Chapter 120

1.1K 58 3
                                    

Matapos naming mag-report sa kuya ni Liz ay inaya kami na magpalipas na doon ng gabi na tinanggap namin.

Ang anak nilang si Julis ay kamukhang-kamukha ni Lamiah, kaso nga lang meron siyang tenga at buntot ng lobo na katulad ng sa tatay niya, pati hair color ay sa tatay niya.

"Sino ba may sabi na sa laging kinukuha ng anak ang itsura ng ina?" tanong ko nang makita si Julis.

"Lagi naman talaga, pero may mga rare cases ayon sa midwife na nagpa-anak sakin na ang race ng ama ang kinukuha," sabi ni Lamiah.

"Ah..." sabi ko at nginitian si Julis na nagtago sa may likod ng sofa.

'Hindi naman ako nakakatakot diba?' tanong ko sa sarili at na-depress nang tawagin siya ni Lyfa at biglang lumapit sa kanya si Julis.

"Life... Is unfair," sabi ko sabay tungo.

"Kuya Mark, Kuya Mark, kwentuhan mo uli ako," sabi ni Julius at naupo sa may sahig sa may harap ko.

"Okay, sige, pero ano naman ang ikukuwento ko," sabi ko at dagling nag-isip dahil ang mga ikinuwento ko sa kanya noon ay yung tungkol sa isang batang umakyat sa isang beanstalk; yung tungkol sa isang lalaking mage na may lightning bolt scar sa noo; yung tungkol sa isang lalaking nag-alaga ng dragon tapos pinatay ang evil king; yung tungkol sa isang magic ring, maliban lang doon, wala ng tumatak na movie sa memorya ko.

"Hmm... Ah, tama, eto na lang, tungkol ito sa apat na bata na napunta sa ibang mundo," sabi ko at ikinuwento ang tungkol sa apat na magkakapatid na nagtago sa isang aparador at napunta sa ibang mundo at mukhang hindi lang si Julius ang interesado dahil pati sina Lyfa, Mimir, Lulu, Lina, Julis, Liz, Lamiah... basically lahat sila naging interesado.

***

"... Mark, paano kung nagawa mo na ang tungkulin mo at... mabalik ka uli sa mundo mo?" tanong sakin ni Lyfa habang naka-upo ako sa sofa, nakikinig sa mga alon sa dagat na rinig na rinig sa gabi dahil sa katahimikan.

"Namatay na ako, imposible yung sinasabi mo," sabi ko.

"Pero sa kuwento mo, kahit ilang taon na ang lumipas doon sa mundong napuntahan nila, nang makabalik sila, walang oras ang lumipas," sabi ni Lyfa at napa-tungo.

"Balak ko sana na sabihin ito paghindi ka na natatakot," sabi niya at tinignan ako at nakitang may mga luha siya sa mata.

"L-Lyfa—" naputol ang sasabihin ko dahil bigla niya akong hinalikan sa labi at nang maghiwalay ang mga labi namin ay tumulo na ang mga luha niya.

"Wala na akong paki-alam kahit katakutan mo ako, gusto kong malaman mo na mahal kita, ayokong dumating sa punto na bigla kang mawala at hindi ko masabi sa'yo," sabi niya at niyakap ako at doon na siya tuluyang umiyak.

Blanko ang isipan ko, hindi ko magalaw ang katawan ko at mabilis ang tibok ng puso ko, hindi dahil sa natatakot ako kay Lyfa kundi dahil sa sinabi niya.

Paano kung ang gagawin ko dito ay patayin yung summoner/necromancer tapos mabalik ako sa earth with no time passed? Doon na blanko ang isip ko, wala akong maisagot sa katanungan na iyon. Ano ba ang nag-aantay sakin doon? Wala, ang mga kaibigan ko? Halata lang naman kung ano ang gusto nila sakin, sadyang nilalayo ko lang ang tingin sa reyalidad at ang mga talagang tinuring akong kaibigan or mas malalim pa sa kaibigan ay sina Celine ng timeline ko at si Cecile pero paano na kung patay na si Celine tulad ng sa sinabi ni Cecile noon, at siguradong hindi na makakabalik si Cecile dahil kalaban siya at para mabuhay ako, kailangan ko siyang alisin sa mundo; ang pamilya ko? Broken family na kami, simula nang mamatay si mama dahil hindi na kinaya ang depression nang mamatay ang kapatid kong si Eri, at ang tatay ko naman ay pinili pa ang bagong asawa at mga stepchild kesa sakin na isang tunay na kadugo.

Walang nag-aantay sakin, pero kung mababalik ako, anong iiwan ko dito? May mga kaibigan ako dito, andyan sina P-knight na ang interaction namin ay katulad nung sa best friend ko nung highschool na namatay sa ligaw na bala; may pamilya ako dito, sina Freyja, sina Lina at Lulu. Ayokong mabalik at iwan ang mga meron ako dito. Ayoko ring isipin na paano kung nakaligtas ako sa ginawa nina Celine at Cecile at undercoma tapos ang mundong ito ay tanging panaginip ko lamang.

Paano kung pagkatapos ngang mapatay namin ang summoner/necromancer tapos magising o kaya naman ay mabalik ako earth.

Dahil sa mga isipin na iyon ay di ko napansing may tumutulo na ring mga luha sa mata ko, at nang mapansin ko iyon ay agad ko iyong pinunasan, wala akong sagot sa tanong ni Lyfa at dahil sa wala akong maisagot ay nagkaroon ako ng resovle na mamuhay ng buo ngayon, gawin ang mga gusto kong gawin upang kung sakaling mabalik man ako sa earth o sa reyalidad ay magawa kong mamuhay kahit na wala na akong maabutan doon.

With that resolve ay tinitigan ko  ang kanang kamay ko, noon, nanginginig ang mga kamay ko specially kung may nakayakap sakin na may gusto sakin pero ngayon, hindi ako nanginginig, hindi ko alam kung magaling na ako or what pero isa lang ang napagtanto ko, may gusto rin ako kay Lyfa. Hindi ko alam kung saan nagsimula, maaring nung gabi na binili ko siya na kung saan ay umiyak siya ng umiyak, or maybe yung gabi bago kami umalis na iniyakan niya rin, or yung gabi na nakita namin sina Eriole. Tinatago niya ang sakit na nararamdaman niya, pinipilit ko pa noon ang sarili ko na ginagawa ko lang ang tungkulin ko at inihahatid sila for the sake of alliance at carefree world touring, nung sumama siya sakin, pinilit ko rin ang sarili ko na wala siyang nararamdaman sakin, na marahil narinig niya ang sinabi ng kapatid at napagdesisyunan na protektahan siya.

Pero hindi ko na magagawa iyon dahil meron na lang akong dalawang option at wala doon ang magmaang-mangan: either magpakatotoo at maging masaya sa mundong ito at maging malungkot habang buhay kung sakaling mabalik ako sa earth or i-reject siya at magdusa hanggang kamatayan. Nang mabuo na ang desisyon ko ay isinara ko ang kamao at hinimas ang ulo ni Lyfa.

"Lyfa... Sorry..." sabi ko at hinigpitan ang yakap niya at lalo siyang napa-iyak "sorry, dahil hindi ko alam kung papaano to sasabihin kaya didiretsuhin ko na," sabi ko at napayakap ng mahigpit sakin "...Lyfa... pakasalan mo ako," sabi ko at bigla niyang inalis ang ulo sa balikat ko at tinitigan niya ako.

Kaakit-akit tignan ang mukha niyang may mga bahid ng luha pero mas gusto ko ang naka-ngiti niyang mukha.

Pinagpatuloy ko lang ang paghimas sa ulo niya at sinabing "hindi ko alam kung mababalik ako sa earth matapos naming mapatay itong summoner/necromancer pero mas gugustuhin kong maging masaya dito sa Soria kasama ka at maging malungkot kung sakaling mabalik nga ako," sabi ko "...argh... di ko alam kung paano sasabihin ito," dugtong ko at dahil hindi ko alam hinalikan ko na lang siya sa labi.

Nang maghiwalay ang mga labi namin ay tumulo uli ang mga luha niya.

"Please wag ka na umiyak, hindi ako makakasiguro na hindi kita maiiwan pero sana isipin mo na nawala ako hindi dahil gusto ko, ayokong bumalik sa earth, iyon lang ang masasabi ko," sabi ko.

"Natutuwa lang ako," sabi niya at pinunasan ang mga luha "sige, pumapayag ako, pumapayag akong maging iyong asawa," sabi niya at niyakap niya uli ako.

Soria: World's GuardiansWhere stories live. Discover now