Chapter 164

903 41 0
                                    

-Luxerra's POV-

Nang magkapili-pilian na ng mga kalaban ay naiwan ako sa pwesto kasama ang isang babaeng bored ang expression, nakasuot siya ng isang frilly dress at may latigo sa bewang niya.

"I see... so ikaw ang kalaban ko," sabi niya.

"Parang ganun na nga, ayaw mo?" tanong ko sa kanya "ako nga pala si Luxerra."

"<Sloth>," sabi niya "nice to meet you, now die," sabi niya at pinalagitik ang daliri at mula sa kinatatayuan ko isang pillar of light ang biglang lumitaw.

"Hou... Light magic," sabi ko habang naka-upo sa may gusaling katapat ng inuupuan ni Sloth.

"Nu— I see... isa ka ring light element user," sabi niya.

"Yup," sabi ko at inilabas sa <Inventory> ang true staff ko "shall we start?"

"Haah... what a pain, ayokong gumalaw, pero kung hindi kayo mamatay mapipilitan akong gumalaw, ano ba yan..." reklamo niya sabay tayo at hinawakan na ang handle ng latigo niya sa hita "so troublesome, Minions!" sigaw niya at inihampas sa bubong ang latigo at nagkaroon ng isang magic circle at mula doon ay daan-daang skeleton dragon ang lumabas.

"Woah... mukhang kailangan kong magseryoso," sabi ko at inalis lahat ng seal ko sa katawan.

Winasiwas ko ang hawak na staff at nagkaroon ng mga daan-daang magic circle na nagpakawala ng mga laser annihilating those skeleton dragons.

"What? Wag ka magulat, after all, wala akong prinoprotektahan dito so ayos lang magwala ako diba?" sabi ko at pinatunog niya ang dila at inihampas niya uli ang latigo ay may mga nagsilabasan uling mga skeleton dragon sa magic circle.

"Same trick eh," sabi ko at gagawin na sana uling abo ang mga dragon pero bago ko pa magawa iyon ay tumalon na ako palayo upang maiwasan ang latigong patama sakin.

Habang nasa ere, nagpakawala ako ng mahika at pinatay ang mga skeleton dragon at nagpakawala na rin ng ilang light arrow para kay <Sloth> pero nakaligtas siya dahil sa biglang paglitaw ng mga halimaw upang maging pananggala niya.

"Wow..." sabi ko out of amazement dahil hindi ko nakita ang paglitaw ng halimaw.

"Hmmp, minamaliit mo ako," sabi niya "hindi porket isa akong babae at dating prinsesa, kailangan ko akong maliitin! Magseryoso ka!" sabi niya, totally nawala ang bored expression niya.

"Ahahaha, nahuli ako," sabi ko at bumuntong-hininga "oh well, tutal kailangan ko ring tulungan sina Aria at Nekone," sabi ko at binitawan ang staff na kusang napunta sa inventory ko.

"Bibigyan kita ng isang lesson, alam mo ba ang existence ng <Ether Weapon>?" tanong ko "sila ay mga weapon na may sariling pag-iisip, unknown kung paano nagkakaroon sila ng pag-iisip; maraming speculations pero ang gist ay, sila ang mga ultimate weapons."

"Dahil sinabi mo rin ang tungkol sa'yo sasabihin ko rin ang tungkol sakin," sabi ko at tumalon upang maiwasan ang hininga ng isang skeleton dragon.

"Isa akong <Divian> isang god, although mas mababa ako ng higit kay ama na siyang gumawa sa mundong ito at sakin," sabi ko habang ini-ilagan ang mga breath ng dragon at latigo ni Sloth, paminsan-minsan ay tumatalon ako sa may ulunan ng mga skeleton dragon tapos tatalon sa kabila tuwing aatakihin ang dragon na tinutungtungan ko "dahil isa ako sa first existence sa mundong ito, alam ko kung paano tumatakbo ang mundong ito; hindi ko alam sa iba pero ang mundong ito, kailangan ng manual repair sa mana leylines at para hindi masira ang balanse ng mundo ng dumami ang mga tao kailangan namin ng kapalit dahil mabilis nauubos ang mana sa mana pool," pagpapatuloy ko sa explanation habang pailag-ilag "yun lang, so tutal sabi mo magseryoso ako, sana hindi magunaw ang mundo," sabi ko at lumapag sa isang bubong at itinaas ang kanang kamay.

"Pumarito ka! <Ameli>!" sabi ko at sa kamay ko may nabuong liwanag na kumorte sa itsura ng aking ether weapon, ang tunay kong sandata.

'My lady, kailangan po bang lumaban na ako?' sabi ni Ameli sakin.

"Yeah, sorry kung kinulong ka namin kasama si Skotádi para maging mana source," sabi ko at hinawakan si Ameli gamit ang dalawang kamay.

Nang padaluyan ko ng mana si Ameli ay nagliwanag siya, nagliwanag din ang suot ko and from white robe, ang suot ko ay naging white full metal armor along with a white helm with a white wing ornament sa gilid.

"Oo nga pala, hindi ako isang mage," sabi ko at winasiwas paibaba si Ameli na nagpakawala ng isang napakalakas na energy at nang mawala na ang energy ay nakita kong may chasm na sa harapan at nalalaglag sa ere ay isang maduming puting bato na siyang sinalo ko.

"Ano 'to?" tanong ko.

'My lady, kaluluwa ng kalaban mo, nais mo bang sirain ko?' tanong ni Ameli.

"... No, may pag-gagamitan ako," sabi ko at inilagay sa balikat si Ameli, isang hybrid ng spear at axe, sa madaling salita, isang halberd.

"Hmm... ayos lang kaya sila Aria?" sabi ko.

'LUXERRA! IBALIK MO AGAD SI AMELI SA WORLD'S CORE!' sigaw ni Noir sakin through telepathy.

'Ah, sorry,' sagot ko.

"Sorry, Ameli, yun lang," sabi ko at nabalutan uli ng liwanag si Ameli at nawala na sa kamay ko, bumalik na din sa white robe ang full metal armor ko at matapos mailabas ang staff sa inventory ay tumalon na ako para tulungan si Nekone at nakita sa malayo ang isang phoenix with the size of 200 meters.

"May bagong ether weapon," sabi ko at hindi na iyon pinansin at nagpunta na sa kinaroroonan ni Nekone.

Soria: World's GuardiansWhere stories live. Discover now