Chapter 146

953 41 0
                                    

Pinanood ko ang laban nila, evenly matched sila kahit na mahina sa close-quarter si Envy, pero siguro dahil hindi full-powered si Galice kaya nagagawa ni Envy na makasabay.

Kikilos na sana ako nang masaksak sa leeg si Galice ni Envy pero nakita kong naging anino si Galice at nagpunta sa may likod ni Envy at sinaksak siya sa may dibdib.

Nang masigurong okay na, ay tumalon ako pababa at nilapitan si Galice.

"Kamusta sa side mo? Kinalaban mo si Cecile diba," sabi niya.

"Napansin mo pala, napatay ko na siya," sabi ko at nakitang naging usok din si Envy at nag-iwan ng roba na tinatawag na <Robe of Enviousness>, isang cursed equipment na pagsinuot mo ay kaiinggitan mo ang lahat, kinuha iyon ni Galice at inilagay sa inventory.

"Tapusin na natin ang giyera," sabi niya at pumasok sa loob na agad kong sinundan at nakita ang hari sa may trono, naka-upo siya at sa likod niya ay isang napakagandang babaeng dwarf.

Sabay kaming huminto sa paglalakad, dahil naramdaman ni Galice ang kaibahan, ako naman ay nabasa ko.

"<Fire Wall>!" sabi ko at nabalutan kami ng apoy.

"<Shadow Wall>!" sabi ni Galice at nagkaroon ng bakod na yari sa anino as inner wall, and then... nagkaroon ng pagsabog.

Nang kanselahin namin ang wall ay nakita naming sira na ang buong throne room, may scorched mark sa kina-uupuan ng hari at ang babae naman ay hindi na makilala sa natamong sunog sa mukha at katawan.

"Tch, pinasabog nila ang hari," sabi ni Galice.

"Buti na lang at tayo lang ang nandito," sabi ko.

"Yeah, kung hindi, marami ang namatay," sabi ni Galice at tumingala at tinignan ang mangitim-ngitim na langit dahil nasira ang buong side ng palasyo sa pagsabog.

"Ako na ang bahala," sabi ni Galice at lumabas sabay punta sa may gate at sumigaw "patay na ang hari! Atin na kapitolyo!" at nagkaroon ng malakas na pagsigaw.

**********************************

Akala ko, once na maging hari na ang dating hari, okay na, ayos na, yun pala, yun lang ang simula dahil lumusob sa kapitolyo ang bawat bayan sa pagnanais ng mayor na maging hari, pero kami lang ang kailangan at nasupil na sila.

A month later, natapos na nang tuluyan ang giyera, nasakop na namin ang lahat ng lupain. Ang kinuha ng Floria ay ang lupain mula gringre city hanggang sa Floria; ang kinuha naman ng Nocturia ay mining rights with zero tax; ang Hydroria naman ay kumuha ng mga kopya ng libro sa palasyo, kopya ng mga recipes, etc at nalaman ko na peke ang binigay sakin; salamat sa giyera, nagkaroon ng influx sa mga naulila, and in turn nagiging alipin kaya naman lahat ng guardian ay tumingin sakin.

"Fine, ako na bahala sa kanila," sabi ko dahil iyon ang hinihingi ng tingin nila, luckily nasa 400 lang sila, pwede ko silang ipa-apprentice kay Orin.

"Sisimulan na natin," sabi ni Galice nang nasa loob na kami ng isang silid na katulad na katulad ng nakita ko noon sa fire tower.

Binigay ko kay Galice ang Earth Gem at inilapag niya iyon sa altar, at tinignan ang mga mago ng bagong hari.

Nagsimula silang magbaybay pero imbis na chant,  puro tunog ng organ ang naririnig ko.

'What the heck,' sabi ko sa isipan at nakitang nagliliwanag na ang kulay brown na alahas.

Tuloy-tuloy lang sila sa ginagawa, at habang patagal ng patagal ay pakapal na nang pakapal ang liwanag, and then biglang nagliwanag nang malakas at nang mawala na ang liwanag ay may isang babaeng kilalang-kilala ko ang nasa may altar, although maraming nagbago at mukha siyang eighteen hindi ko makakalimutan ang itsura niya, meron siyang mahabang kulay brown na buhok na wala sa ayos, gulagulanit ang suot niyang damit, at sa braso niya ay may dalawang guwantelete.

Nilibot niya ang tingin niya sa paligid at nang makita niya ako ay bigla siyang nanginig sa takot.

"Eri," tawag ko sa babae.

"W-wag kang lalapit!" sabi niyang takot na takot.

"Eri, tanda mo ako?" tanong ni Celine at lumapit siya.

"A-ate Celine? N-nasa langit ba ako? Namatay na ba ako?" tanong ni Eri.

"Kalma lang," sabi ni Nekone at lumapit sa babae "inhale... exhale..." sabi niya.

"Ikuwento mo kung sino ka, at kung ano nangyayari sa paligid mo," sabi ni Galice "bago ka mapunta dito at least."

"A-ang pangalan ko ay Eri Marianne Sevilla, 18 years old, hii! W-wag kang lalapit," sabi niya nang gumalaw ako.

Sinunod ko siya, hindi ako lumapit pero lumayo ako at naupo sa may sahig.

"Eri, bakit ka natatakot sa kuya mo?" tanong ni Celine.

"K-kasi, balak niya akong molestiyahin," sabi niya.

"Hindi siya ang kuya na kilala mo," sabi ni Celine.

"Hindi siya?" tanong ni Eri kaya pinaliwanag ni Celine ang parallel world.

Habang nagpapaliwanag si Celine ay nagtatahi ako ng damit, halos katulad ng style ko ang damit na tinahi ko, except, maliit lang ang vest at halo-halo ang kulay, ang leggings ay brown, black ang boots, white ang T-shirt at green ang leather vest.

Matapos magpaliwanag si Celine ay pinabigay ko ang ginawa ko, random ang size since may auto-size correction naman ang mga damit, matapos makuha ni Celine ang mga gawa ko ay agad na akong lumabas.

'Ligtas siya, although sa timeline niya, ako ang nagtangkang manggahasa sa kanya,' sabi ko sa isipan 'haah... gusto kong sapakin ang sarili ko sa timeline niya, pero... what if kung hindi siya narape-slay at lumaki siya... no, imposibleng mangyari yun, pero.... arrgh! Ayoko na, hindi ko na iisipin, mababaliw lang ako!'

Nagpunta ako sa may labas at tinignan ang palasyo na kasalukuyang nasa gitna ng pag-aayos.

"Ano, kamusta ang pakiramdam bilang isang prinsesa?" tanong ko nang makita sina Iya at Aya.

"Master," sabay nilang sabi pero hindi nila sinagot ang tanong ko.

"Ano na nangyayari sa batas na yun?" tanong ko.

"Unti-unti pong lumalaganap ang batas, pero mabagal po," sagot ni Iya.

"I see, well, talagang matagal, pero wag ka mag-alala, mananatili muna kami dito nang ilang buwan," sabi ko at hinimas ang ulo ni Iya.

"Master, himasin mo din ang aking ulo," sabi ni Aya kaya hinimas ko rin ang ulo niya.

'Mananatili kami dito kasi tuturuan pa namin si Eri,' sabi ko sa isipan.

Soria: World's GuardiansWhere stories live. Discover now