chapter 19

9.1K 363 10
                                    

Stephanie's POV

Nandito ako ngayon sa loob ng dorm room nina Zy. Nakahiga pa rin ito at nakapikit ang mga mata, pero mukhang may malay naman siya kasi naghe-heal ang mga sugat niya.

Malaki din ang naging sugat niya sa tiyan, tsaka may maliliit din na sunog sa gilid nito at sa ibang bahagi pa ng tiyan niya. *sigh* Hindi namin to na pansin kanina, siguro dahil na rin sa pagkataranta.

Hindi ko kasama ang mga boys ngayon kasi hindi sila puwedeng pumasok ng girls dorm. Ako nalang ang nagbuhat kay Zy, kasi kaya ko naman siyang buhatin eh, isa kasi sa mga ability ko ang super strength.

"Ate, ok ka na?" Narinig kong usal ni Jill, naka upo kasi ako sa kama ni Mia, kaya hindi ko maaninang ang mukha ni Zy. Mukhang nagising na ito.

"Hmm, I'm fine. I think I just need a good rest. Mukhang na ubos ang lakas ko." Mahinang sabi nito. Pumunta ako sa higaan niya at tumabi kay Jill. "Zy, sorry ah, kasi hindi ka agad namin na sakluluhan. At ako na ang humihingi ng paumanhin para kay Megan. Nagawa siguro niya yun kasi nagseselos siya sa inyo ni Zach. Pasensya na, palagi kasi namin kayong inaasar, mukhang she's taking all the jokes seriously." Sabi ko habang hawak ang kamay ni Zy.

"It's fine Steph, wala kayong kasalanan. It's just that, that girl is so possessive with Zach. Hmmm," Sabi niya sabay parang nag-isip saglit, "nevermind."Pagtatapos niya.

"If your thinking na may gusto si Megan kay Zach, oo, may gusto siya kay Zach, kahit no'ng mga bata pa kami. Pero sadyang ayaw lang talaga ni Zach sa kaniya eversince." Pag eexplain ko. "And recently, Zach's parents announced they want him to have an arrange marriage with Megan, of course Zach argued not to do it and fortunately he's parents cancelled it. Pero hindi nagpatinag si Megan kahit na cancel na, feeling niya parin na mag fiance na sila ni Zach, kaya nga pagbalik mo busangot yun." Pagpapatuloy ko.

Napatango lang si Zy sa mga sinabi ko. "Steph, ano ba kasi talaga ang nangyari sa inyo habang naglilinis kayo?" Tanong Mia na mukhang nakikinig pala sa amin. "Oo, nga bakit na sunog si Zy?" Alex seconded.

Sinabi ko sa kanila lahat ng detalye ng nangyari kanina. "Matagal na talaga akong naiirita sa babaeng yan, naku! Kung hindi lang talaga royalty yan, baka nasabunutan ko na!" Naiinis na tugon ni Alex. "Oo nga eh, bully pa nga yan dito sa school. Feeling reyna din kasi. Ughh!" Naiirita ding sabi ni Mia.

"We can't do anything about her attitude, so let's just try to be more patient and understanding." Sabi ko nalang kasi sa mga mukha nila parang magkakaroon ng world war 3.

"Yeah, let's just understand her since she has brain problems." Biglang sabi ni Zy na akala ko'y tulog kasi nakapikit ang mga mata nito. Napatawa naman kami sa sinabi niya.

"Hala! Sabi ni Princess Gab kanina gusto niya raw tayong kausapin tungkol sa nangyari kanina." Sabi ni Jill na mukhang nataranta bigla. Hoo! Mukhang hindi ko pa kayang makaharap ng gano'n ang mood ni Princess Gab. Yun ang pinaka nakakatakot na encounter ko sa kaniya. Sa tingin pa lang niya, hindi ka na halos makahinga dahil sa intensity ng mga mata niya, na parang kapag may mali ka lang na masabi patay ka na agad sa isang pitik lang. Sheeesh!! Natatakot talaga ako kay Princess Gab, lalong lalo na kapag galit siya.

Kung nakakatakot si Princess Gab, pano pa kaya ang nakakatandang Goddess na ate niya at ang head ng council. Mukhang ayaw ko nang makaharap sila.

