Chapter 12

3.2K 193 3
                                    

"Mira," tawag ni F-guy at lumapit ang babaeng may pana sa likod at ilang pang mga mamamana.

"Handa na ang aking kupunan sa pag-atake," sabi niya kay F-guy.

"Ikaw na ang bahala sa suporta nila, kailangan ko pang ihanda ang grupo ko, at ikaw Astarhea, tawagin mo na ang iyong kakambal na itim na mago at sabihing maghanda sila sa giyera," sabi niya sa babeng may pana at sa babaeng puting mago.

"Yes Knight leader," sabay nilang sagot at dagling lumakad para isagawa ang utos sa kanila.

"Sevilla, dumito ka muna at magpahinga, inumin mo din ito," sabi ni Adelaide at inabot sakin ang isang MP recovery potion matapos akong alalayan patungo sa isang puno para magpahinga.

Habang nagpapahinga, pinagiisipan kong mabuti kung bakit ako lumalaban, plinaplano kung papaano ko maililigtas 'tong bayan. Kanina sinabi ko sa sarili ko na kasalanan ko kung bakit naging ganto ang sitwasyon,tsaka quest ko 'to, pero ngayon hindi ko na alam...

"Sevilla," tawag ni Adelaide sakin kaya napatigil ako sa pag-iisip.

"Ano yun?" tanong ko.

"Uhm... Alam kong wierd kasi kahapon lang tayo nagkita at nagkakilala pero... namangha ako sa galing mo, at nung naglalaban kayo ng ama, bumilis ang tibok ng puso ko, kahit isa kang mago, nagagawa mong labanan ang ama kahit na isa siyang mandirigma at nagawa mo ding tamaan," sabi niya at para bang alam ko na ang mga susunod niyang sasabihin at napatunayan ko iyon nang idugtong niya ang "minahal ma ata kita dahil sa angkin mong galing, paumanhin, hindi ko kasi alam kung mamatay ako sa giyerang 'to kaya ninais ko nang sabihin sayo."

Dali-dali siyang tumayo at lumapit sa kapatid niya, maya-maya pa ay lumabas na siya ng tarangkahan kasama ang ilang sundalo at adventurer.

'Normally, pag may nag-confess sayo, may maliit na part na magsisimulang magkagusto sa nagconfess, napatunayan na yun pero... bakit ako kinakabahan at natatakot' sabi ko sa isipan nang mapagtantong nanginginig ako at pinagpapawisan ng malamig 'kalma... kalma lang, wag mong isipin ang mga sinabi niya' sabi ko sa isipan.

"Sevilla!" tawag ni F-guy, "tara na, at aatake na tayo!" sabi niya at agad akong tumayo at lumapit sa kanya.

Kasama ang ilan pang sundalo, mahikero't mahikera at ilang adventurer ay sumugod na kami.

Nang makarating kami sa plains, agad tumambad sa ilong ko ang mabahong amoy ng mga namatay, ang amoy ng sunog na karne, at ang ingay ng nagkikiskisang metal.

"Archers! <Arrow Shower>!" narinig kong sigaw ng babaeng may pana, Mira ata ang pangalan niya. Pagkasigaw niya non, ay may mga palasong lumipad patungong langit, at matapos ang isang segundo ay mga daan-daang palaso ang umulan sa side ng mga goblin.

"Sevilla, <Flare Rain> kung maari" sabi ni F-guy kaya agad kong sinambit ang salamangka at pinakawalan iyon sa mga goblin, marami ang mga namatay na goblin pero sa dami nila, nagmistulang balewala ang ginawa ko.

"Ubos na MP ko," sabi ko at hinagisan ako ng isang mago ng MP recovery potion na agad kong ininom pero 3% lang ang dinagdag non kaya napilitan akong bawasan ang MP potion stash ko.

Agad naming hinanap ang king goblin at nang makita ay agad kong ginamit ang <Analyze> at napamura dahil:

<King Goblin>

Rank: S

Level: 60

HP : 9900/10000

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon