chapter 15 (Scared)

11K 384 12
                                    

Zypher's POV

Nandito na ako ngayon sa corridor, naglalakad kasama sina Jill. Lahat ng tao sa corridor lumalayo sa amin, na para bang may nakakahawa kaming sakit. Psh! -___-

Napapagitnaan nila akong tatlo, nakakapit sa magkabilang braso ko sina Jill at Alex. Tss! (-_-) habang si Mia naman ay nakakapit sa t-shirt ko.

Ang kulit. -___-

"Wala ba talaga kayong planong bumitaw sa akin?" Sabi ko sa boses na parang nagbabanta habang nakatingin parin sa dinaraanan namin. I saw Mia in my peripheral vision, lumayo siya ng bahagya sa amin. Pero nakakapit pa rin sa laylayan ng shirt ko, nainat tuloy. Tsh. -_-

Naramdaman kong nag stiff ng bahagya ang dalawang nakakapit sa akin. "E-eh, ate naman kasi, h--huwag mo naman kaming itaboy, nakakatakot kaya yang asong sumusunod sa atin." Sabi ni Jill na naka pout. "Z-zy, huwag ka namang ganyan. Ipapakain mo ba kami sa asong yan? Waaaah!! Zy, gusto ko pang mabuhay at magkapamilya, at magka-anak---- ayy! Mag-aasawa pa pala ako bago magka-anak, kaya Zy, kahit ngayon lang hayaan mo kami!" Sabi naman yan ni Alex na parang naghehysterical.

"Uhmm, Zy kung gusto mong kumawala na kami sa pagkapit sayo, itaboy mo nalang kaya yang asong yan, para solve na tayo. Nakakatakot kasi talaga yang asong yan eh. Tingnan mo ang mga tao, mukhang ikaw nga lang ang hindi natatakot sa asong yan eh." Sabi naman ni Mia na parang nagmamakaawa sa akin.

Tss!! -________-

"Kanina ko pa tinatry na paalisin, pero may nangyari bang pag-alis? Tss!" Sabi ko na nakatingin sa kanila.

"Eeehh! Naman eh! Bakit ba kasi sumusunod yan sa atin?" Sabi ni Alex na nagmamaktol.

"That dog has a name, it's Diego." Sabi ko sabay kuha ng mga kamay nila sa braso at shirt ko. "And why are you so afraid of him, he's not even barking anyone here." Pagpapatuloy ko sabay roll eyes sa kanila. Nagpatuloy na ako sa paglalakad.

"Zypher! Hintay!" Sigaw ng tatlo sa akin. Tss. -__- Tiningnan ko silang tatlo, "Huwag na muna kayong sumunod sa akin. Mukhang ako naman talaga ang sinunsundan ni Diego, sunod nalang kayo sa akin mamaya." Sabi ko nalang, ang lakas kasi nilang makakapit. I even felt my arms burning, i'm pretty sure there hands left marks in my arms. Tsh!

Nagpatuloy na ako sa paglalakad, naramdaman ko ding sumunod si Diego sa likod ko. Lahat ng dinadaanan ko umiiwas kasi lahat sila takot kay Diego.

Nakarating na din ako sa room namin.

Haay, salamat naman at ako lang mag-isa dito. Lumabas kasi ang lahat pagkakita nila kay Diego na pumasok rin. Tsh! Ano ba kasi ang kinakatakot nila kay Diego? Ang cute niya kaya.

"Diego, *sigh* bakit kaya sila natatakot sayo noh? Ang cute mo kaya." Pinisil ko ang pisngi niya, nabinat tuloy ang bibig niya. Eehh ang cute!

"Diego, hayaan mo nalang sila, mukhang natatakot lang naman sila sa laki ng katawan mo eh, hindi ka pa nila kilala." Sabi ko kay Diego kasi mukhang nalulungkot siya sa mga reaksyon ng mga tao sa paligid kanina.

Hinihimas ko ang ulo niya, katabi ko siya ngayon sa pag-upo. Pumatong kasi siya sa mismo kong chair kaya umusog ako pa kaliwa. Hinayaan ko nalang din. Inihiga ni Diego ang ulo niya sa lap ko, hindi na siya makikita kung nasa harapan ka dahil sa nakaharang na table sa harap. Biglang bumukas ang pinto kaya napatingin ako do'n.

Pumasok ang mga royalties, nagunguna sa pagpasok si Zach. "Hoy, nerd bakit nasa labas lahat ng est-- waaah! Why is that freakin' creature here!" Napaatras pa si Zach habang sinasabi yan. Bigla kasing bumangon si Diego galing sa pagkakahiga sa lap ko.

"Hoy nerd! Palabasin mo yang nilalang na yan dito." Sabi niya ulit na parang nagbabanta. Psh! Ang lakas makabanta, takot naman sa aso. Psh! -___-

"Hindi siya kahit na anong nilalang mahal na prinsipe, kung hindi mo alam kung anong klaseng hayop siya, isa siyang aso. At may pangalan siya, Diego. Tss." Sabi ko at nag cross arms sa kinauupuan ko.

21st Century GoddessWhere stories live. Discover now