Chapter 104

1.2K 67 0
                                    

"Mark— mali, tatawagin na ba kitang baron?" tanong ni P-knight nang dumating siya ng hapon, isang araw matapos kong maging isang baron.

"Manahimik ka!" sabi ko dahil siya ang may kasalanan kung bakit ako naging isang baron.

"Hahaha, paumanhin, anyway, eto ang titulo ng bahay at lupa," sabi niya at binigay sakin ang isang title deed at isang susi.

"Isa iyang villa na ibibigay dapat kay lolo pero tinggagihan niya, dahil sayang naman kung ibebenta, ginawa na lang na pag-aari ng palasyo at inalagaan para sa susunod na tahapangala," sabi niya.

"Titignan ko na, kaya tara," sabi ko at sakay ng isang chirtso ay dinala niya ako sa lote.

"Alam ko na kung bakit tumangi ang lolo mo," sabi ko nang makapasok na sa gate ng villa.

Malaki ang lote, putcha, may gubat na, may lawa, may farm?! pero lahat iyon ay hardin lang nitong 'Villa'; apat ang gusali doon, ang main building na sa totoo lang ay guest house, kung saan ko i-eentertain ang mga bisita or bwisita ko; yung building na nasa bandang dulo na mas bongga pa ang pagkakagawa base sa labas, ayoko na ilarawan pa ang loob at maiinis lang ako sa dami ng kwarto, ay ang bahay na titirahan ko, malapit doon ay ang titirahan ng mga retainer ko, at ang storehouse malapit sa farm, ang apat na iyon ay ang main buildings na lahat ay may stables sa malapit; may mga sub-buildings din like, mga maliliit na bahay na pwedeng tirahan ng mga hardinero/farmer at nang pamilya nila na pwedeng magtrabaho bilang maids or butler.

"Hoy, gusto ko lang alamin, gaano kalaki ang kapitolyo?" tanong ko.

"Hmm... di ko alam ang eksaktong sukat pero ayon sa tala ang sukat ng kapitolyo ay 100KM radius since pabilog ang estilo ng kapitolyo," sabi niya na tinangu-tanguan ko at ang loteng binigay sa iyo ay 10 percent nun," sabi niya na ikinasamid ko na.

"10%?!" gulat kong tanong at tinignan sa mapa ang oval shaped kong lote na malapit lang sa palasyo, no to be exact, tawirin ko lang yung lawa andun na ako.

"No wonder tinanggihan ito," sabi ko at bumuntong-hininga.

"Ngayon pwede silang magsanay nang walang gagambala sa kanila," sabi ni P-knight tinutukoy ang mga shrine maidens.

"Haah... Kung alam ko lang na ganito kalaki ang titirahan ko sana hindi ko na sinabi," sabi ko na tinawanan lang ni P-knight.

"Haah... Pwede na siguro kaming tumira dito," sabi ko.

"Anytime, pwede na kayong tumira dito," sabi niya.

"Haah... pati ata yung mga nasa orphanage pwede ding tumira dito eh," sabi ko.

"Pwede nga, kaso ano na mangyayari sa gusali na iyon?" tanong niya.

"Hmm... gawing ampunan na nga talaga" sabi ko.

"Sasabihan ko na ba sila?" tanong niya.

"Hinde, ako na magsasabi," sabi ko at pinag-isipan ang gagawin ko sa lupa "paano nga pala ang patakaran dito sa pagtitinda, I mean sa tributage, kung ipapa-upa ang lupa?" tanong ko.

"Hmm... ibibigay ng umupa ang 60% ng kabuuang ani niya sa may ari ng lupa na siya namang ibebenta ng may-ari sa pamilihan or sa merchant association," sabi ni P-knight.

"Paano kung yung sa may-ari ng lupa eh pinatayuan iyon ng gusali at pinaupa ang gusali na iyon, then naging isang tindahan?" tanong ko.

"Hindi ko alam, tanungin mo na lang kaya yung bangko," sabi niya.

"Hah, bangko?" tanong ko.

"Oo, bangko, ginawa iyon ng naunang mga tagapangalaga, dahilan para magkaroon ng guild card," sabi niya.

"Wag mo sabihing... Yung guild ay..."

