Chapter 4

3.9K 224 6
                                    

"Nagkita na ba tayo?" tanong niya sakin.

"Nope," pagsisinungaling ko.

"I see, may kamukha ka kasi," sabi niya.

"Maraming tao sa mundo, maaring napagkakamalan mo lang ako," sabi ko habang patuloy lang sa pagbabasa. Hindi ko siya tinitignan bilang bayad sa ka-'friendly'-han niya nung una kaming nag-usap.

Hindi na siya nagsalita matapos nun, at bumalik na siya sa tabi ng babae, bored na rin siguro kaya lumapit at kinausap ako.

'Ah, bagong skill' sabi ko sa isipan nang marinig ang notification kaya tinignan ko agad ang <skills> at nakita ang: <Mana Arrow> <LVL:1> <MP:20>. Sa unang pagkakataon ay pinindot ko ang skill at lumitaw ang description window na nagsasaad ng:

<Mana Arrow>

<LVL: 1> <PROFICIENCY: 0/100>

<MP COST: 20>

An arrow made of pure mana, the higher the level, the damage and the quantity of arrows fired increases.

'Mukhang maganda 'to ah' sabi ko sa isipan at naalala ang tinalakay sa chapter 3 kaya sinubukan ko ang exercise kahit na ang balak ko ay mamaya na gawin pag nag-iisa ako.

Ayon sa libro, ang magic o <Mana> ay dumadaloy sa dugo, kaya para mapalabas ang <Mana> ay inamahe kong naiipon ang dugo ko sa kamay, at unti-unti nakikita kong lumiliwanag ang kamay ko hanggang sa nabalutan na ito ng isang manipis na aura.

'So, eto pala yung <Mana>,' sabi ko sa isipan at pinakorte iyong espada katulad ng nasa bewang ko, at nakatanggap ako ng notification at nakitang umiilaw ang <skills> kaya agad kong tinigil ang ginagawa at tinignan ang bagong skill.

<Mana Blade>

<LVL: 1> <PROFICIENCY: 0/100>

<MP COST: 10>

A blade made of concentrated mana, the higher the level the sharper it gets.

'So pwede akong makagawa ng sarili kong <skills>,' sabi ko sa isipan at marami na agad nabuong ideya sa isipan ko kaya napapangiti ako.

"Bakit?" tanong ko kay F-guy nang mapansing tinitignan niya ako ng masama.

"Natatakot sa'yo ang mahal na prinsesa," sagot niya.

"Paumanhin natutuwa lang ako sa aking binabasa," sabi ko at di mapigilang mapangiti sa naisip.

Inipon ko ang <Mana> sa mata ko, willing it to make me see the unseeable, at nang natanggap na ang notification ay agad kong binuksan ang <skills> at nakita ang:

<Judge>

<MAX>

<MP COST: 1>

Makes the user see the quality of items.

'At lumabas ang isang <Skill> na hindi ko sure kung kailangan ko,' sabi ko sa isipan at ginamit sa pinakamalapit na damit.

<Cotton Shirt>

Defense +2

Quality: <Normal>

'Yup, kakailanganin ko 'to' sabi ko at di maiwasang mapangiti uli

"Isa akong kabalyero ng palasyo, at pwede kitang dalhin sa dungeon kung nanaisin ng prinsesa," sabi ni F-guy kaya napasimangot ako.

"Then bilisan niyong mag-usap diyan nang makapagbayad na ako at maka-alis na, kayo lang naman yung nagpapatagal sakin dito," sabi ko stunning all the customers inside, pati ang shopkeeper stunned din.

"Ano, pwede na akong magbayad?" tanong ko at gumawa ng daan ang babae kaya dinala ko na doon ang mga bibilihin. Agad na inasikaso ng shopkeeper ang mga pinamili ko at matapos mabayaran ay agad kong kinuha ang pinamili at agad na umalis.

