Chapter 65

1.4K 91 4
                                    

"W-wow ang bilis mo ah," sabi ni Heneral Luna nang makabalik ako.

"Ako ang tagapangalaga, more importantly, tignan mo ito," sabi ko at nilapag sa mesa niya ang delivery report.

"Eto ay..."

"Nagawa na nilang makipag-ugnayan sa Mountoria at ngayon bumibili sila ng makabagong baril," sabi ko at ipinakita ang isang ACR model.

"Anong baril 'to?" tanong niya.

"Iyan ang nakita ko sa deposito nila ng baril," sabi ko.

"Kung gayon, hindi namin magagamit ang mga ito," sabi niya.

"I see... Then dito na lang ako kukuha, may alam rin naman ako sa paggamit nito kahit papaano," sabi ko "saan ko ilalagay ang mga crystal at baril?" tanong ko.

"Dito," sabi niya at dinala ako sa storage tent nila. Nilagay ko doon ang mga crystal at baril, kumuha na rin ako ng isang Colt M1911, isang AWM, at M16 rifle, dalawampung magazine nila na inilagay ko sa <Quick Slot> ko.

"Susundan ko sila," sabi ko at humiram ng isang springfield at limampung assorted na bullet crystal.

"Okay, ikaw na ang bahala," sabi ni Heneral Luna at agad akong umalis, bahala nang walang pahinga. Ang sinundan ko ay sina Lyfa, nag-aalala na baka napano na sila dahil sa sinabi ko kay Nekone pero...

"Bakit?" tanong sakin ni Lyfa nang maabutan ko sila.

"Wala, akala ko lang napano na kayo," sabi ko.

"Salamat sa pag-aalala," sabi niyang nakangiti.

"Mimir," tawag ko.

"B-bakit?" tanong niya at binigay ko ang springfield sniper rifle sa kanya "anong gagawin ko rito?" tanong niya.

"Kailangan mong mag-chant for magic spell, di ba?" tanong ko "kakayanin mo kayang magbaybay habang namamaril?" tanong ko.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong niya at kinuha ko muli ang baril at nilagyan ng isang fire crystal bullet, lightning crystal, ice crystal, wind ctystal, water cyrstal bullet, kinasa iyon, salamat sa COD at alam ko.

"Habang nagbabaybay ka, mamaril ka gamit nito, example," sabi ko at itinutok ang baril sa grupo ng mga halimaw sa malayo "I, the overseer of flames, command the power of origin, I have read and deciphered the laws of nature, let them be pierced by a burning spear!" baybay ko at habang nagbabaybay at binabaril ko ang mga halimaw at nang maubos na ang laman ng baril ay "<Blazing Spear>!" activate ko sa spell kasabay ng pagtaas ng kaliwa kong kamay, mula sa nakataas kong kamay, isang malaking fire bolt ang lumabas at nagsilbing sibat na siyang kumitil sa mga natirang halimaw na tumatakbo palayo.

"W-wow..." sabi ni Mimir.

"Ano? Tingin mo kakayanin mo?" tanong ko kay Mimir.

"Sa tingin ko hinde," sabi ni Lyfa at kinuwento niya ang mga nangyari bago kami magkita kung saan tinuloy nila ang training ni Mimir kung saan siya lang mag-isa ang lalaban at kinailangan siyang iligtas ni Lyfa ng ilang beses.

"Hmm... Then how about using something like this," sabi ko at inilabas ang colt M1911.

"Yan ay..."

"Baril, tulad ng kanina pero mas mabilis ang firing speed at reload speed," sabi ko "kung hindi ka pa tapos sa pagbaybay at nalapitan ka pwede mo itong gamitin for short range, anyway, next time na tayo magsanay sa pag-gamit nito," sabi ko at tumango sila kaya binuhat ko si Mimir, napasigaw siya dahil sa gulat pero fast run ang nasa isip ko, tutal makasabay naman si Lyfa sa bilis ko salamat sa pana at kutsilyo niya.

Tumakbo kami patungo sa kinalalagyan ng brothel at nakarating doon kinagabihan.

"Lyfa, papasok ako sa loob ng brothel," sabi ko bago pa man kami pumasok sa siyudad.

"Eh?! Bakit?" tanong niya.

"Sasauluhin ko ang loob at  aalamin kung sino ang may hawak sa slave seal nila," sagot ko.

