Chapter 166

930 41 0
                                    

-Nekone's POV-

Nanatiling nakatingin sakin ang babaeng naka-bikini na para bang ang laki ng galit sakin. Naka-alis na si Eri kasama ang isang lalaki with gaudy feeling; at si Celine kasama si former Hephaestus now called <Pride>.

"Ang sama ng tingin mo sakin ah, wanna have a go," sabi ko kay taba.

"Just what I want, Li Yunyue," sabi niya nang dumaan ako sa tabi niya at kinilabutan ako dahil iyon ang tunay kong pangalan.

Nagpunta kami sa isang lakeside at pinatay niya ang mga pumalibot samin.

"Say, kilala mo ako, so sino ka?" tanong ko.

"Hindi mo ako matandaan? Ahh~ of course~ para sayo isa lang akong bato sa kalsada," sabi niya.

"Well, mukhang nagkamali ka ng tao, may mga parallel worlds—"

"Xiao Yunyang," sabi niya at kinilabutan ako dahil naalala ko ang dark history ko nung high school days.

"I see... pero wala akong kasalanan doon you see," sabi ko.

"Meron, hindi ka nagsalita," sabi niya at mula sa kung saan ay may palakol na lumitaw.

"Haah... just rest in peace, my suicidal classmate," sabi ko.

"Aaahhh!" sigaw niya at lumusob.

Taliwas sa itsura niya ang bilis niya dahil bigla siyang lumitaw sa harapan ko at in the nick of time lang ang <Ice Wall> na ginawa ko to defend.

Nabasag ang <Ice Wall> sa hampas niya at dahil common sense na ang gamitin ang mga nabasag na parte for MP effciency, ginamit ko ang mga ice shards for <Ice Volley> kasabay talon palayo.

Pina-ikot niya sa kamay ang palakol upang maprotektahan niya ang sarili. Nang mawala na ang <Ice Volley> ay inihampas niya ang palakol sa lupa at biglang may nagsitubong yelo in the form of spike ang nagdirediretso papunta sakin, at upang maiwasan ay pinalibutan ko ng <Ice Wall> ang sarili.

Tinunaw ko ang mga yelo at ginamit ang tubig upang magamit ng may mababang MP ang <Hydro Cutter>, umarko ang tubig katulad ng sa isang sword wave at dumiretso sa kanya ang spell na tumalon lang upang makaligtas at anglahat ng daanan ng <Hydro Cutter> ay napuputol.

Pagbasak niya ay bahagyang lumindol at nagkaroon uli ng mga <Ice Spike> pero this time, tumubo ang <Ice Spike> sa may kinatatayuan ko kaya agad akong nag-dive roll pakanan, luckily at hindi sa masikip kaming lugar naglaban kundi talo na ako.

'Bakit ba kasi STR ang hinuli kong stats!' reklamo ko sa isipan.

"Aqua!" tawag ko sa most trusted familliar ko kaya lumitaw si Aqua sa may harapan ko and then, biglang may dumaang isang kulay puting energy wave, biglaan kaya naman nahagip siya at nang mawala ay kalahati na lang ang natitira sa katawan niya at naghihingalo.

"... Hindi ko alam kung ano yun pero, mercy kill," sabi ko at point blank na ginamitan siya ang <Hydro Pressure> na bumutas sa ulo niya at pumatay sa kanya.

Pagpatay ko sa dati kong classmate ay biglang sumakit ang ulo at unti-unting nawalan ng malay.

********************************

Nagising ako sa kwarto ko sa earth, pagkagising ko ay binukas-sara ko ang kamay ko, hindi mawari kung panaginip lang ba na isa akong tagapangalaga ng tubig dahil sa nilaro kong RPG bago matulog.

Nang makatanggap ako ng text notification ay agad kong kinuha ang cellphone ko at nang mabasa ay...

'Crap! May expo ngayon!' sabi ko nang makita ang petsa at oras.

