chapter 33 (Training)

9.3K 300 26
                                    

Zach's POV

Matapos naming ihatid ang magkapatid sa clinic, pinapasok na din kami ng nurse sa mga klase namin. Bawal daw mag absent, lalong lalo na't minor injuries lang daw ang natama nila. Si nerd naman, she just needs to rest, because her body was forced to produce an amount of energy eventhough she still haven't recovered fully yet.

Hard headed woman! Tsk.

Tapos na ang first subject namin, kaya tumayo na ako at aalis na sana kami ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si prof Hudson. Our techniques and combat teacher.

"Settle down students." Nakangiti niyang sabi habang inilalagay ang mga kagamitan sa ibabaw ng lamesa. "Uhmm, excuse me prof, but we still have our next classes to attend. And this isn't our room for our next class, and base on my schedule, it's still not time for techniques and combat." A guy said with a confused expression.

"Oh, basically everthing you said is true. Yet, the head admin wants every teachers' attendance this afternoon for our meeting..." Nabigla naman ako sa sinabi niya. What for? Hindi naman nila sinususpend ng agad agad ang mga klase dito. "...So, I'm here to have our class in combat. Let us proceed now to the training hall." Pagpapatuloy ni prof sa sinasabi niya.

Imbis na magtanong pa, tumayo nalang kami at lumakad papuntang training hall.

Habang naglalakad ay nakatingin parin sa amin halos lahat ng estudyanteng dinadaanan namin at may iilan naman na iimpit-impit lang ang tili. *sigh*

Pero, napansin ko lang, masyado naman 'atang maraming nakasunod sa amin. Hindi naman namin classmates ang iba, kasi nandito si Megan at ang mga friends niya, we're not classmates in any subject.

Made of glass ang training hall namin, and the glass that they used is not an ordinary glass, it's harder than concrete walls, at napapalibutan din ang labas nito ng barrier, para kung may nagtetraining ay walang maapektuhan na naglalakad o napapadaan sa labas.

Ng paparating na kami ay may nakita akong babae na nakatalikod at nakaupo sa sahig ng training hall. Psh! Likod palang, kilalang kilala ko na. Ang tigas talaga ng ulo! "Zach, is that Zy?" Biglang tanong ni Ed. Tumango lang ako sa kaniya at binilisan ang paglalakad. Binuksan ko ang pinto at parang wala lang itong narinig kasi nakatingin pa rin siya sa harap.

"Hoy, nerd. Why are you here? You're supposed to be in the clinic bed, resting." Nakatayo ako sa likod niya habang nagsasalita.

"I'm fine. And besides, I don't want to lay all day and just do nothing." Humarap siya sa akin habang naka upo pa rin sa sahig. "Tinakasan mo na naman ang nurse dun?" Tanong ko sa kaniya. "No, the nurse said I'm fine. I can come here if I want to." At tinalikuran na niya ako ulit. Psh!

Nagsipasukan na naman lahat ng estudyante dito sa loob ng training hall. "Class, settle down now. Since our last training was training your abilities, we will train how good you are in weapons today. Since wala na akong oras ngayong hapon, sinabay ko nalang ang isa sa mga klase ko ngayon. But anyway, I will pair you by two, and your pair will be your partner ok?" Sabi ni prof.

"Miss Greenwood and Miss Flauwhiller. Miss Bennovie and Miss Xanders." Tawag ni prof kina Mia at Alex. Tumawag pa ng iba't ibang pangalan si prof hanggang sa, "Miss Alvarez and Mr. Tardsin."

What the!

Nagkatinginan nalang kaming lima dito. You still remember Paul Tardsin? That envious guy. At sa lahat pa talaga ng makakapartner niya, si nerd pa talaga. Good luck nalang kay nerd.

Zypher's POV

"Miss Alvarez and Mr. Tardsin."

Tsh, siya yung nagbalak na sunugin ang royalties no'ng unang training namin.

21st Century GoddessWhere stories live. Discover now