gusto ko silang paghiwalayin agad.

*Riiinggg* *Riiinggg*

Biglang nag ring yung telepono ni Mikage kaya napatingin kami sa kanya.

“Ah eh, hehehe sagutin ko lang.” alangang sagot nya at lumabas na sya. Paglabas nya, tahimik lang kaming mga naiwan. Walang gustong mag salita. Napatingin ako kay Miko at nakita ko syang nakayuko. Mukha syang may iniisip.

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon