☑ Chapter 2: Secret Identity

16.4K 500 31
                                    

Pagkatapos naming kumain ay nagkanya-kanya nang alis sila Ate sa bahay para magtrabaho.

Ate Gab went with Ate Cassy to the office since mula nang nag eighteen siya ay tinetrain na rin siya ni Ate Cassy for our business. Hindi naman kasi namin ito kayang ipagsawalang bahala nalang despite the responsibilities they have sa Seandal. It was our parents'. They loved our company.

Nakatingala sa langit, nilanghap ko ang simoy ng hangin habang nagse-swing sa hardin ng bahay namin.

"Princess Zypher, huwag po kayo diyan. Marami pong lamok baka kagatin pa kayo."

Napatingin ako kay Jill, isa sa mga maids namin na mas bata sa akin ng dalawang taon. May maliit at inosente siyang mukha at maikling tagabalikat na buhok.

"It's okay Jill." She pursed her lips at pinahid ang kamay niya sa suot na skirt. Even without trying to read her mind, I can see the curiosity and excitement inside her warm brown eyes.

"Uhm, pwede po bang maki-upo sa inyo?" Nagdadalawang isip pa niyang tanong.

Sa lahat ng taong kilala ang totoo kong pagkatao, siya lang talaga ang naglalakas loob na makipag usap sa akin. Most of them are scared of us, they know what my sisters can do, even without their abilities. Pero mas ramdam ko ang takot ng mga tao sa akin.

Misteryoso. Hindi palasalita. Cold. Iyan ang palagi kong naririnig na sabi ng mga tao sa akin. Kakaiba raw ang mga tingin na ipinupukol ko sa kanila kahit na wala akong imik madalas. Hindi ko naman maipagkakaila na hindi ako mahilig magsalita. At hindi ko rin naman sila masisisi kong natatakot sila sa mga mata ko.

Being the 21st century goddess means having the control of almost everything, kahit pa na hindi ko sinasadya. Whenever I feel something strong, nag-iiba ang kulay ng mga mata ko at may mangyayaring mga bagay bagay sa paligid. All because of my mood. But if I stay calm, my eyes returns back to being gold and dark blue.

I've been training and mastering my abilities for years now, at masasabi kong malaki ang tulong ng pagiging tahimik at kalmado ko. Pero wala na akong kontrol sa kung ano ang impresyon ng mga tao sa akin, nakakatakot man o hindi.

"Sige umupo ka lang." Tugon ko kay Jill.

"Salamat po." Sabi niya sabay upo at ngiti sa akin. "Uhmm, pwede po bang magtanong?" Nakikita ko ang ningning sa mga mata niya. Umayos ako ng upo at tiningnan siya sa mga mata.

Nakatitig pa rin ako sa kaniya nang makita ko ang paglunok niya. She didn't speak. "What is it?" Tanong ko na.

"A-ano k-kasi ah——" Napabuga ako ng hangin at umiwas ng tingin. I swayed with the swing and just watched the darkening afternoon sky.

"Kapag ganito ba, okay na?" Tanong ko kay Jill. Umayos rin siya ng upo sa gilid ko at nagsimula na ring mag swing.

"Totoo po pala talaga." Naibaling ko ang tingin kay Jill na halos ilipad na ang sarili sa taas ng bawat swing niya. She closed her eyes and smiled as she goes up, higher.

"Ang ano?" Naisatinig ko. "Na sa sobrang lakas ng presensya niyo ay nakakatakot na po sa pakiramdam. Na mas nakakatakot po ang pakiramdam nang sa'yo kaysa kila Princess Cassy at Princess Gab." Hindi ako nakaimik at nagpatuloy nalang sa mahinang pagswing.

"Ah, oo nga po pala. Iyong tanong ko po." Basag niya sa katahimikan ng walang nagsalita sa amin ng ilang segundo.

She stopped herself from swinging and with those warm eyes and smile, she asked me curiously. "Totoo po ba na hindi na kayo magho-home school? Na sa Seandal Academy of Abilities na rin po kayo mag-aaral?"

Lumalaki nang lumalaki ang ngiti sa bibig niya habang nagsasalita at hinihintay ang sagot ko. I couldn't help but feel fondness for her and her enthusiasm.

21st Century GoddessOnde histórias criam vida. Descubra agora