Nagmadali akong nag-ayos, wala ng kain-kain, sa convi na lang ako bibili ng makakain.

Agad akong lumabas ng bahay, sinara ang pinto, ni-lock at iniwan ang susi sa secret place para sa pag-uwi ni mama na nagtratrabaho sa gabi at nagmadali akong umalis at habang nag-aantay ng taxi na dadaan nang maka-alis na ay nakarinig ako ng sunod-sunod na busina at sigaw nang isang babae.

********************************

Nagdilat ako at napagtantong nakahiga sa lupa.

"Aarraayy!!" sigaw ko dahil sa matinding headache na tumama sakin.

Nang mawala-wala na ang sakit ay nanatili akong nakahiga.

'Miss ko na yung earth,' sabi ko dahil napanaginipan ko ang earth, ang buhay ko sa earth to be exact.

"Malapit na, malapit ng matapos ang lahat, tapos, makaka-uwi na ako," sabi ko at nakita si Mark na sinilip ang mukha ko.

"Oi, anong ginagawa mo at nakahiga ka diyan? Mamaya ka na magpahinga uy," sabi niya kaya napangiti ako at ini-angat ang kanang kamay para tulungan niya akong tumayo.

'Pagbalik ko sa earth, hahanapin ko si Mark doon at ako ang magiging Lyfa niya doon,' sabi ko sa isipan 'yun ay kung mabait din siya tulad dito.'

Nang makatayo na ako ay lumapit sa bangkay ni Xiao Yunyang at nakita kong nagreregenerate ang katawan niya at nakatitig samin.

'Nakakatakot,' sabi ko sa isipan.

Iginalaw niya ang kanang kamay upang hiwain kami gamit ang palakol niya pero pina-apoy ni Mark ang espada at sinira ang talim, at nang masira na ang sandata niya ay naging abo si Xiao Yunyang.

Kinuha ni Mark ang blue gem with purple hue na orihinal na nasa palakol ni Xiao at sinabing "<gluttony> huh, no wonder ang taba, though okay lang sakin ang mataba, wag lang obese," at binato sakin ang gem "baka pwedeng gawing substitute," sabi niya "at congrats on your ascension," dugtong niya kaya napapunta ako sa may lawa na nakaligtas sa unknown energy kaya hindi naging parte ng chasm, at nakita ko ang reflection ko, meron na akong azure blue eyes, na siyang tanda ng ascencion, ayon kay Luxerra.

'Sana isipin nilang contacts lang 'to,' sabi ko sa isipan.

"Oi, tara na sa palasyo, tapos na ang laban nila, kaya mag-regroup daw tayo doon," sabi ni Mark habang nakatingin sa katimugan.

"Seriously?" sabi ko at tumayo na kasabay nang dating ni Luxerra.

"Oh, so andito ka Mark... hello <Infernus>, mali should it be... good morning?"

"Mamaya mo na kausapin espada ko tara na sa palasyo, and asaan ang <Ether Weapon> mo?" sabi ni Mark.

"Hindi ko pwedeng ilabas yun," sagot ni Luxerra at habang nagtatalo pa sila ay hinanap ko ang staff ko at nakita iyon sa kinahihigaan ko.

Nang makuha ko na ang staff ay nabalutan ito ng tubig at ang staff na gawa sa buto ng dragon ay naging caduceus, pero hindi ahas ang naka-entertwine, sa halip ay asian dragon.

"Nekone, tara na!" sabi ni Luxerra.

"Okay!" sabi ko at sinundan na sila papunta sa may palasyo.

'My lady, ang pangalan ko ay <Neptune>,' narinig kong sabi ng isang babae kaya napahinto ako.

"Nekone! bilisan mo!" sabi ni Mark kaya pinabayaan ko na lang ang boses na sana hindi ko na ginawa dahil sa nalaman ko thousands of years later.

Soria: World's GuardiansWhere stories live. Discover now