Chapter 24

2.3K 128 2
                                    

Nang makarating kami sa city ay nagkakagulo na ang mga adventurers rank C and above, since lahat ng rank D below pati ang mga civilian ay nailikas na.

"Ano na nangyari?" tanong ko sa isang adventurer na napadaan.

"Namataan na ang <Thaniar> tatlong kilometro mula sa hilagang tarangkahan," sagot niya at tumakbo na patungo sa hilaga.

"Damn, tara," sabi ni F-guy at sinundan namin ang adventurer at naabutan ang isang guild officer na nagbibigay paliwanag sa mga adventurer kung ano ang gagawin.

"Bakit hindi tayo napunta sa attack team at napunta lang sa defense team," reklamo ko.

"By ranks ang pagpili nila, kung ikukumpara ang isang rank B, ang mga A at S ang kailangan nila, may mahika kang magpapakita sa'yo ng level at stats ng halimaw diba, nakita mo yung sa Thasalor? Magkasing lakas lang sila," sabi ni F-guy.

"Letse," sabi ko at sumandal sa pader at napansing pinagtitinginan kami ni Lyfa ng mga adventurer "ano tinitingin-tingin niyo?" sabi ko at nagsibalik na sila sa preparations na ginagawa nila.

"Nagtatanong ka kung ano tinitingin nila, saan gawa ang mga suot mo? Yung suot ni Lyfa, saan gawa?" sabi ni F-guy "syempre, kung ibabase sa suot niyo, iisipin nila na nasa S rank na kayo."

"Then bakit an-"

"Kayong dalawa diyan! Ano pa inaantay niyo? Tara na!" sigaw ng isang lalaking may maangas na equipments.

"Oi yung dalawa daw!" sigaw ko at pikong lumapit sakin ang lalaki at hinawakan ako sa kuwelyo ng suot kong coat.

"Ikaw at ang babaeng naka-hood ang tinutukoy ko," sabi niya at napatingin ako kay Lyfa and sure enough nakasaklong ang hood nung suot niya sa ulo.

"Haah..." buntong hininga ni F-guy "kaibigan, paumanhin ngunit kabilang ang dalawang yan sa defense team, at nasa B rank lang sila."

"Tch, mayamang bata," sabi ng lalaki na may tonong mapangkutya na siyang kinapikon ko.

"Sigurado ka bang binili ko ang mga materyales para magawa 'to?" tanong ko at napasin ko si F-guy na para bang gustong ikumento ang: Hinde, nakuha mo yan ng libre, pero nanatiling tahimik.

"Bakit, mali ba?" tanong niya.

"Oo, mali," sabi ko at hinamon siya sa isang duwelo.

"Wag kang iiyak bata," sabi ng lalaki habang binubunot ang malaking espada sa likuran niya.

"Siguraduhin mong magigising ka para hindi ka maging pabigat," sabi ko.

"Haah... Nasa gitna tayo ng delubyo at ngayon niyo pa ninais ng duwelo," reklamo ng official mula sa guild "hahh... oh well," at sinabi na niya ang rules na ang unang bumagsak ang panalo "simulan na!"

Agad akong sumugod at bago pa man siya makapag-react sa biglang pagsulpot ko ay sinuntok ko na siya sa mukha at tumalsik patungo sa gallery.

"Panigurado iniisip mo, dahil yun sa suot ko kaya," sabi ko at tinanggal ang mga suot ko at walang hiya-hiyang nagpalit sa kung ano yung suot ko noon minus the gauntlet and sword "gising pa ba? Game isa pa,"

"Bagsak na yung kalaban mo pero tinamaan ako at nakakairita kasi natapon yung kinakain ko," sabi ng isang lalaki at biglang nagsilayo ang mga tao sa paligid.

"Patay, si Galice ang kakalabanin niya," narinig kong sabi ng isa mula sa mga meron.

'Malakas siguro 'to, okay lang atang buong puwersa? Para sigurado, hinaan ko na lang ng medyo kaunti,' sabi ko sa isipan.

Soria: World's GuardiansWhere stories live. Discover now