Chapter 59: Barrier

2.8K 115 11
                                    

Zach's POV

"You traitors!"

Nanggagalaiting sigaw ni Ed sa naglalakad patungo sa amin na sina Carl at si Prince McIntosh na uncle ni Ed.

Mabilis na sinugod niya ang dalawa kaya tinulungan namin siya. I immediately faced Carl. The two-faced snake!

He suddenly smirked at me. "I never thought na napakadali niyo lang malinlang. Ha! Akala ko pa naman na sa sobra niyong galing ay agad niyo kaming mabibisto." Agad ko siyang tinapunan ng fireball na dahilan ng pagkaputol ng tawa niya at pagkawala ng ngisi sa mukha niya.

"Magaling kami, pero hindi sa pagpapanggap. And it's not one of our talents, we don't specialize treachery in any of our trainings." Kahihimigan ng sarkasmong sabi ko sa kaniya. Bumalik na naman ang ngisi niya sa mukha at bigla akong sinugod gamit ang espada niya. Sinangga ko ito at itinulak siya gamit ang espada ko. Mabilis naman na itinusok niya ang espada sa harap ko kaya umatras at gumilid ako. I slid his feet off the ground and he stumbled down. I slashed my sword on his body but he rolled sideways. Agad ko siyang napigilan sa pagtayo at nadaplisan sa braso. Napatingin siya doon. I smirked.

But when he turned his eyes on me, a pair of violet eyes stared directly unto mine. Nabigla ako sa nakita ko. It's far from the Carl I knew. This has been the side that he's been hiding for so long. That it just want to break free from the inside.

I was taken aback when he suddenly charged. Agad kong sinangga ang espada niya at natitigilan pa ako ng bahagya dahil sa bagong bilis at lakas na ipinapakita niya.

Napailag ako at halos matumba ng halos hindi ko masundan ang lakas at bilis ng bawat atake niya sa akin. Sh*t!

May kakaibang nangyayari. I can feel his energy surging from his sword. At nagsimula ito nang mag-iba ang kulay ng mga mata niya.

Hinihingal na ako sa kakasangga at sunggab din sa kaniya ng paulit-ulit. Nararamdaman ko ang katawan kong umiinit dahil sa labanan namin at sa adrenaline na hatid nito sa akin. But I'm not worried anymore. My ability won't consume me. Nalampasan ko na ang stages ng pagiging ultimate ability user.
What's worrying me now is Carl's speed.

Alam kong makakalaban ko siya at posible pa ngang matalo kung labanan ng lakas, pero kakaiba ang bilis na hatid niya. And I know it isn't from him. This is because of his eyes.

Sinangga ko ang espada ko sa ibabaw ng ulo ko dahil sa pag-atake niya. Kumalansing ang mga bakal na nagkrus sa ibabaw ng mga ulo namin. Tinitigan ko siya ng mariin.

"Where did you get your power?" Diretsahan kong tanong sa kaniya. Bumalatay na naman ang nakakainis na ngisi niya sa mukha. "You want some?" Nang-iinggit niya pang usal na parang pagkain lang ang ino-offer niya. I pushed him with force that made him backward a few steps and attacked him again. Pero sa hindi na naman kapanipaniwalang pangyayari, nagawa na naman niyang makaiwas.

"I'm not as greedy as you are. Ano? Ito ba ang kapalit ng pagtatraydor mo sa amin?" Nakatiim bagang kong sabi. Mabilis niya naman akong pinatid pero naiwasan ko ito pero hindi ko inaasahan ang pagsuntok niya kaya napaatras ako ng ilang hakbang.

Nakita ko na naman siyang nakangisi at mayabang na lumapit sa akin. "Oo, ito ang kapalit. You know what, I'm so tired of this bullsh*t! You!" Dinuro niya ako at mas nakita ko pa ang pag-intensify ng kulay kidlat niyang mga mata.

"You crown royalties are not worthy of your positions! I'm f*cking tired of just being the second best! Bullsh*t! Even in the council! Vice president?! Who needs that?! Stupid student organization! Mga walang alam!" May panggagalaiti niyang sabi. Na parang ang tagal na niyang gustong sabihin 'yun. Nababaliw na siya!

21st Century GoddessWhere stories live. Discover now