chapter 29 (Emotions)

9.3K 344 29
                                    

Zach's POV

Ilang araw na din ang nakalipas simula mangyari yung training namin, yung pagsubok ng ability ko na makontrol ako at ang pagtransfer ng enerhiya ni nerd sa akin, na rumesulta sa halikan.

At sa ilang araw ding yun, mukhang nahihiya pa si nerd sa akin. Haha! Nakakatuwa tingnan ang reaksyon niya. Palagi din kaming inaasar ng iba, katulad ngayon.

"Ay, ang lalim ng iniisip niyong dalawa ah? Parang may konek talaga eh noh?" Mapang-asar na sabi ni Nate. "Tsh!" Yan lang ang sinabi ni nerd. "Ano ba kasi ang iniisip niyong dalawa ha?" Tanong ni Ed. Itinaas ko ang kamay ko, "Oh! I think I know what she's thinking. She's thinking how good was our kiss." I smirked. Nagpigil naman ng tawa ang anim, kasi sinamaan sila ng tingin ni nerd.

Yeah! It's my time to do my revenge. *smirk*

"Gusto mo ulit?" Pang-aasar ko pa. She glared at me. Imbis na matakot ako, napatawa ako sa reaksyon niya. She's blushing because of anger at the same time embarassment.

"No thanks, I don't want to experience that 2 whole hell minutes again with a gay. I'd rather kiss Diego than you." Naka poker face niyang sabi. Ha!

"Tss, sige ideny mo lang. Hahahaha!" Tawa ako ng tawa dito habang nagpipigil lang ang iba naming kasama. Sa lagay ko ngayon, hindi ako tinatablan ng black aura na inilalabas niya ngayon. Nangingibabaw ang tuwa at saya. Hindi ko rin alam eh, pero naamuse ako sa reaksyon ni nerd ngayon.

"Tsh! mukhang ikaw ang nag-iisip no'n eh. Mukhang ikaw nga ang may gustong maulit. Tss, sinasabi ko na nga bang may gusto ka sa aking bwisit ka eh." Nakapoker face niyang sabi sa akin sabay iling iling pa.

"Sige, sabihin na nating nagustuhan ko, payag ka ulitin natin?" Inilapit ko pa ang mukha ko sa kaniya, at tinaas baba ang kilay ko. She blushed! Hahaha!

"Hahahahahaha! Akalain mo yun, babae ka rin pala!" Tumatawa kong sabi sa kaniya.
"Huwag mo akong subukan Zach, kung ayaw mong makatikim sa akin." Cold niyang sabi sa akin. Napahinto naman sa pagtawa sina Nate at ang ibang nakikinig sa pagsasalita niya. Kahit ako natigilan ng bahagya. Galit na ata si nerd, tinawag na ako sa pangalan eh. Pfft!

By the way nandito pala kami sa ground, nakaupo lang sa bleachers habang kumakain ng snacks. Hapon na kasi ngayon, tapos na lahat ng klase namin.

Tumayo siya at akmang aalis, pero hinawakan ko ang braso niya. Linunok ko muna ang kinakain ko bago nagsalita, "At saan ka pupunta?"

"Magpapakalayo sa baliw na katulad mo." Poker face niyang sagot. "Obvious mo naman masyado, *smirk* sabihin mo nalang kasing gusto mo ulitin natin, swerte mo nga, libreng tsansing." Nakangisi kong sabi. She glared, death glare to be exact. Pfft!

"You freaking pervert!!" At binalibag ang kamay kong nakahawak sa braso niya.

F*ck! Ang sakit!

Tumawa na ng tuluyan ang anim ng makalayo na si nerd. "Wahahahaha! Laughtrip!" Tumatawang sabi ni Nate. "Yan kasi Zach, hindi sumusunod, nabalian tuloy." Natatawang sabi ni Matt. Tsh!

Ang sakit! Mukhang natwist ang kamay ko. Psh! Pero natutuwa pa rin ako, siguro nga nababaliw na ako.

Tiningnan ko lang siya sa malayo, naglalakad pa rin. Hindi ko na rin alam eh, yun ngang nalaman ko na siya ang magtatransfer ng energy sa akin bigla akong natuwa. Alam ko na naman ang proseso no'n, na para kayong magkahalikan, but I felt comfortable when we did it. I didn't expect I would feel something this good after doing it. Natutuwa ako sa reaksyon niya, nakakatawa na nakaka good vibes at nakakatuwa. And when we did it, I felt very content and happy. Nung naramdaman ko ang paglapat ng bibig niya sa akin, lumakas ang tibok ng puso ko. Parang kinabahan ako na gusto ko.

21st Century GoddessWhere stories live. Discover now