Tinanggal ko ang nararamdamang inis sa pamamagitan ng paglilibot ng siyudad, unti-unting nawawala ang inis ko at nang makakita ng simbahan ay agad akong pumasok. Di tulad ng inaasahan ko ang nakita ko doon dahil imbis na ang kinasanayan kong rebulto nina Jesus Christ, ang nakita ko ay rebulto ng isang lalaking may ibon sa balikat, at sa nakalahad niyang palad ay isang naglalagablab na apoy.

"Anong kailangan mo?" tanong ng isang pari.

"Ah, wala, tumitingin-tingin lang ako since hindi ako taga-rito," sagot ko at tumango-tango ang pari "... ano nga pala ang relihiyon dito?" nag-aalangan kong tanong at di nakalampas sa mata ko ang pagkunot niya ng noo na agad ding nawala.

"Fire Guardian's Faith," sagot sakin ng pari "iyon ang relihiyon sa buong <Floria>, hindi ka ba naniniwala sa tagapangalaga ng apoy?"

"Hindi, naniniwala ako sa Diyos na gumawa ng lahat" sagot ko at hindi na niya itinago ang pagkunot ng noo.

"Anong relihiyon iyon?" tanong niya.

"Roman Catholic" sagot ko sa kanya di na inantay ang sasabihin niya dahil naglakad na ako palabas pero habang palabas ay napalingon ako dahil feeling ko ay may nakalimutan ako.

Tinamad na akong maglibot kaya pumunta ako sa guild at nanghiram ng libro paukol sa mga halimaw dito sa mundong 'to, at habang nandoon na rin ako ay nanghiram na rin ako ng libro paukol sa mga halaman. Nang mahiram ang libro ay agad ko iyon binasa, boring parehong libro dahil encyclopedia, sa totoo lang tinatamad na akong basahin iyon pero ng matapos ko ang encyclopedia ng mga halimaw ay nagkaroon ako ng skill kaya with full motivation kong binasa ang encyclopedia ng mga halaman giving me an upgrade sa nakuha kong skill kanina.

<Analyze>

<LVL: 15> <PROFICIENCY: 50/100>

<MP COST: 10>

Let's you identify a monster or plant.

Matapos mabasa ang dalawang libro ay agad ko iyong isinauli at kumain ng tanghalin. Nang matapos kumain ay bumalik ako sa kwarto ko para mag-aral ng magic nang maisipan kong gamitin ang <Judge> sa binili kong espada at gauntlets.

<Rusty Sword>

Attack +20

Quality: Bad

<Worn-out Gauntlet>

Attack +3

Defense +5

Quality: Bad

"Meron kayang magic para maayos 'to at baka tumaas yung stat?" tanong ko sa sarili habang binabalik sa kaluban ang espada at kinuha ang libro in hopes na mayroong restoration skill, pero natapos ko nang basahin ang beginner at wala paring nakikita kaya binasa ko naman ang intermediate. Nakakatanggap ako ng mga notifications pero pagnakita kong walang bago di ko na iniintindi yun at patuloy lang sa pagbabasa, at nang maging chapter 3 na ako sa intermediate ay don ko lang naisipang buksan at tignan ang <skills> at nagulat dahil:

<Mana Bolt> <LVL: 10> <MP COST: 5>

<Mana Efficiency> <MAX> <PASSIVE>

<Mana Arrow> <LVL: 10> <MP COST: 10>

<Judge> <LVL: 1> <MP COST: 1>

<Analyze> <LVL: 15> <MP COST: 10>

<Mana Shield> <LVL: 1> <MP COST: 10>

'... Pano naging lvl 10 ang <Mana Bolt> at <Mana Arrow>?' taka kong tanong sa sarili pero hindi ko na iyon pinroblema dahil wala namang masamang naidulot yun, sadyang curious lang ako.

'Should I try hunting?' tanong ko sa sarili habang naliligo 'pero di pa ako sure sa mga nagagawa nito,' at tinignan ko ang <skills> na halos doble na dahil natapos ko nang basahin ang intermediate book, nagrecreate na din ako ng mga existing skills at gumawa na rin ng ilan.

Soria: World's GuardiansWhere stories live. Discover now