Chapter 47

1.8K 103 0
                                    

"Hmm... so ito yung palasyo niyo," sabi ko nang pumunta kami matapos mapaliwanagan ni Luxerra.

"Oo, eto yung palasyo," sabi ni Eriole "tara sa loob," yaya niya.

Nauna na ang hari at si Celine kanina dahil kailangan oa daw nilang ipagbigay alam sa pamilya ng mga namatay ang nangyari, at kami naman ay nakipag-usap pa kay Luxerra.

"Ah!" narinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses kaya agad akong tumalikod at tumingala.

"Ang ganda ng langit," sabi ko dahil tinititigan nila ako.

"Ate!" nadinig kong sabi ng boses kasabay ng mga patakbong hakbang.

"Mimir!" sabi ni Lyfa at mula sa gilid ng mata ko ay nakita kong nagyakapan ang dalawa.

"Una na ako," sabi ko pero biglang kumawala si Mimir sa pagkakayakap ni Lyfa at biglang humawak sa braso ko.

"Nagkita uli tayo," nakangiti niyang sabi at pinagpawisan ako ng malamig.

"Ah... Oo, nagkita uli tayo," sabi ko at pumeke bg ngiti.

"Tara," sabi niya.

"Saan?" tanong ko.

"Ipapakilala kita kay ama, bilang aking mapapangasawa," sagot ni Mimir.

"T-teka nga muna Mimir!" namumulang sabi ni Lyfa "anong pinagsasabi mo?!"

"Mimir! Mag-isip ka nga ng maigi! Kahapon lang tayo nagkatagpo!" sabi ko.

"At nagkita uli tayo, malamang ay tayo ay itinadhana sa isa't-isa," sabi niya at yumakap na sa braso ko kaya naman naramdaman ko iyon.

"Mimir, halika nga muna saglit at may pag-uusapan tayo," sabi ni Lyfa at hinila sa batok si Mimir.

"Ah, teka ate! Papakilala ko-" at hinfi ko na narinig ang mga sinabi ni Mimir dahil nahila na siya ni Lyfa sa malayo.

"Ano ba ang meron ka?" tanong ni Eriole

"Ewan," sabi ko at titignan na sana ang status at hanapin sa mga titulo ang dahilan pero tinapik na ako ni Eriole kaya naglakad na kami patungo sa throne room.

"Normally, sa office ang usapan pero isa itong usapan na ang kapakanan ng bansa ang nakasalalay kaya," sabi ni Eriole at binuksan ang pinto ng throne room at tumambad sakin ang hari na naka-upo sa trono, nakatayo malapit sa kanya si Celine at ang mga tagapayo ay nakatayo sa may gilid, nakahilera sa gilid ng carpet ay ang mga kabalyero at lahat ay mukang malalakas.

"Oi!" tawag ko at kumunot ang mga noo ng mga tagapayo.

"Hindi ka na nagbago, gumalang ka naman ba," sabi ni Eriole.

"Ngayong andito ka na-"

"Wag ako, sa hari ka magsalita, wala akong pake sa politika," putol ko kay Celine.

"What?!" gulat niyang bigkas.

"Nagkakamali ka ata ng intindi... well, ako rin naman noon," sabi ko "pero ang tungkulin natin ay pangalagaan sila at hindi ang kontrolin sila, kung hahawakan mo ang politika, kinikontrol mo na sila."

"Anong gusto mong gawin ko?" tanong niya.

"Ewan ko basta ako, lilibutin ko ang mundo," sagot ko sa tanong ni Celine.

"Paano mo sila mapapangalagaan kung lilibutin mo ang mundo?" tanong niya.

"Tingin mo anong ginagawa ko?" tanong ko sa kanya "makikipag-alyansa ako sa bawat lahi para sa bansang binigay sakin para alagaan at habang naglilibot ako, gagawin ko yun at hahanapin ko na din ang tumawag sa halimaw na ibon na iyon," sabi ko at nagbulong-bulongan ang mga tagapayo.

Soria: World's GuardiansWhere stories live. Discover now