Chapter 58: Battle

3.3K 121 10
                                    


Zach's POV

What?

That's the exact word everyone is asking right at this moment.

Napaulit-ulit ako ng tingin sa nakangising si Zypher at ang nakatalikod na si Zypher na siyang alam kong kasama namin noon hanggang ngayon. But, why?

"That is right people! I am also Zypher! Tadaah! You see, I am the other part of the stone." Masigla pa niyang sabi habang nakangiti ng napakalapad. Walang ni isang nakapagsalita sa amin sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung paano mag rereact. Masyadong nakakagulat ang sinasabi niya.

"Do you know the prophecy about the descendant of Arabella? Ariella!" Nang walang magsalita ay tinawag niya si Ariella na nasa gilid lang namin. Nakita kong napakaseryoso ng mukha ni Ariella na bihira ko lang makita. She stepped forward facing the dark Zypher and her army. "Tell it to them." Nakangisi na namang sabi nito. Kami naman ngayon ang hinarap ni Ariella.

"The stone that beats is when the bearer bears his own. The bearer is Mr. Levi Halmington," she said looking at Diego beside Zypher. "Which is their father." She inhaled before speaking. "And the stone that beats, is the 21st century goddess." Sari't saring bulungan ang namutawi sa buong paligid ng tuluyang mantindihan ng lahat ang pinaparating ni Ariella. Sinabi na ni Zypher kanina na siya ang bato, pero ngayon palang nagse-sink-in sa amin ang lahat.

"The time the bearer bites the dust, that's when Mr. Halmington died and was killed." Tumingin pa siya sa tatlong magkakapatid na Halmington. I saw how Princess Gab clench her fist and grit her teeth.

"The stone that beats will move by part. Destined by part, Will end in part. By the time the bearer dies, the stone will break into half—"

"Yes, I am her other half. It's either I die or, well more likely, she will. It's either she'll win this battle or I will destroy you all." Pinutol niya ang pagsasalita ni Ariella at siya ang nagpatuloy nito. Nakangisi parin siya at ngayon ay nakatitig lamang kay Zypher na seryoso lang na nakatingin sa kaniya.

"And that, is the great prophecy people! It's either she rule or I will." Kakaiba na ang mga ngiti na nakapaskil sa mukha niya. Kahit na parehong-pareho sila ng mukha ng kilala kong Zypher, malalaman mo talaga kung sino ang isa't isa. Hindi ko maimagine na kayang makapagbigay ng ganitong takot ang isang ngiti lamang na nakikita ko sa kaniya. Her smile is not of the humans. It's of the devil's.

Bumalik ang mapang-asar niyang ngiti ng tumingin na siya sa aming lahat. "Uh! I also want a welcoming bow, you know. Just like what you did for her." Wala parin kaming nagawang reaksyon. Masyado siyang kakaiba. Siya mismo ang kabaliktaran ng napakakalmado at controlled na ugali ng kilala kong Zypher. Pero magkatulad silang sobrang malalakas.

"Fine!" Naiinis na sabi niya. Sa isang iglap ay nag-iba na naman ang mood niya. Naging seryoso na din ang tingin niya at tila nanlamig kaming lahat dahil sa intensity ng mga mata niya. Those blue and gold orbs look so cold and menacing. The glint in her eyes are different from what I've seen from Zypher's. Iba ang liwanag na hatid nito. Nakakasilaw ang liwanang ng mga mata ng kilala kong Zypher ngunit sa kaniya ay tila kadiliman at bagyo ang nakatago sa kaloob-looban nito.

"Oh! Hey Dad! You're here! Diba pinatay na kita?" Nanghilakbot kaming lahat sa paraan ng pagtawa niya na tila may iniisp na napakagandang alaala. Hindi ko mapigilang makaramdam ng pananaas ng balahibo sa katawan.

Nabigla kaming lahat ng sa isang iglap lang ay nawala ang tawa niya at nasa harapan na niya si Princess Gab.

"You killed him." Bawat salita ay tila may diin na usal ni Princess Gab. She's gritting her teeth in anger and deep loathing. Ngayon ko lang nakita na ganito kagalit si Princess Gab. Nagsimula na akong makaramdam ng matinding kaba.

21st Century GoddessWhere stories live. Discover now