Chapter 78

1.3K 85 0
                                    


"Mga info na nakuha ko ay ganito," simula ko "by group sila, at sadly, hindi ko nakuha kung ilan ang mga grupo dahil hindi niya alam."

"Ang may hawak sa grupo ni informant ay si Lunyar," sabi ko.

"What?! Imposible!" di makapaniwalang sabi ni Nekone.

"Bakit?" tanong ko.

"Si Lunyar ay isang palace mage na isang SS rank," sagot ni Nekone.

"Naniniwala ka na?" tanong ko.

"Kailangan ko ng proweba," sabi niya "ano pa ang mga info na binigay niya?"

"Every weekends ang dalaw ni Lunyar, tapos aalis sila kasama nung babaeng nagdala sa informant doon at babalik kinabukasan ng gabi may dala-dalang mga bago, papainumin nila ng kung ano tapos start na ang party nila," sabi ko.

"... Pupuntahan natin sila sa oras ng pagdating niya," sabi niya.

"Sure ka? Papatayin ko siya?" sabi ko.

"Hindi mo siya pwedeng patayin, siya lang ang kaisa-isa nating clue para malaman kung sino-sino pa ang mga slave seal holder," sabi niya.

"Eh sa mga hindi?" tanong ko.

"Papakawalan natin," sagot niya.

"Naive," sabi ko.

"What?! Paano mo nasabi yan?!" sigaw niya.

"Nasa giyera tayo, pagpinakawalan mo sila maari silang magsumbong sa palasyo, ituring kang taksil at ikapahamak mo pa," sabi ko.

"Paano naman ako ituturing na taksil ako ang tagapangalaga -"

"Sabihin nilang isa kang peke, meron silang aklatan na kung tawagin ay <grand archives>, nakatala doon lahat ng nagagawa ng mga tagapangalaga, alam mo ba yun?" tanong ko at umiling siya "then pwede nilang sabihin na isa kang Florian na natuto sa Hydrorian language, nagkaroon ng pamilyar at napeke ang wand, aatakihin ka nila, kakayanin mo ba sila?" tanong ko "isa kang mage, may AoE skill ka pero what if gawin nilang choral ang <Despell>, i-outnumber ka," sabi ko.

"T-t-then... hindi ko alam ang gagawin," sabi niya "pero hindi natin sila pwedeng patayin!"

"May paraan naman pero kailangan kong bumalik sa hideout," sabi ko.

"Ano yun?" tanong niya.

"Kunin silang bihag pero kailangan ko ang confirmation ni Heneral Luna," sabi ko.

"Kung gayon, babalik muna ako sa palasyo at mangalap doon ng inpormasyon," sabi niya "babalik ako dito in weekends."

"Wait, ano ba ang weekends dito?" tanong ko.

"Di ka tumitingin sa kalendaryo?" tanong niya at umiling ako "sa mundong ito, merong pitong buwan; buwan ng apoy na ibon ay may 53 days; dragong asul ay may 52 days; kayumangging leyon ay 52 days; berdeng lawin ay 52 days; puting tigre 52 days; lobong itim 52 days at luntiang usa 52 and a half; ang mga araw naman starting from sunday ay: Leukos, Ignis, Aenai, Silva, Era, Unda at Phlegein."

"Anong araw ngayon?" tanong ko.

"Uhmm... Silva, bali wednesday," sagot niya.

"Edi may dalawang araw pa bago siya pumunta dito," sabi ko.

"Yup, so kita tayo dito sa sabado," sabi niya.

"Okay," sabi ko at nauna ng umalis sa kwarto.

Habang tumatakbo ay tinawagan ko si Mimir, nagawa ko siyang matawagan nang pindutin ko ang pangalan niya sa slave tab.

'Mimir, ako ito saan na ang bagong hide-out,' tanong ko.

'Hinde pa nakakalipat, mamayang hating-gabi ang alis,' sagot niya.

'I see, pabalik na ako diyan,' sabi ko.