"Ay guild, pero sa itaas ng guild ang may hawak ng guild ay ang bangko," sagot niya "at ang may hawak sa bangko ay ang financial department ng palasyo."

"Tutal dahil sayo isa na akong baron then sabihin mo sakin ang pamamaraan sa pag-gobyerno ng Floria," sabi ko at agad niyang pinaliwanag habang pabalik kami sa posada.

In summary: ang <King> bilang president at <Prime Minister> as vice-president; sa ilalim nila ay ang mga duke na may hawak sa finance; commercial, war and security. Then, ang senate na may hawak sa mga malalayong lupa na sakop ng bansa at sa ilalim nila ay ang congress; nasa ilalim ng pamumuno ng hari ang kapitolyo at ang mga village at bayan na nakapalibot doon, at hawak na ng senate ang iba; tulad kahapon, hanggat nakasalalay ang buong basa sa isang desisyon ay doon lang nagpapatawag ng senatorial meeting then eto ako, ang gumulo sa order nang bigla akong mgdesisyon na makipag-alyansa sa iba't-ibang bansa pero okay lang naman daw dahil maganda ang kinalabasan. Then ang bank na hawak ng finance department; ang iba't-ibang uri ang asosasyon tulad ng Scale(merchants), Anvil(smiths), at ang Herbal(pharmacy) ay hawak ng ng commercial department; ang order of knights naman ay ang hawak ng war and security, pati na rin ang magic spell research, na kinabibilangan ng <Fire Tower> nasa malayo upang walang sibilyang aksidenteng matamaan ng kung anong mahika ang lumabas sa bintana ng tore, tapos ang guild na nagsisilbing work agency.

"Okay," sabi ko "dalhin mo ako sa bangko," sabi ko.

"Bakit?" tanong niya.

"Kasi, yung farm, ipapaupa ko yun, tapos, of course, tapos yung building na ginawa niyo, gagawin kong bahay-panilihan iyon, kumbaga, isang gusali na nandoon na lahat ng hanapin mo," sabi ko tinutukoy ang mall.

"Hmm... pwede kaso kailangan mo ng working permit mula sa merchant association, tapos kailangan mong magbigay ng tax na nakadepende sa nakukuha mo," sabi niya.

"Then tara," sabi ko dahil sa dami namin, mauubos agad ang pera ko kaya kung magbabayad lang ako ng isang maliit na income tax, then sure, pero kung...

"Ano kaya kung sabihin ko ito sa hari, for sure magkakaroon ako ng leeway like maging fixed yung tax ko," sabi ko.

"Hoy..." sabi ni P-knight.

"Biro lang," sabi ko.

"Tara, dito ang banko," sabi ni P-knight at pumunta sa may kanan na agad kong sinundan.

pero dahil sa kailangan ko ang permiso bago ako bigyan ng mga kasangkapan ay nagtungo kami sa merchant hall, ang asosyason ng mga tindero at tindera.

"Isang bahay-pamilihan na lahat na ay nandoon ha..." sabi ng nang presidente ng merchant hall.

"Gaano kalaki itong gusali na ito?" tanong niya at agad sinabi ni P-knight ang lawak ng gusali.

"Malaki nga pero maliit," sabi niya.

"Ah, aayusin pa iyon, lalagyan ng apat na palapag," sabi ko.

"Apat na palapag?" tanong niya.

"Oo, ang balak ko ay ganito: pagkapasok na pagkapasok mo ay ang mga tindahan ng gulay at karne, mga halamang gamot at kung ano-ano pa; sa ikalawang palapag ay ang tindahan ng mga damit at alahas; sa pangatlo naman ay ang tindahan ng espada, baluti, kalasag at kung ano-ano pang magiging kapaki-pakinabang sa mga manlalakbay at sundalo, tapos sa pinaka-itaas ang tindahan ng mga gamot at libro," sabi ko "hindi pa sigurado iyon at maari pang mag-bago," sabi ko.

"Hmm... kung gayon, ibibigay ko ang permisso, Baron Sevilla, sa oras na matapos na ang renobasyon ng gusali," sabi niya.

"Okay," sabi ko at umalis na kami.


Soria: World's GuardiansWhere stories live. Discover now