chapter 36 (Outside)

9.3K 303 51
                                    

Steph's POV

"This is..."

Hindi naman matuloy-tuloy ni Nate ang sasabihin niya, at nakamaang lang ang bibig kong nakatingin sa papalabas na si Zach.

Did he really just kissed her? Shocks!!! Kyaaaahh!!

Tahimik pa rin ang lahat hanggang sa nagsalita si prof at dinismiss kami.

"Kyaaaaahh!!! He kissed her, right?! Diba! Sa lips!" Napatalon talon naman ako sa puwesto ko habang sinasabi 'yon. "Woah! Akala ko ba ayaw nila sa isa't isa?" Nagtatakang tanong ni Nate. Psh!

Binatukan naman siya ni Ed. "Tanga ka talaga, hindi mo ba nararamdamang may something na sakanila? Manhid ka kasi, 'yan, ang dami mo kasing babae, hindi mo tuloy na di-distinguish ang ganitong mga feelings. Mabuti pa ako, stick to one." At parang hangang hanga pa siya sa sarili niya.

"Wow! Ang nagsalita, parang hindi din gawi niya. Kaya pala ayaw na sayo ni Princess Gab kasi ang LOYAL mo, sobrang loyal talaga. Ahaha!" Nakatawa namang sabi ni Nate sa kaniya at pinagdiinan niya pa talaga ang salitang 'loyal'. He's mocking him.

"Hey!----"

"Shut up you both. Maglunch na tayo." Pinutol naman ni Matt ang pag-aargumento ng dalawa. Tinawag ko na sina Mia at Alex para sumabay sa amin. Nakatulala lang din sila dahil sa mga nangyari.

Lumabas na kami ng hall at nagpunta sa cafeteria.

Pagbukas ng pinto ng cafeteria ay nanibago kami. Woah! Milagro 'atang walang tiliang nagaganap ngayon.

Pero nakita ko sa likurang dako ng cafeteria na nandun lahat ng atensyon nila. Tinanaw ko naman doon at napatakip ako sa bibig ko sa nakita ko.

Zypher's POV

This is so not my usual noon breaks. Tss.

"Akala pa naman ng lahat matino ka, pero may tinatago ka din palang kalandian sa katawan. Ha! At ang ambisyosa mo pa, isang royalty pa ang binibingwit mo!" Sinampal niya ako.

This is bullsh*t!

"Nasaan na ang tapang mo huh? Palibhasa, nakita na ang tinatagong sekreto mo, you're a bitch! A slut!" Sasampalin na naman sana ako ni Megan ng mahawakan ko ang kamay niya.

"Don't dare touch me again. And don't reflect yourself to me. If you want a reflection, then go find a mirror."

"Yeah right, and everything we saw was so clear that your pushing yourself to Zach, you are trying to flirt with him! He's mine, loser! Only mine!" Dinuro niya ako.

"Yeah, he's all yours! I'm not as desperate as you are. And if someone is pushing herself towards someone, it's you." Bigla naman akong lumipad sa likurang bahagi ng cafeteria. Napasalampak ako sa sahig dahil sa impact ng pagbangga ko sa pader.

Heck! This is too much!

Nakita ko ang nagliliyab na mga kamay at mata ni Megan na paparating sa akin. "Desperate? Fine. Now, you'll see how desperate I am." Bigla niya naman akong binato ng fire ball, mabuti nalang at nakatayo ako agad at nakaiwas dun.

Bigla nalang din akong nakaramdam ng pag-stiff ng katawan, at biglang napunta sa harap ni Megan. She has the power of telekinesis and repultion.

Argh! This is so cliche, but in a much violent way! And I'm in a situation where in I can't protect myself from her.

"He is mine. Don't you dare get him away from me." Nanggagalaiti niyang sabi sa akin.

"Megan!!!"

Biglang may sumigaw ng pangalan niya. "What the hell are you doing?! You have to stop what you're doing right now!"

Napasalampak ulit ako sa sahig dahil sa nawalang pwersa na nakapagpalipad sa akin sa ere.

21st Century GoddessWhere stories live. Discover now