chapter 23 (The Ultimate Ability User)

9.5K 391 6
                                    

Hey guys!!! I just wan't to greet you all! ^____^

Salamat sa pag suporta sa story na ito!

So here's an update for you, hope you guys enjoy it.

Zach's POV

Simula no'ng bumalik siya, bumalik din ang nawalang pakiramdam ko no'n. 'Yung parang may kulang, pero ngayon na nandito na siya naging normal na para sa akin ang nararamdaman ko.

I just don't get it, why do I have to feel this when she's around? I'm still so confused, but I think there's something different with her.

No'ng nawala kasi siya, parang may nawala sa paligid, and I think it's her aura. Parang may kino-conceal na aura ang nerd na'to. Sa araw ng pagbalik niya, parang may naramdaman kasi akong kakaibang presensya, akala ko may bisita ang academy namin na galing sa council. Pero nakita ko siya. Mukhang ako pa lang ang nakakapansin sa tinatagong malakas na presensya ng nerd na 'to. Magaling siyang magtago, ang tagal ko ngang napansin 'to eh. Napansin ko 'to no'ng nasanay ako na nandiyan siya palagi at no'ng nawala siya.

Nanghinala na ako kung bakit, pero kinumbinsi ko ang sarili ko na hindi sa kaniya ang aura na nararamdaman ko. But I confirmed it when we were cleaning the swimming pool. And whenever I get close to her, I always feel the strong presence coming from her, but I can feel that she's trying to conceal it, I wonder why. And the question is why do I feel this strong presence in her? She's just a healer.

*sigh* Habang nagttraining ngayon, I still can feel her. Mas naging malakas na ang pakiramdam ko ngayon. Nakita ko siyang nakasandal sa pader kanina.

I turned around and saw her still sleeping with Carl. Why is he with her again? Iminulat na niya ang mga mata niya at nakita kong nginitian siya ni Carl, parang may sinabi siya dito.

Nairita naman ako bigla. I stared at them for I don't know how long. Iniwas ko nalang ang tingin ko, baka kasi masunog pa sila. Ok lang sana kung ang linta na si Carl lang ang masunog, baka madamay na naman kasi ang nerd, tsh, magka part 3 pa sa pagkasunog niya. Naiinis lang kasi talaga ako sa Carl na 'yan kasi kahit saan magpunta si nerd nandun din siya, palagi naman kasing sinasama sa grupo namin si nerd nina Steph kaya parang naring sumasama ang linta na 'yan sa amin. At palagi ko pa siyang nahuhuli na nakatingin kay nerd at ngumingiti pa. Tss -____-

Nakaka bad trip! Aish!

Bigla kong naramdaman na uminit ang pakiramdam ko, nagsisimula ito sa dibdib ko hanggang sa uminit na ang buong katawan ko.

Narinig kong napa 'woah!' ang mga tao. Huh? Napatingin naman ako sa sarili ko, and I don't know what or how to react.
I'm burning! My whole body is burning! But I can't feel the heat.

Woah! This is the first time like this happen to me.

"Woah! Dude!" Manghang sabi ni Nate, kasama niya ang tatlo at sina Mia at Alex papunta sa akin.

"That is so cool!" Sabi ni Ed. "Zach! How did you do that!" Manghang sabi ni Steph sa akin. "I-I don't know." Nauutal kong tugon. "Dude! Naging intense red ang kulay ng mata mo!" Napatingin naman ako kay Nate ng sabihin niya 'yun. "Huh? Pahiram ng salamin." Sabi ko, pagkakita ko sa mukha ko, nanlaki ang mga mata ko, first time ko nakitang ganito ka intense ang kulay ng mga mata ko.

"Zach, I think your connection with your ability's spirit is beyond normal." Nakangiting sabi ni Matt sa akin. "Huh?" I'm still in the state of shock right now, kasi hindi parin ako makapaniwala sa nangyayari sa akin ngayon.

"What do you mean Matt?" Nagtatakang tanong naman ni Steph kay Matt. "It is the first stage of becoming your ability's master." Napatingin kami kay Mia ng bigla itong nagsalita.

21st Century GoddessWhere stories live. Discover now