☑ Chapter 4: Crown Royalties

13.2K 464 33
                                    

Zypher's POV

Napapabuntong hininga nalang ako sa daming tanong ng prinsipe sa akin. What else does he want to know about a mere new student like me?

Matapos naming mag lunch ay nagpaalam ako na babalik na sa dorm. Unsurprisingly, inalok niya akong ihatid sa dormitoryo. Hindi nalang ako umangal at baka magtanong na naman siya ng kung anu-ano.

I just stared straight in front when I felt students still watching us. While the prince beside me is walking confidently, unbothered by the stares he's getting inside the Girl's Dorm. Ako ang naiilang sa sitwasyon niya. Siya lang ang lalaki sa amin dito. And he's very comfortable getting in and out of the premise as if it's what he does everytime. Tsk.

"I'll see you when class starts." Tinanguan ko lang ang nakangiti pa rin niyang mukha. He sure doesn't get tired of smiling.

"Sige." maikli kong sabi. He waved his hand once and finally went away. Out of the building. Napabuga ako ng hangin. Great. I survived.

Hinarap ko ang nakasaradong pinto ng dorm room ko at kumatok. Agad na bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Alex na nagpakilala sa akin kanina. When she saw that I was alone, she frowned.

"Ikaw nalang mag-isa?" Tumango ako. Halos magpapadyak siya sa sahig. "Akala ko pa naman makikita ko ulit upclose si Prince Carl." She dramatically stated. Naiiling namang nakatingin sa amin si Mia na nasa higaan niya.

"Papasukin mo muna si Zypher, and we'll talk about your crushes." Agad na malapad na binuksan ni Alex ang pintuan bilang tugon sa humahagik-ik na Mia. I stepped inside the dorm and immediately saw three beds in different corners of the average-sized room. Minimal designs were embellished inside. Hmm. Okay na rin.

I was about to walk towards my bed nang hatakin ako nilang dalawa sa sahig. I frowned at them nang pumwesto sila sa gilid ko sa harap ng isang center table sa kwarto namin.

"Tell us some juicy details, please." I scrunched my nose at Alex's question. Juicy?

Humalakhak si Mia at hinampas sa braso si Alex. "Ibig niyang sabihin, kamusta si Prince Carl? How does it feel being in the presence of a Prince?" Halos magningning pa ang mga mata niya sa huling tanong na inusal.

So, I see. The prince has really charmed almost the entire female population in the academy.

"Feels fine." Maikli kong tugon na ikinahagik-ik nila. I watched them, amused. Halos wala nga akong sinabi.

"Ang swerte mo girl! Sana siya rin naging tour guide ko no'ng pumasok ako dito." Alex stated almost dreamily. I just shrugged.

"Hindi ka kinilig?" Medyo napaisog ako nang nilapit ni Mia ang mukha niya sa akin. I turned my gaze away. Geez. These girls are freaking out way too enthusiastically. I mean kung may pagfefreak out na hindi enthusiastic. Tsh.

Umiling ako bilang tugon. "Talaga? Kahit konti?" Umiling ulit ako. "Talagang talaga? Kahit katiting?" Napabuntong hininga ako sa kakulitan nitong dalawa.

"Hindi nga." Tiningnan ko sila ng diretso sa mata at agad ko naman silang nakitang natigilan. "If you don't mind, I want to take a rest for a while." I said in a monotone at agad na tumayo. Bumaling ako sa higaan ko at agad na ipinikit ang mga mata, not even bothering to organize my baggage.

Mia's POV

Nagkatinginan kami ni Alex.

"Katakot. Brr." Nakahawak sa brasong sabi niya. Tumango tango ako sa kaniya at napahawak rin sa braso at napatingin sa nakatihayang dorm mate namin. Katakot nga.

Sabay kaming tumayo ni Alex at tiningnan ang nakapikit na mukha ni Zypher Alvarez. Naka nerdy glasses, baggy shirt and... slacks? Eh?

"Alvarez. Parang familiar na apelyido." Nakahawak sa babang sabi ni Alex. Napaisip rin ako. "Ah!" I snapped my finger.

21st Century GoddessWhere stories live. Discover now