'Okay, nakabalik na nga pala sina Princess,' ulat niya at pinatay ko na ang linya dahil...

"Asaan na sila?" tanong ko kay Mimir nang makapasok sa loob ng tent dahil nasa hideout na ako nung pinatay ko ang linya.

"Ang bilis mo!" sabi ni Mimir "ayun sila, nagpapahinga," at tinuro niya ang dalawang prinsesa.

"Si Heneral Luna?" tanong ko.

"Command Tent," sagot niya kaya agad ko siyang pinuntahan.

"Ano? Aanib ba siya?" tanong ni Heneral Luna.

"About diyan, bumalik siya ng palasyo," sabi ko.

"Tapos pinabayaan mo siyang bumalik?!" reklamo niya.

"Patapusin mo muna ako," sabi ko "bumalik siya para mangalap ng inpormasyon paukol sa isang brothel sa siyudad ng <Atlantika>."

"Ah, kumukuha na rin kami ng inpormasyon paukol doon," sabi niya.

"Nakakalap na ako," sabi ko at sinabi sa kanya ang lahat ng natuklasan ko.

"I see, at nandito ka para malaman kung pwedeng gawing bihag ang mga mahuhuli sa operasyon ngayong darating na Leukos?" tanong ni Heneral Luna.

"Oo," sagot ko.

"Sige, ilang tauhan ang dadalhin mo?" tanong niya.

"Buong grupo ko tapos sampu sa pinakamagagaling mo, kukuha rin ako ng nga baril ng maturo ko sa kanila ang mga alam kong gamitin sa mga bago," sabi ko "aalis ako mamayang hating gabi kaya siguraduhin mong alam nila ang lokasyon ng bagong hideout."

"Okay," sabi niya kaya bumalik na ako sa tent.

Nang makarating ako ay agad kong pina-gising sina Princess at Lunaria.

"Sorry, at pinagising ko kayo kahit alam kong pagod kayo," paumanhin ko sa dalawa.

"May sasabihin ka diba," sabi ni Princess "ano yun?"

"Okay, mamayang hating-gabi, aalis tayo papuntang <Atlantika>, kasama ang sampu sa pinakamagagaling na sundalo nina Luna," sabi ko.

"Ano meron dun?" tanong ni Lunaria "doon ba ang bagong hideout?"

"Hindi doon ang hideout, meron doong brothel na puro bata, well dalagita na silang matatawag, at ang misyon natin ay pakawalan ang mga bihag, at -" sabi ko at napansin kong naikuyom ni Mimir ang dalawang kamao "dakpin at gawing bihag ang may sala," dagdag ko at hinarap si Mimir na nakatitig sakin "gusto ko silang patayin, pero grupo raw sila ayon sa informant ko kaya pag-ginawa ko yun, mawawalan tayo ng lead sa mga iba pang brothel."

"Kaya dadakpin natin sila," sabi ni Princess.

"Oo, kaya dadakpin natin sila," sabi ko "aalis ako at may pupuntahang maaring maging kakampi, in the mean time, maghanda kayo, Lunaria, pag dumating ang sampung sundalo sabihan mo sila na kumuha ng mga baril na gusto nila, dalawa lang, isang sniper rifle or rifle at isang pistol," sabi ko.

"Okay," sagot ni Lunaria.

"Mimir, restock your ammo, at kung gusto mo, palitan mo na rin yung pistol mo," sabi ko.

"Okay," sabi niya at umalis.

"Ah, tama, Princess, <Add Friend: Princess>," sabi ko at nagulat siya, siguro dahil sa biglang sulpot ng isang window sa paningin niya, may pinindot siya at naramdaman ko ang certain connection na yun.

"Okay, ngayon, magagawa ko ng makontak ka kung kakailanganin ko," sabi ko "aalis na ako, kontakin niyo ako kung may mangyaring kung ano."

"Roger!" sabay na sabi nina Princess.


Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon