Chapter 110

1.1K 59 0
                                    

"Lyfa," sabi ko nang makita siya sa may kusina.

"Ano yun?" tanong niya.

"Uhmm... luma na yung mga gamit mo diba? Gusto mong palitan na natin?" tanong ko.

"Ano naman ipalalit mo? Nakakita ka ba sa inventory mo ng mas maganda sa Fire Empress Hunting Set?" tanong niya.

"Gagawa," sabi ko na ikinapagtaka niya kaya kinuwento ko ang mga ginawa ko.

"Then, ano maitutulong ko?" tanong niya.

"Diseniyo, anong diseniyo ang gusto mo?" tanong ko.

"Kung maari ay katulad ng sa suot ko ngayon," sabi niya "kinasanayan ko na eh," dugtong niya.

"Okay, mamaya ibigay mo sakin," sabi ko.

"Gagawan mo rin si Mimir?" tanong niya.

"Oo," sagot ko "pero may naisip na ako sa diseniyo," sabi ko "pati na din kina Lulu at Lina," sabi ko.

"Ano ang itsura ng sa dalawang bata?" tanong ni Lyfa.

"Hmm... yung kay Lina, itutulad ko sa <Oracle's Robe> ni Luxerra at dahil sa more of a magic user siya, ang gagawin ko sa weapon ay <Dragon Bone Sword Staff>," sabi ko.

"Ano yun?" tanong niya.

"Mahirap ipaliwanag kaya gagawa ako ng proto-type, mamaya," sabi ko "tapos yung kay Lulu, sabi Noire gustong-gusto ni Lulu ang mga galaw niya so, ninja outfit?" patanong kong sabi "at practitioner siya ng dual blades so short swords or knives."

"Ako wala?" tanong ni Mimir na kakarating lang.

"Meron pero sa baril, hindi ko mapapalitan," sabi ko.

"Okay lang, so kelan tayo pupunta ng Mountoria?" tanong niya, siguro para sa bala ng baril niya.

"Siguro pagtapos ng civil war sa Nocturia, then makikisabay tayo kina Celine," sabi niya "tapos gagawa tayo ng paraan para mapalitan iyang ruler na iyan at baguhin ang survival of the fittest way of governing," dugtong ko at binulong ang 'survival of the fittest na nga ang pakikipaglaban sa mga halimaw, tapos iyon pa ang gagawin mong pamamalakad.'

"So anong itsura ng akin?" tanong niya.

"Kagaya ng suot mo ngayon," sabi ko.

"Pants?" sabi niya.

"For mobility," sabi ko "gagawin kong slacks," dugtong ko "leggings, tulad ng kay Lyfa," sabi ko.

"Okay," sabi niya.

Matapos kumain ay agad kong ginawa ang equipments nila sa kwarto ko; ang inuna ko ay ang kay Lyfa; ang hunting armor niya na ang itsura ay parang short sleeved-shirt na may nakadikit na vest with hood, ang mini-skirt na katulad ng suot ng mga office ladies sa earth at ang leggings niya plus ang boots niya, pati ang gauntlets niya, ang mga ginamit kong materyales ay ang <Raranoa Fiber>, <Ancient Dragon Leather> at <Armored Armadillo Underhide Leather> kaya ang kinalabasan ay equipments na on-par sa suot ko, and as for her bow; ginamit ko ang dalawang rib bone mula Greater Elder Dragon, nilagyan ko rin ng balat ng ancient dragon yung mga buto at dinikitan ng mga balahibo ng <Hraesvaler> at para sa grip, nag-ukit ako ng ulo ng phoenix sa isang sobrang flexible na kahoy, nilagyan ko rin iyon ng arrow rest at sight window sa pamamagitan ng pag-lagay ng onting uwang sa may ulo; pinagsama-sama ko ang lahat, of course nilalagyan ko ng mana sa bawat proseso pero nang pakiramdam ko ay okay na kahit wala pang string ay sinubukan ko iyong gamitin, na kunwaring may string at natulala dahil nagkaroon iyon ng string na gawa sa apoy, pati ang magic arrow, gawa din sa apoy, kaya ginamitan ko iyon ng <Judge> at nakitang:

Soria: World's GuardiansWhere stories live. Discover now