☑ Chapter 7: Failed

10.7K 405 21
                                    

Credits to lennaiya for this pic ❤️

:))

Mia's POV

Naglalakad na kami ngayon sa hallway patungo sa cafeteria. It's time for dinner.

Matapos ang nangyaring eksena sa hallway, mabuti nalang at wala nang nangyari pang iba. I looked over at Zypher. She still has this poker face on. Hindi ko mapigilang mamangha ngunit makuryoso na rin sa kaniya. She was the first time ever to talk back like that to the royalties. Lalo na kay Prince Zach. Well, kay Lady Megan din. Not that she has gained respect like the rest of the royalties, sobrang mean lang talaga siya. Spoiled. She wants everything according to what she wants na hindi naman kaaya-aya minsan.

Lalo na ang pag-angkin niya kay Prince Zach as her fiancée. May katotohanan naman ang mga sabi-sabi na iyon. But still, I don't think Prince Zach even likes her nor agrees with that arrangement with her.

Napangiti nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Overall, it was an amazing experience and a first in the academy! Zypher is amazing for doing that! Astig!

"Jill, bakit palagi ka nang sumasama sa amin? Paano naman ang mga kaibigan mo?" Tanong bigla ni Alex kay Jill na kasama pa rin naming mag di-dinner ngayon. Napatingin din ako sa kaniya. Yeah, she even stayed in our dorm room kanina.

"Ah, wala lang naman. Gusto ko makasama Ate ko. Hehe." Halos ma awkward niyang sabi. Cute. Clingy yata 'to masyado kay Zypher. Which is adorable. Their sister bond is amazing for that.

Bigla namang umingos si Alex. "Mukhang ikaw pa ang mas protective kaysa sa inyong dalawa ah." Bigla niyang tinapik si Zypher na wala pa ring ekspresyon habang naglalakad kami. "Hoy, Zy. Dapat ikaw ang maging protective kasi ikaw 'yong Ate."

But instead of answering her, tiningnan niya lang kami at nagpatuloy lang sa paglalakad. Agad na napansin ko na parang malalim ang iniisip niya at napukaw lang sa tapik ni Alex.

Umuna siya ng bahagya sa paglalakad. Nagkatinginan kaming tatlo.

Eh?

Napapabuntong hininga, sinundan nalang namin siya sa paglalakad patungong cafeteria.

She's just really different, isn't she?

Jill's POV

Ang totoong dahilan talaga ng palagi kong pagsama kila Princess Zypher ay dahil sa sinabi sa akin ni Princess Gab kanina habang papunta ako sa klase ko.

Naglalakad lakad lang ako ngayong hapon kasi ilang minuto pa bago ang klase namin.

Habang naglalakad, may napansin akong sumusunod sa akin, kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad.

Luh! B-baka may ibang mga hayop o elemento nang nakatingin sa akin. Marami kasing mga kakaibang hayop at espiritu dito sa Seandal. Baka naistorbo ko sila! Wala naman akong ginagawa, ah! Waaah! Sorry na!

Mas binilisan ko pa ang paglalakad. Lumalagapak na ang puso sa dibsib ko sa kaba. Hanggang sa mapunta ako sa bandang gubat ng academy.

Tumalikod ako para makita kung may sumusunod pa ba sa akin, pero pagtingin ko, wala na naman. At parang nawala na rin ang pakiramdam na may sumunsunod sa akin.

Salamat naman! Pinagpawisan ako sa kaba do'n, ah.

Humarap na ako at magpapatuloy na sana sa paglalakad, pero muntik na akong mapatili ng malakas nang nagulat nalang ako na nasa harapan ko na si Princess Gab. Ang mapanusok niyang asul na asul na mga mata ay nakatingin sa akin.

21st Century GoddessWhere stories live. Discover now