chapter 18 (feelings)

9.3K 380 4
                                    

Jill's POV

"WHO THE FREAKIN' HELL DID THIS TO HER!!!!"

"Patay" nausal ko nalang ng makita ko ang reaksyon ni Princess Gab sa sitwasyon ng bunso nila.

Sumunod ang mahabang nakakabinging katahimikan.

"ANSWER ME!!!!!!" Naramdaman kong napalunok na sa kaba si Princess Steph na naka yakap pa rin sa akin. Nakita ko ring napapikit si ate Mia at ate Alex.

Walang kahit na sino man ang nagtangkang magsalita. Nakita kong napatiim bagang si Princess Gab. Patay talaga ako nito.

"U-uhhmm na-n-nahu-hulog d-daw po s-siya *lunok* sa p-pool ng mga w-water ma-manipulator." Nagsalita nalang ako, kasi sa nakikita kong reaksyon ng mukha ni Princess Gab, mukhang anytime matitikman na talaga namin ang tinatagong bangis niya.

"Bakit meron siyang paso?!" Pilit na pinapakalma niya ang kaniyang boses ngunit mahahalata talaga ang panggigigil sa boses niya.

Napatingin ako sa mga royalties kasi wala na akong alam tungkol sa nangyaring paso sa tiyan ni ate Zy. Nakita kong napapikit-mulat si Prince Nathan. Mukhang wala ding planong magsalita si Prince Matt kasi parang na estatwa pa ito. Si Princess Steph naman ay napahigpit ang kapit sa balikat ko.

"Prince Zach, ano ba ang nangyari bago ako dumating do'n?" Tanong ni Prince Carl. Napunta sa kaniya lahat ng atensyon.

"W-we were just c-cleaning the sides of the pool, w-when suddenly her shirt was on fire. S-she tried to reach for the water on the pool, b-but u-unfortunately n-nahulog siya doon." Magsasalita pa sana si Prince Zach ng biglang nagsalita si Princess Megan .

Nanlisik ang mata ni Prince Zach ng tiningnan niya ito. Napataas ang kilay ko don. Mukhang hindi yon ang nangyari base sa nakita kong reaksyon sa mukha ni Prince Zach.

Tiningnan ko rin ang reaksyon ng iba pang royalties at nakatingin din sila kay Princess Megan na parang nagtataka na naiinis. Huminga ng malalim si Princess Gab at tuluyan na siyang kumalma.

"Sa pagkakaalam ko, si Miss Alvarez ay hindi isang fire manipulator, bakit naman siya masusunog ng bigla bigla? If you're trying to fool m--" biglang naputol ang sinasabi ni Princess Gab ng umungol si ate Zy.

"Please, I want to rest. My torso wounds are killing me." Mahinang usal nito habang nakapikit pa rin.

Kumawala ako sa pagkakayakap kay Princess Steph at lumapit sa kaniya. "Ate, huwag kang mag-alala, ihahatid ka na namin sa clinic." Hinihimas ko ang pisngi niya. "No, I want to stay in the dorm, I can heal myself. I just want to rest." Sabi niya na mahina parin ang boses, halata sa boses niya na she's still in the state of pain.

"Princess Gab, pasensya na po sa pagputol ng ate ko sa pagsasalita mo. Nahihirapan na po kasi siya kaya gusto niya na pong magpahinga." Sabi ko kay Princess Gab na nakatingin kay ate Zy.

"Do as she says, she's in pain. Magmadali na kayo. But I want to see all of you after this." Sabi niya at tinanguan ako. Nagmadali akong sumunod sa matataas na yabag ni Prince Zach papuntang dorm namin.

Gab's POV

I was so shocked when I saw Zach carrying Zypher. They're both wet, Zach is shirtless while Zypher's shirt is burned. Doon ako naalarma nong nakita kong nasunog ang ibabaw na bahagi ng tiyan ni Zypher. Halos hindi nga namin padapuan ng lamok yan, ngayon naman may mangyayaring ganiyan lang sa kaniya.

Hindi ko lang talaga mapigilan ang galit ko na lumabas dahil yon ang pangalawang beses na nakita kong nasunog ang katawan niya. Parang bumalik lang ang awa na naramdaman ko para kay Z.

21st Century GoddessWhere stories live. Discover now