Chapter 44

1.7K 104 4
                                    

"Andito- woah!" gulat kong sabi ng makita si Mimir sa tinataguan namin nang bumalik akong padilim na "Lyfa?" patanong kong tawag dahil baka mamaya yung tunay nga at natunton ako.

"Ba't ngayon ka lang?! Alam mo bang nag-aalala na ako dahil baka kung napano ka na?!" sabi ni Lyfa.

"Sorry, ba't ganyan itsura mo?" tanong ko.

"Kasi, sobrang pag-aalala ko sa'yo pinilit ko si Zedrick na gamitan ako ng ilusyon at pagmukaing ako ang kakambal kong si Mimir," sagot niya "ba't ba ngayon ka lang?" tanong niya.

"Kasi po madaming sundalo ang naglilibot," paliwanag ko.

"Nalaman na nandito tayo?" tanongbni Lyfa.

"Kasi tumakas na naman si Mimir," sabi ni Eriole na kakarating lang.

"Tumakas nanaman siya," sabi ni Lyfa na naka-ngiti.

"Nakita mo siya kanina ano?" tanong sakin ni Eriole.

"Oo, at akala ko si Lyfa kaya niligtas ko siya sa mga humahabol sa kanya," sagot ko.

"Kamusta siya?" tanong ni Lyfa.

"Maayos naman," sabi ko at napangiti si Lyfa.

"Kumain na tayo, nagluto na ako," sabi niya kaya dali-dali akong pumunta sa lamesa.

"Status?" tanong ko kay Eriole matapos naming maghapunan.

"Ayun, minamanmanan ang kilos sa Oldale, tapos sa side naman ng Sri Kinla, nahuli ng dating ang mga sundalo at sinusubukan nilang kunin uli ang bayan," sabi niya.

"Sri Kinla," ulit ko at hinanap ang lugar sa mapa at nang makita na ang lokasyon ay "ah, yung side ni Calyx," sabi ko.

"Tapos sa Hitnojir naman inookupa na ngayon ng grupo na pinamununuan ng isang salamangkera," sabi niya at tumango-tango ako.

'Si Princess yun,' sabi ko sa isipan at pinatabingi ang inuupuan.

"Currently, nanahimik ang nasa Triyin," pagpapatuloy ni Eriole at chineck ko uli ang mapa.

'Ah, si Mira,' sabi ko sa isipan 'ang bibilis nila ah, nasa dulo na rin siya.'

"Tapos yung may palakol na lalaki... nandun sa dungeon," sabi niya at halos matumba ako sa narinig.

"ANONG GINAGAWA NIYA DOON?!" tanong ko.

"Natalo siya kasi ayaw niyang lumaban, masusuway niya daw ang utos ng mas mataas sa kanya kaya hindi siya lumaban," sagot ni Eriole.

'Oo nga pala, nagwawala siya pagnapatagal siya sa laban,' sabi ko sa isipan.

"Ano na nga pala nangyari dun sa mga village?" tanong ko sa kanya, tinutukoy ang mga nadaan ni Xian.

"Ano pa ba ang aasahan mo? Syempre sa pagkawala ng mga pumoprotekta sa kanila marami ang nainis, nalungkot, at nagalit," sagot niya "muntikan na ngang magkaroon ng civil war," dugtong niya at bumuntong-hininga ako.

"So, ano ginagawa niya ngayon?" tanong ko.

"Kasalukuyang pinag-aaralan ang politika," sabi niya "para mapakalma niya ang mga nagagalit na mamamayan."

"Kailangan ko na pala siyang kalabanin," bulong ko sa hangin.

*******************************************************************************************

"Ikaw na ang bahala sa kagubatan ako na sa apoy," sabi ni Luxerra sakin habang naglalakad kami sa kakahuyan patungong kapitolyo.

"Oo, ako na ang bahalang kumausap sa kanya," sagot ko.

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon