Chapter 90

1.3K 72 1
                                    


"Haah... imposible," narinig kong sabi ng isang lalaki sa kausap nito habang kumakain kami "hindi na makakadaan ang kahit anong uri ng karwahe sa daan na yun."

"Bakit naman?" tanong ng kausap ng lalaki.

"Tinamaan ng malaking pagbaha ang bayan ng <Arun>, umapaw kasi ang lawa sa malapit," sagot nito "dahilan para mapilitan akong dumaan sa <Death Cavern> at kung hindi dahil sa mga adventurer na inupahan ko ay malamang ay hindi na ako nakalabas pa."

"Paano babahain ang isang lawa?" tanong ni Lyfa.

"Wag ako tanungin mo, hindi ko rin alam," sabi ko kaya tumayo si Mimir at lumapit sa dalawang taong nag-uusap.

"Mawalang galang na," sabi ni Mimir "maari bang malaman kung papaano umapaw ang lawa dun sa may <Arun>?"

"Isang Nocturiana ha, normal lang na hindi mo alam," sabi ng lalaki na nagsabing umapaw ang lawa "ang <Arun Lake> ay tinitirahan ng isang masamang espirito, umaapaw ang lawa pagnagagalit ang espirito at huhupa lang matapos ang gabi-gabing pag-aalay sa loob ng isang buong buwan."

"Hmm... isang masamang espirito huh... kelan nagsimula yung pagbaha?" tanong ni Mimir.

"Hindi ko alam eh, hindi ko naitanong sa nagsabi sakin nung nasa bayan pa ako ng <Artrog>," sabi ng lalaki.

Matapos magpasalamat ni Mimir ay bumalik na siya sa lamesang inuupuan namin at ramdam ko ang tingin nung dalawang lalaki.

"Narinig niyo?" tanong ni Mimir.

"Loud and clear," sagot ko habang tinitignan ang <Map> at hinahanap ang mga sinabi niya.

"<Death Cavern> lang talaga ang tanging daan para makapunta sa bayan ng <Artrog> kung ayaw mong dumaan ng <Arun>," sabi ko at nang mapansing nakatingin silang dalawa sakin na ang mga mata ay puno ng expektasyon ay dinugtong ko ang "puno ng mga A rank monster spirit type ang <Death Cavern>, para sa normal na tao, delikado na ang A rank."

"Pero ang sabi nila hindi makakadaan ang kahit anong karwahe diba, pero dahil naglalakad tayo balewala lang satin yun," sabi ni Lyfa "besides, sa <AGI> natin kaya nating tumakbo sa ibabaw ng tubig for a set period of time diba?"

"Wag niyo itulad ang AGI ko sa inyo," sabi ni Mimir "kung malaki ang sakop ng baha baka hanggang kalahati lang ako," sabi niya.

"Subukan kaya nating alisin yung masamang eapirito sa lawa," suhestiyon ko dahil mas exciting yun kumpara sa easy to kill na halimaw sa <Death Cavern>.

"Papaano naman natin aalisin yun?" tanong ni Lyfa sabay kagat sa tinapay na hawak.

"Aalamin na lang natin pagdating dun sa <Arun>," sabi ko.

"Kung sabagay, trabaho mo ang alagaan ang bansang ito, kaya kailangan mong siguraduhing in order ang lahat or else lagot ka sa magic master mo," sabi ni Lyfa at kinabahan ako dahil sa ginawa ni Luxerra sakin nung sinagot ko siya sa tanong niyang 'kung may nangyari sa bansa na inaalagaan ko anong gagawin ko' ng 'wala, pababayaan ko lang'.

"Wag mo ipaalala sakin iyon Lyfa, please," sabi ko.

"Ano yun?" tanong ni Mimir.

"Ah, nangyari yun bago pa magkaroon ng alyansa ang Nocturia at Floria, nung nasa ilalim pa siya ni Luxerra para matuto sa tamang pakikipaglaban na mahika ang madalas gamitin na hindi niya naman nagagawa," sabi ni Lyfa kaya napa-ngiti ako.

"Kaya naman ng novice swordmanship ko ang mga halimaw eh," sabi ko kaya napa-iling na lang si Lyfa at nagpatuloy na kami sa pagkain.

Nang sumikat na ng buo ang araw ay agad kaming nagpatuloy, patungo sa bayan ng <Arun> at tulad nga ng sabi, baha na ang buong bayan sa punto na hanggang bewang ko na, at salamat sa <Map> ay nakita ko ang ilang kumpol ng kulay puting dots(neutral units) kaya nagtungo kami doon.

"Wow..." sabi ko nang makarating kami sa tinituluyan ng mga <Arun Village Refugees>.

"Di ko aakalain na dito sila titira," sabi ni Mimir dahil nakatira sila sa kweba at kita sa loob ng kweba na nakahanda talaga ang kweba para maging pansamantalang tuluyan nila kung sakaling aapaw ang <Arun Lake>.

"Tara, kailangan nating sabihan yung village chief sa pakay natin," sabi ko "tapos didiretso tayo pahilaga para sa--"

"Para sa undead type?" tanong ni Mimir kaya naputol ang sasabihin ko.

"Yup," sabi ko sabay tango at lakad papasok ng kweba.

"At para sa <graveyard>," sabi ni Lyfa habang naglalakad sa tabi ko.

"<Graveyard>?" tanong ni Mimir.

"Yung pinakapakay niya," naka-ngiting sagot ni Lyfa kay Mimir.

Dahil sa hindi ko alam kung nasaan ang pinuno ay nagtanong-tanong ako at napag-alamang kasalukuyang siyang naghahanda para sa gagawing ritwal mamayang gabi at dahil sa sinabi rin ang direksyon ng tinitirahan ng puno ay nagtungo kami agad doon.

"Magandang araw po," bati ko sa pinuno nang makarating kami sa bahay niya.

"Ah, maligayang araw din sa iyo, maari bang malaman kung ano ang aking maipaglilingkod?" tanong niya sakin kaya sinabi ko na nais kong imbestigahan ang lawa.

Nagitla siya sa narinig pero hindi naman kami pinigilan at sinabihan lang na mag-ingat kami, kaya matapos masabihan ang village chief ay agad na kaming nagtungo sa may lawa.

Nakapuwesto ang lawa tatlumpung metro ang layo sa village at para makarating kami doon ay kailangan naming sumulong sa hanggang bewang na baha.

"Pero ang linaw ng tubig ha," sabi ni Mimir habang naglalakad kami.

"Ah, may isda," sabi ko nang makita ang isang isdang malaki na kasing laki ng isang koi fish.

"Gusto mong kainin?" tanong ni Lyfa.

"Hindi naman, yun lang yung unang isda na nakita ko ditong lumalangoy," sagot ko dahil kahit na kanina pa kami naglalakad patungo sa lawa ay wala pa kaming nakikitang isda maliban lang sa isa na iyon.

"Point taken," sabi ni Lyfa at nagpatuloy na kami sa paglalakad ng tahimik hanggang sa makarating kami sa may lawa.



Soria: World's GuardiansWhere stories live. Discover now