Chapter 108

1.1K 59 1
                                    


Matapos mag-paalam ay agad akong bumalik sa kapitolyo tru return since hindi naman ako bumaba sa mga bayan para maregister iyon bilang huli kong pinuntahang bayan.

"Ba't ngayon ka lang?" tanong ni Lyfa nang pumasok na ako sa loob.

"Kumain na kayo?" tanong ko.

"Kakain pa lang," sabi niya.

"I see," sabi ko at pumunta na kami sa may silid-kainan at nakitang kumpleto sila doon, maliban lang kay Nekone.

"Nagsabi si Nekone na doon siya sa may workshop kakain kasama ng nina Jaune," sabi ni Lyfa.

"Oh, then tara na at kumain," sabi ko.

"Kayong lahat, pwede niyo akong tulungan?" sabi ko matapos ang tanghalian na ikina-lito nila.

**********************************

"Hindi ko aakalin na pupunta ka sa graveyard," sabi ni Luxerra habang tinatanggal namin ang mga kaliskis nung greater elder dragon.

"Nag-eenjoy sila doon oh," sabi ni Mimir tinutukoy ang mga batang kinakaliskisan ang balat ng ancient dragon, of course wala na ang pangil at kuko na mayroon nung nakuha ko.

"Oo nga pala, may gamit ba ang laman loob ng dragon?" tanong ko.

"Maliban lang sa na nagtataglay ng dragon core at sa atay na nagpapagaling ng kung ano mang karamdaman, wala ka ng mapapakinabangan," sabi ni Luxerra.

Dahil sa AGI naming apat, ay madali ang dismantling sa elder dragon, kinuha ko ang puso ng dragon na naging crystal na kulay lila at ang atay nito, ang iba ay ibinaon ko na sa lupa upang maging pataba, dahil sabi ni Luxerra na mahal ang dragon meat ay itinabi ko na rin iyon, pati ang dragon blood na isang alchemy material; kinuha ko ang mga pangil at kuko, at ang mga butong pwedeng gamitin sa pag-gawa ng sandata, ang bungo at ilang maliliit na buto ay ginawang purong bone powder.

Balak ko sanang bigyan si Luxerra ng mga materyales bilang pasalamat pero tumanggi siya saying marami siya nun, sangkatutak.

Sunod naman ay tumulong na kami sa may balat ni Draigg at dahil humingi ang mga tumulong na shrine maiden ng isang kaliskis ay binigyan ko sila, galing sa may braso of course dahil ang kaliskis sa katawan ay malalaki, na para bang pwede mong kawing kalasag.

Nang matapos kami sa lahat ay gabi na at lahat ay madudungis specially kaming apat nina Luxerra na may mga bahid ng dugo sa katawan.

"Ano nangyari sa inyo?" gulat na tanong ni Nekone nang makita kaming apat.

"May kinalaban kaming dragon," sabi ko.

******************************************************

"Okay, tara na sa bapor!" sabi ni Nekone matapos makasakay kay Aqua, kasama ang tatlong daang sundalo na ipapadala as reinforcement.

Nang maka-alis na sila ay agad akong nagtungo sa may pinapa-renovate ko upang tignan ang bilis nila; sunod naman ay tinignan ko ang workshop, mas lalong gumanda ang mga design ng damit na gawa nila pati na rin ang istilo sa pananahi ay maganda na rin tignan, salamat panigurado kay Nekone.

Lumipas ang mga araw na ang ginawa ko ay mag-grind ng tailoring; nang bumalik si Orin ay binigyan ko siya ng matitirahan na niremodel para maging isang pandayan at nag-grind din ng smithing; nang maging level 60 na ang mga bata, ay itinigil na nila Noire at Luxerra ang training nila, at dahil sinabi sakin noon ni Luxerra bago magsimula ang training nila na magiging dual-element lang sila at hindi mapapalitan ang affinity nila(walang hiya ka Galice, niloko mo ako) ay naging desipulo ko silang lahat kaya mas malakas sila kumpara sa mga normal na level 60.

Soria: World's GuardiansWhere stories live. Discover now