"Kailangan niyo ng pumunta, kung ayaw niyo pang mafrozen ng ilang dekada. Huwag niyo siyang paghintayin lalong lalo na ngayon na galit siya." Sabi ni Zy na nakamulat na ang mga mata at nakatingin sa amin. "A-ah, just by thinking about it makes me shiver. Eeshh!" Sabi ni Alex sabay himas sa magkabilang braso niya.

"Let's go, bago pa mangyari ang pagsabog ng ating napakaganda ngunit napakabangis na diyosa na naghihintay sa kaniyang opisina." Sabi ni Mia. Napatango nalang kami at nagsimula ng lumabas sa dorm room nila.

Nakita namin ang mga boys sa labas ng boys dorm, mukhang hinintay talaga nila ang paglabas namin.

"Oh, Steph kumusta si Zy?" Tanong ni Matt habang naka cross arms.

"Ok na rin, kailangan lang daw niya ng pahinga kasi mukhang naubusan siya ng lakas." Sabi ko sabay hawak sa braso ni Jill. "Let's go, bago pa magbaha dito at tangayin tayo, wala pa naman si Ed, tsk!" Sabi ko sabay lakad patungo sa labas.

Biglang may nagsalita sa likuran namin kaya napatingin kami sa likod."Wait! Princess Steph, are you sure she's fine? Is she hurt? Ok na ba ang mga sugat niya? Naagapan n---" Pinutol ni Zach ang sasabihin pa sana niya. "Ok na siya, wala ka nang dapat ipag-alala." Kalmado niyang sabi.

"Are you sure? Masyado siyang nakuhanan ng enerhiya dahil sa pool. Nakapag self heal ba siya?" Paninigurado niya pang tanong. I saw Zach rolled his eyes at him.

"Ok na siya, ok? Gusto lang daw niya magpahinga kaya sigurado akong ayaw niyang tumanggap ng mga bisita." Naiirita niyang sabi. "Uhmm, should I take her to the infirmary? To make sure she'll be fine?" Nag-aalala pa ding tanong ni Carl. "Tsk! You know what, if you don't believe us, go visit her! I don't care! Let's go!" Naka kunot noong sabi ni Zach at naglakad na pauna sa amin.

"Wait, Steph! Where are we going?" Nate looked puzzled. "We're going to the president's office." Biglang salita ni Zach na nasa unahan. Naka ligo na ito at nakapagpalit na din ng damit.

"Let's go." Patuloy pa niya at naglakad pauna sa amin. Napabuntong hininga nalang ako.

Alex's POV

Naglalakad na kami patungong office ng nakita namin si Prince Ed na naglalakad, pero mukhang nahihirapan? Hawak hawak niya rin ang kamay niya habang naglalakad.

Nilapitan namin siya. "Bro, anong nangyari sayo?" Tanong ni Prince Zach sa kaniya. "Wala lang 'to bro." Sabi niya na bahagyang nakangiti pero kita ang kalungkutan sa mga mata niya. Napabuntong hininga siya, "Are you sure you're ok Ed? Gusto mo ihatid ka namin sa infirmary?" Tanong ni Princess Steph sa kaniya.

"I'm fine Steph. Sige na lumakad na kayo. I've heard what happened earlier, you need to go now, bad mood pa naman yun." He said then planted a bitter smile again.

"You talked to her?" Takang tanong ni Prince Matt sa kaniya.

"Yeah, and gained these." Sabi niya sabay nguso sa nabali niyang kamay at paa.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Si Princess Gab ang may gawa niyan?! Naku! Mukhang hindi talaga isang magandang ideya ang paggalitin siya.

"You pissed her off, again, right?" Casual na sabi ni Prince Zach at nag cross arms. "I guess." Napahimas nalang ng batok si Prince Ed.

"We better get going. Baka malumpo rin tayo kapag nalate tayo." Seryosong sabi ni Prince Zach.

Naglakad na kami papuntang office. Makalipas lang ang ilang oras ay naabot na namin ang opisina niya. Kinakabahan man ay kinatok ni Princess Steph ang pinto. "Come in." Narinig naming usal ni Princess Gab sa loob.

"This would be tough." Humingang malalim muna si Prince Nate bago lumakad pa loob sa office.

21st Century GoddessWo Geschichten leben. Entdecke jetzt