chapter 38 (Eyes)

8.5K 318 82
                                    

Short update... again...sorry :(

•¶•¶•

Zypher's POV

"Hahahahahah!"

"Yuck! Alex! Ang corny mo!"

"Hala! Ang cute kaya no'n!"

Napapailing nalang ako sa pinaggagawa nitong mga kasama ko. Pinagtitinginan na kami halos lahat ng tao dahil sa lalakas ng mga boses nila.

"Zy! Diba, ang romantic no'n, tapos ang cute pa. Habang sumasayaw at nakatingin lang sa mata ng isa't isa, tapos may biglang susugod na mga kalaban sayo at ililigtas ka ng mahal mo. Eeiihh! Nakakakilig kaya 'yun!"

I just stared at her with my eyebrows arched.

"Ahaha! Sabi ko sayo Alex eh, kami nga hindi nagustuhan, si Zy pa kaya. Ahaha!" Sabi ni Mia. And what does she mean by that?

I looked at her seriously.

Natahimik naman ito bigla. "Let's go." Sumunod na naman sila sa akin ng tahimik. I'm hungry!

Hindi pa rin kami nakakakain dahil sa dalawang ito. Nakakita lang ng isang shop, nag shopping na agad. Kaya ngayon, gutom na gutom na ako, at may pinadala pa sila sa aking apat na shopping bags, pero hindi ko kinuha.

"Oh my! Is that, JMV Collections?! Mia! Punta tayo!" Tili naman ni Alex. "Shocks! It really is!" Tili din ni Mia. Dali dali naman silang pumunta sa botique na nasa harapan namin.

Hmm. It's one of our botiques.

"Ate Alex, hinay hinay naman." Reklamo pa ni Jill kasi hinatak siya ni Alex papunta sa shop, habang si Mia naman nasa unahan na nila. Tsk! I didn't know these two are shopaholics.

Sumunod nalang din ako sa kanila since hindi ko pa alam ang mga lugar dito and I also missed coming to one of our branches, but this is my first time in this branch, since it's here in Seandal.

Pagpasok ko, bumungad agad sa akin ang mga signature dresses na naka hilera sa gitna nitong botique. I roamed my eyes and saw some of my works in here.

Yeah, I also like drawing dresses when I was little. Ayaw ko sana iyong ipakita kahit kanino, but then ate Aria saw it once and teased me about it. But then, ate Cassy told me that my designs are pretty impressive for a young girl like me. Oh well that was like when I was twelve or thirteen that time. So from that day, ipinapakita ko na kay ate Cassy ang mga ginagawa kong drawing. Siya lang ang pinapakitaan ko, kasi alam kong aasarin lang ako no'ng dalawa. But now, matagal tagal na din since the last time I've passed something for our dresses, and I wonder why some of my works are still here.

Kahit na si ate Gab at ate Aria ang mismong nagpapatakbo nitong mga botiques namin ay sinusupervise pa rin sila ni ate Cassy, kumbaga silang dalawa ang head at support lang kami ni ate Cassy. Gumagawa din naman siya ng dresses at pinapakita kina ate Gab at ate Aria.

Napatingin naman ako sa ibabaw na parte nitong botique, may pangalan ng company namin at may tatlong silhouettes ng mga babae. I remember that drawing. *sigh*

I wander around and saw small chandeliers that illuminates yellow classy lights inside. The wall is painted with cream white and all of the furnitures are colored with pastel colors.

"Zy, dali! Isukat mo 'to!" Narinig ko naman bigla ang boses ni Alex na nasa harapan ko na pala. "No thanks." Sabi ko. "Oh c'mon, sige na, minsan lang ako manglibre."

"Well ipagpaliban mo na din ngayon ang panlilibre mo." Tanggi ko ulit. "But Zy, I think this dress really suits you. Tingnan mo. Oh! Diba." Nilagay niya naman sa harap ko ang dress na napili niya at pinaharap ako sa salamin.

Actually, it's really nice. It's a royal blue, long sleeved cocktail dress. With laces in the upper chest and covers the whole sleeves. It has a silky cloth that covers the body. It's my favorite color. But...

"No, I don't like this." Sabi ko sa kaniya at ibinigay sa kaniya ang dress. "Eih! Sige na Zy, kahit para sa akin nalang. Para may remembrance ka naman sa akin, malapit na kaya ang sem-break, hindi tayo magkikita ng dalawang linggo." Naka pout niyang sabi.

"Saan ko naman 'yan gagamitin?" Sabi ko. "Basta, kapag may event or kahit ano, please Zy." Nag puppy eyes pa siya at nag pout ulit.

"Fine."

"Yes!"

Napailing nalang ako. Pansin ko lang, sobrang energetic 'ata ni Alex at Mia ngayon. Parang nakalabas lang sa lungga.

"Sige, mamimili muna ako ulit ah." Nagpaalam naman siya ulit sa akin. Tumingin ulit ako sa salamin at tiningnan ulit ang dress na ito. This dress really reminds me of something.

Then it hit me, kaya pala iba ang feeling ko pagkakita ko sa dress na ito, kahit nagandahan ako, pero parang something doesn't feel right about this dress. It's because it reminds me of that girl in my vague dreams. That girl that was stabbed in the heart. She was also wearing a royal blue cocktail dress, ang pinagkaiba lang ay abot sa sahig ang dress niya.

I even feel my chest hurts sometimes, kapag naaalala ko iyon. Pakiramdam ko, ako ang sinasaksak kapag naaalala ko ulit 'yun.

Binaba ko ang dress and looked at my reflection. My shirt is a loose white shirt at naka jeans ako ngayon. Some of my baby hair is pulling off from the bun, my hair looks messy. Naka black sneakers lang din ako ngayon. Over all, I look like a punk. Tsh.

Nakita ko naman sa gilid ng salamin si Jill na sinusukatan din ni Alex at Mia ng mga dress na hawak nila. I can see them arguing with each other. I amplified my hearing, and then nag-aaway pala sila kung sinong dress ang dapat piliin ni Jill.

'Hmm, Zypher Venus Halmington, my dear Venus.'

Bigla naman akong napa-igtad, and I felt my body trembled. Chills run down my spine ng may narinig akong tumawag sa buong pangalan ko. I don't recognize the voice, and I'm sure I don't know anyone who has that kind of resonance, it's... scary and it felt powerful.

Dali dali ako tumalikod and enhanced my vision to see if anyone is here. But all I can see are the costumers including Mia, Alex and Jill inside. I can't see anyone suspicious.

Bigla akong kinabahan ng husto. Who was that? Why does that person know my whole and real name? And the creepiest part is, only my mom calls me by my second name.

I examined every person that I see entering and exiting from the botique.

Nasa pintuan lang ang paningin ko, ng bigla akong may naramdaman na napakalakas na presenya sa harapan ko. I feel like I can't breathe, It's pressure is suffocating, but I didn't let my guard down. Then, it suddenly disappeared, pero nahagilap pa ng mata ko ang napakabilis na pagdaan niya sa harapan ko.

Wearing a black cloak, at may mahabang itim na buhok. And with her red lips, she smirked at me.

And the creepiest part is, she also has two different eye colors, like mine.

21st Century GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon