Chapter 54: Personas and Pictures

2.8K 132 13
                                    

Zypher's POV

"Where have you been?"

"Akala namin napano na kayo."

Nag-aalala ang mga mukha nilang nakatingin sa amin. Ibinaba na ako ni Zach sa pagkakakarga at inayos ko ang aking sarili. I adjusted my glasses and stretched out my shirt.

"I was on my third pace. I'm sorry, it's my fault." Saad ni Zach sa kanila. "Let's go, we can't afford to just stand here and give them a moment to track us again." Ariella said and started walking towards a car nearby.

Nasa isang kalsada kami na mukhang isolated. Napapalibutan lang ng mga puno at puno ng mga patay na dahon ang daanan ng sasakyan. I got in the car followed by Stephanie.

Nakaupo na kaming lahat ng biglang umungol si Steph sa gilid ko at hinawakan ang ulo niya. "Hey, are you ok?" Tanong ko at hinawakan ang braso niya, pero nabigla ako ng mabilis na iniwas niya ito at tumingin sa akin na may malalaking mga mata.

"No. Stop. No." Usal nito habang nakatingin na sa kaniyang mga paa. "Stephanie, what's wrong?" Tanong sa kaniya ni Zach na nasa harap lang namin. Hindi kumibo si Steph at tiningnan lang siya.

She took a deep breath. "Can we exchange seats?" Tanong niya kay Zach. Nagkatinginan naman kaming dalawa saglit at iniwas ko naman agad ito. I sighed, trying to calm my heartbeat. "Ok." I heard him answer. They exchanged seats and the car started moving.

Nate is driving while Ed is sitting beside him. Matt is seated infront with Steph while Ariella is sitting with Diego on the right side of the car. I'm on the window side of the left seat and Zach is beside me.

I adjusted my bag on my lap and busied myself looking outside. After doing that thing, I just don't know what to do. I want to talk to him, but I don't know how to, nor what to talk about. And I know we should not be thinking about our personal problems now, especially that we're in a middle of a possible upcoming war. I just continued facing outside. Makaraan ang ilang minuto ay naramdaman kong may nakatingin sa akin kaya nilingon ko ito. He's looking at me. And from the looks of him, mukhang pareho kami ng iniisip, pero mukhang gusto niya muna itong klaruhin. We just stared at each other, waiting for anyone to talk first. He ran his fingers through his hair. "Look, Zy—"

"Let's not discuss about it. Let's focus on our mission first." Pagputol ko sa pagsasalita niya. Mukhang naiintindihan niya naman.

"Zypher, do you have the journal?" Biglang tanong ni Matt sa likod ko. I nodded at him and gave him Arabella's journal from my bag. "Thanks." Usal nito at nagbasa. I resumed on looking at the window. I sighed.

"Can somebody help me with this?" Usal ni Ariella at ipinakita ang siko niya na may malaking hiwa. I stood up and approached her. Diego barked at me and I tapped his head. "I can help." Umupo ako sa gilid niya. "Really?" Tanong ni Ariella na may totoong pagtataka sa kaniyang mga mata. I nodded. "I'm a healer." Sagot ko. She just smiled at me and rolled up her sleeves.

I cupped her elbow with my hand and a white light escaped from the edges of my fingers. Kinuha ko na ang kamay ko at tiningnan niya ito. "Thanks." Nakangiti niyang sabi. "Meron pa ba?" Tanong ko. Tumango siya at ginamot ko ito.

"Zy, ako rin. Sa likod." Sabi ni Ed at itinaas ang shirt niya. May nakita kaming hiwa sa ibabaw na parte ng likod niya. I nodded.

I healed every single one of them. When I started healing Steph she clutched the seat she was seating. I asked her if she was in pain but she just shook her head saying no. "I'm sorry." Bigla niyang sabi sa akin. Kahit na hindi ko alam anong pinaghihingian niya ng tawad ay tinanguan ko lang siya at nagpatuloy sa paggamot.

Ilang oras ang lumipas and I grew tired. I sat on my chair again and drink my water. I was able to heal everyone. Ilang oras kaming nagpahinga at ang iba ay nakatulog na sa pagod. I looked at my side and saw him also sleeping so I just decided to also doze off.

21st Century Goddessजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें