chapter 37 (Mission)

8.4K 294 45
                                    

Short update... sorry :(

•¶•¶•¶

Zach's POV

I don't know why I did that to her. Ugh!

Ang lakas ng tibok ng puso ko habang papalabas sa training hall. Hindi ko alam, kinakabahan ako na natutuwa. This is crazy!

I just want to make fun of her, but it turns out na ako ang kinabahan ng husto.

This can't be it!

Hindi ko naman nararamdaman ang ganitong klaseng kaba kapag may kasama akong ibang babae. Well maybe the excitement is there, but this weird feeling... urgghh! I don't know!

I've tried flings a couple of times but I easily get bored. This is not even a fling, nakakatuwa lang talaga ang mukha niya kapag nakikitaan ng iba pang emosyon pwera sa pagka seryoso niya. Her expressions just amuse me. What I don't understand is, why do I have to feel so comfortable yet so awkward after doing it, and nervous? Psh!

This is really insane!

And now, dahil sa ginawa ko, napasama pa tuloy siya kay Megan. I still have to fix this engangement thing with my parents.

Biglang nagring ang phone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ko. It's Nate.

"Dude."

'Where are you? Your parents just called us. They want to see you, with us.'

I sighed, ito na nga ba ang sinasabi ko. Tsh! Megan.

She was one of my friends when we were still little. Okay naman sana lahat eh, it's just that kahit noon paman, she's pushing herself to me, and I don't like that. Palagi niya akong hinahabol, and worse, lahat ng babaeng maiinvolve sa akin ay gingawan niya ng hindi maganda. Even Steph, napagselosan niya noong maliliit palang kami. That act was so childish. But everything she does is not only a simple bullying, she can be very violent. At iyan ang kinakatakutan kong mangyari.

Hindi ko naman siya pinaasa, sadyang binibigyan niya lang talaga ng ibang kulay ang ginagawa ko sa kaniya. And to think na noong mga bata pa kami naging makasundo, at hindi na ngayon. She's still holding unto those memories, when the time that I'm still good to her.

In the first place, I was just doing those things to her because my mother and her mother are close friends, and for me also not to look mean. Pero binibigyan niya talaga ng kulay ang lahat.

'Hey! Are you listening?'

Nabalik ang ulirat ko sa pagsigaw ni Nate sa kabilang linya. "Yeah, meet me at the park." Then I hang up.

Pumunta na ako sa parking lot at sumakay sa sasakyan ko. My car is a black lamborghini. Makaraan ang ilang minuto, naabot ko na ang park. Hndi ako bumaba sa sasakyan kasi ayaw ko makakuha ng atensyon. I'm a crown prince, so I shouldn't expect na magiging tahimik pa ang buhay ko dito.

A minute later, I saw Ed's white car beside mine. Inuna ko na ang pagpapatakbo ng sasakyan ko at nakita ko namang nakasunod lang sila. They're only using one car. Tss. Lazy drivers.

Nagmaneho lang ako papunta sa kingdom namin. Actually ang academy ay nasa pinaka gitna ng Seandal Dimension, at nakapalibot lang dito ang lahat ng kingdoms. My place is in the east part of Seandal, Ed's place is in south. Kay Steph naman ay nasa north, kina Nate ay nasa west and lastly, kina Matt, ay nasa pinaka malapit na lugar sa portal patungo sa dimensyon ng mga tao at dito sa Seandal. It is located at northwest, in the middle of the ice and earth kingdoms.

Makaraan ang ilang minuto nadaraanan ko na ang isang kalsada na may isang direksyon lang. Nakikita ko na ang mga punong nagliliyab na sumasabay sa sayaw ng hangin at mga taong malinaw na nakikita ng mga mata ko kahit napakalayo pa nito.

21st Century GoddessWhere stories live. Discover now