Chapter 5

3.8K 226 4
                                    

Kinaumagahan, agad akong nagtungo sa guild at kumuha ng isang hunting quest. Ang kinuha ko ay <Goblin Extermination>, isang D rank quest, at ang clear condition ay maghatid ng 10 goblin fangs. Thinking na magiging madali ang quest salamat sa <skills> ko ay nagtungo agad ako sa <East Forest> na kung saan hinihinalang andun ang lunga ng mga goblin.

Habang naglalakad ay nakakita ako ng isang pudding like creature at kahit na may pakiramdam ako kung ano yun ay ginamit ko parin ang <Analyze> at lumitaw ang isang window na nagsasaad ng:

<Slime>

RANK: F

LVL: 1

HP: 15/15

MP: 0/0

STR: 5

AGI: 10

VIT: 3

INT: 0

"Kawawang nilalang," sabi ko at sinipa ang <Slime>. Tumalsik at tumama sa puno ang slime, at dahil sa impact ay sumabog ang slime at nagkalat ang slimy mucus nito sa paligid at dahil kulay puti ang slime, ang unang pumasok sa isip ko nang makita yun ay madidiri ang kung sino mang babaeng makakita dahil katulad siya ng...

Di ko na binigyan pa ng isang segundo para tignan ang namatay na <Slime> at nagpatuloy na sa paglalakad. Habang naglalakad, nakakita ako ng mga slime, iba-iba ang kulay nila, sinisipa ko sila at minsan naman ay hinihiwa as sword training target. Nang mahiwa ko ang isang puting <slime> ay nag-react ang singsing ko nang mapadikit sa bangkay nito, umilaw ang gem sa gitna at nabalutan ng liwanag ang bangkay ng slime, naging liwanag ito at bumalot sa singsing ko at nang mawala, lumabas ang isang window na nagsasabi ng:

<Monster Book> unlocked

Nakita ko ang isang bagong icon sa may gilid kaya pinindot ko iyon at nakita ko ang mga halimaw na ginamitan ko ng <Analyze> na mostly mga color variation ng slimes.

"Wow..." di ko napigilang ibigkas dahil sa bagong icon

Pinagpatuloy ko ang paglalakad, ginagamitan ng <Analyze> ang mga halimaw na makasalubong bago patayin. At nang may makita akong isang taong hanggang tuhod ko lang ang laki, at may mala-halimaw na itsura kaya ginamit ko ang <Analyze> at...

<Goblin>

RANK: F

LVL: 5

HP: 100/100

MP: 0/0

STR: 20

AGI: 15

VIT: 20

INT: 5

"At last" sabi ko at binunot ang espada sa may likuran

Nakita ako ng <Goblin> at agad na sumugod hawak-hawak ang isang pamalo pero... ang bagal niya, para bang slow-motion ang galaw niya kaya lumapit ako at sinipa ito. Tumalsik ang <Goblin> at tumama sa isang puno, tumayo uli ito matapos ang limang segundo kaya sinaksak ko na ito at hindi na gumalaw pa.

Nagawa ko nang patayin ang <Goblin> ng walang kahirap-hirap pero meron akong guilty feeling, maybe dahil sa never akong pumatay ng hayop sa earth at naisip ko kung nakaramdam din ba sila ng ganitong pakiramdam nung ginawa nila yun sakin. Umiling-iling ako para mawala ang mga unnecessary thoughts at nag-focus sa quest. Paulit-ulit akong pumatay ng mga <Goblin> at nang puro <Goblin Warrior> na ang nakikita ko ay tumigil na ako sa pagpatay at hindi ko nagawang maalis ang guilty feeling ko, reminding me na ito ay ibang mundo.

Soria: World's Guardiansحيث تعيش القصص. اكتشف الآن