"Okay, papayag ako, pero hindi ka pwedeng gumamit!" sabi niya sakin habang nakaturo ang daliri sa mukha ko "malalaman ko kung gumamit ka o hindi tandaan mo yan."

"Y-yes ma'am," sabi ko at napapaisip kung bakit niya ako pinagbabawalan samantalang may takot nga ako sa mga babae so normal ng hindi ako gagamit.

"Kung sakaling mahuli ka, magpasabog ka ng pader para mabigyan ka namin ng cover fire," sabi ni Mimir at hinawakan ang tungkod niya.

"Okay," sabi ko at medyo nahilo kaya napakapit ako sa may katabing puno.

"Ayos ka lang?" tanong ni Lyfa at napansin kong nasa 1/4 na ang HP ko.

'What? Bakit 1/4 na lang santalang hindi naman ako nasugatan sa enkuwentro ko,' sabi ko sa isipan.

"Oo, ayos lang ako," sabi ko at maglalakad na sana pero hinawakan ako ni Lyfa.

"Mimir, ayusin mo na ang camp," sabi niya.

"Lyfa, anong sinasabi-" sabi ko pero nilagay niya ang jintuturo niya sa bibig ko.

"Magpapahinga ka, halata sa mukha mo na hindi ka pa natutulog," sabi niya habang nagsisimula na si Mimir na mag-ayos ng camp.

"Pero-" sabi ko ng alisin niya ang daliri na agad niyang binalik.

"Magpapahinga ka," sabi niya "halatang hindi ka pa natutulog simula nung makarating tayo dito, oo, alam kong kailangang masira na yung brothel pero hindi sinabing hindi tayo magpapahinga," dugtong niya kasabay tanggal sa pagkakalapat ng daliri niya sa bibig ko "maupo ka't sumandal rito sa may puno at magrelax," sabi niya at pilit akong pinauupo, siguro dahil sa medyo nanghihina rin ang tuhod ko ay nagawa niya akong mapaupo.

'Saglit lang, uupo lang ako saglit tapos aalis na ako,' sabi ko sa isipan at pinanood sila sa paggawa ng kampo.

"Ate, anong lulutuin mo?" tanong ni Mimir kaya napaisip si Lyfa at inilapat ang hintuturo sa labi niya.

"Ano nga ba, ano ba gusto niyo?" tanong niya.

"Maduga ka ate," sabi ni Mimir "yung hintuturo mong yan yung inilapat mo sa labi ni Anthony," dugtong niya na hindi ko gaanong naintindihan dahil pinipigilan ko ang pagbagsak ng talukap ng mata ko pero nakita kong tinitigan ni Lyfa ang daliri niya saka ngumiti may sinabi pa siya pero hindi ko na narinig dahil hindi ko na nagawang mapigilan ang pagbagsak ng talukap at agad na nakatulog.

****************************************************************************************

"Ehehe," tawa ko ng punahin ni Mimir ang daliri ko "anyway, anong gusto mong kainin? Ikaw Anthony?" tanong ko at nilingon siya at napangiti dahil nakita kong natutulog na siya.

"Mimir, yung <Flare Wand>?" sabi ko sa kapatid, tinutukoy ang wand na ginagamit naming mga Nocturia para gumawa ng apoy.

"Eto," sabi ni Mimir at inabot ang wand kaya inayos ko na ang mga tuyong kahoy na nagkalat sa paligid at nang idikit ko ang wand sa mga kahoy ay bigla itong nag-apoy.

"Mimir, kung anong gusto mong lutuin ko, ilabas mo na," sabi ko at nilagyan ng kumot si Anthony.

"Ate, wag mo subukan," saway ni Mimir at doon ko lang napansin na malapit na ang mukha ko kay Anthony, ilang sentimetro na lang at mahahalikan ko ma siya "ang duga mo," dugtong niya.

"Hindi ako maduga, pribilehiyo iyon ng legal na asawa," sabi ko.

"Hindi ka pa legal, pwede ko pang makuha ang posisyon mo," sabi niya at pareho kaming natawa.

"Ate, ano ba nagustuhan mo kay Anthony? Ako kasi nagustuhan ko ang lakas niya," open ni Mimir habang inilalabas ang mga lulutuin ko.

"Ang nagustuhan ko kay Anthony ay ang..."


Soria: World's GuardiansWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu