chapter 16 (Savior)

10.6K 396 14
                                    

Zach's POV

Bigla akong nag-alala para sa aming lahat, lalong lalo na para kay Zypher. Kasi nakita kong naka aim sa kaniya ang lalaki, siya kasi ang pinaka malapit, kaya hinablot ko siya agad.

*sigh* Nakakapagod na rin ang araw na 'to. Nandito na ako sa dorm room ko. Ako lang mag-isa dito sa room ko kasi tig-iisa talaga kami ng dorm rooms kaming mga crown prince at princess.

Humiga na ako sa kama ko, maya maya lang hindi ko na napansin na nakatulog na ako.

>>>>>>>>>>>>>>>>>

Nagisng ako sa tunog ng alarm clock. "Aisshh!!" Kinakapa ko ang alarm clock, ang ingay kasi. Dahil hindi ko talaga makapa, bumangon nalang ako at iminulat ang mga mata ko. Tsk! -___-

Pumunta na akong banyo at naghanda na para makapag breakfast. Walang klase ngayon kasi sabado. Dalawang araw na ang nakalipas simula no'ng nakita naming may nagtangka sa mga buhay namin. Hindi ko pa rin nakakausap si Princess Gab tungkol do'n. Kapag pumupunta kasi ako sa office niya palagi siyang wala. Kaya maghihintay nalang akong makita siya na maglakad sa loob ng academy.

Naglalakad na ako sa hallway ng may biglang tumapik sa balikat ko, napatingin ako sa likod ko. Nakita kong nakasunod na pala sa akin ang apat. *sigh* Hindi ko napansin =__=

"Ang lalim ng iniisip natin bro ah." Sabi sa akin ni Nate, habang inaakbayan niya ako.

Bumuntong hininga lang ako. "Bro, huwag ka ng mag-alala patukol do'n, wala namang nasaktan sa atin. Safe tayong lahat, safe si Zypher. At kung nasaan man siya ngayon, sure akong ok lang siya, at sigurado naman akong babalik 'yun noh. Alangan namang mag drop out 'yun. Sayang naman, matalino pa naman 'yun." Mahabang sabi sa akin ni Nate.

"Tsh! At sinong nagsabi sa'yo na nag-aalala ako sa nerd na 'yun? Bahala siya sa buhay niya noh. Tsk!" Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad ko.

Sa dalawang araw din na lumipas, hindi ko pa ulit nakita at naka-usap si Zypher. Ang huli naming usap ay 'yung tumatakbo kami papuntang dorm. Tinanong na nga rin namin ang dorm mates niya sabi naman nila hindi din nila alam. Bigla nalang daw nawala si Zypher, nag iwan lang daw siya ng sulat na hindi sila dapat mag-alala kasi babalik daw siya at may ginagawa lang siyang napaka importante. Hindi naman daw siya nagdala ng kahit na anong damit, so babalik din daw 'yun sa madaling panahon.

Tinanong din namin ang kapatid niya pero wala din daw siyang alam kung saan nagpunta ang ate niya. Nag-iwan lang din daw siya ng sulat at excuse letter sa pag absent niya ng ilang araw.

Psh! Ang boring tuloy! -____-

"Dude! Huwag mo naman masyadong isipin si Zypher, baka matalapid na siya ngayon sa kinaroroonan niya sa kakaisip mo sa kaniya." Tumatawang sabi ni Ed. Sinamaan ko siya ng tingin. "Peace bro! Ang ipinaparating ko lang naman ay huwag mo ng masyadong isipin ang mga nangyayari ngayon." Seryoso na niyang sabi habang sabay kaming naglalakad.

"Oo nga Zach, alam mo hindi lang naman ikaw ang nag-aalala sa mga nangyayari ngayon at sa pagkawala nalang bigla ni Zy, kami din naman. Kaya chill ka lang." Biglang singit na sabi naman ni Steph sa usapan namin. Tumingin lang ako sa kaniya.

"Bro, ang tahimik mo na tuloy ngayon. Madali ka talagang magkaka edad niyan. Naku! Pagka balik ni Zy, hindi na siya magkakagusto sa'yo niyan. Tsk! Tsk!" Sabi naman ni Matt sabay iling iling pa.

"Hoy kayo! Sinong nagsabi sa inyo na ang nerd na 'yun ang iniisip ko? Hindi kaya. At ano namang meron kung tahimik ako ngayon? Palagi naman akong tahimik ah, at ngayon pa kayo nagreklamo. Tsk! -_-" Hinarap ko sila. Nakita ko silang naka ngisi. Napataas ng bahagya ang kilay ko. "Mga baliw." Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad.

21st Century GoddessWhere stories live. Discover now