Chapter 159

1K 39 0
                                    


Nang tumayo ako sa harap ng dragon ay nag-lock sakin ang mata ng <Zombie Dragon>, sumigaw ito kaya naman ng <God Mode>(full limiter release) ako at pinalagitik ang daliri at naging sentro ang <Zombie Dragon> ng isang buhawing yari sa apoy, ang init ng apoy ay nasa 9,000°C, kaya naman nalusaw ang mga bahay na nakapalibot walang tao sa loob kaya safe pero, sorry sa mga may-ari.

Nang mawala na ang apoy na tumagal ng limang segundo, limang segundo lang dahil kinansela ko na, ay nakita kong wala na ang <Zombie Dragon> at may abong kumalat sa hangin.

Nang mapatay ko na ang dragon ay agad kong silang pinuntahan at nakitang patay na ang mga dragon, nang makita ko sina Lyfa ay meron na silang aura na katulad ng sa isang diyosa at napagtanto kong, ascended na sila, mukhang lumevel sila sa laban at na-ascend na nung uubusin nila ang stat points sa natitirang stats na nanatiling readable at nang mag-rebirth sila ay ascended na sila, magpapataas na lang ng level to match us, that is.

Agad kaming nagpunta sa may palasyo, iniwan sina Lulu at Lina for post treatment. Nang makarating kami sa may palasyo ay nasa meeting room na ang hari, activated na rin ang projection table, isang lamesa na ginawa in collaboration ng <Mountoria> at <Hydroria> kaya naman nagkaroon na ng holographic communication at yun ay ang projection table.

"Hindi ko po alam ang gagawin," sabi ng isang batang fairy na projected sa may lamesa.

"Asaan ang fairy king, Nia," tawag ko.

"Ah, ano... namatay po nung mag-iwan ng mga halimaw yung kuyang may pakpak," sagot niya nang tumingin si Nia sa may kanan, mukhang asa paligid ang mga advisor ng lumang hari para tulungan ang bata pang si Nia sa pamumuno.

"Tanungin mo ang mga advisor mo, fairy queen," sabi ni Reyna Emeralda, ang reyna ng Hydroria.

"As of now, confirmed na nag-deklara ng giyera satin sina <Envy>," narinig ko ang boses ni Luxerra mula sa lamesa, ewan ko nga lang kung nasaang bansa siya.

"<Envy>? Ang nagdeklara dito ay si <Rhozanse> now called <Wrath>," sabi ni Celine.

"Samin ay isang babaeng tinatawag niya ang sarili niya as <Gluttony>," sabi ni Reyna Emeralda.

"Needless to say kung sino ang sakin," sabi ko.

"... Cecile," sabi nila at naimagine kong napaface-palm sila.

"Ang kailangan natin ay maghanda for counter-attack diba?" tanong ni Eri.

"Yeah, kailangan din nating alamin kung saan sila nagtatago pero wala tayong clues kaya preparation for defense," sabi ni Galice.

Nagtuloy-tuloy ang meeting namin, nagbabatuhan ng suggestion ang limang bansa plus ang kaming walo about defense preparation, in the end, kahit may alliance ang limang bansa, naging kanya-kanya muna dahil sa isang report, na natanggap ng bawat palasyo, inaatake ng mga halimaw ang mga bawat bayan, siyudad at village.

"Okay, alam na ang gagawin, stay well you four," sabi ko nang magkita-kita kami sa plaza at ipaalam kina Lulu at Lina ang nangyayari.

"Roger," sabi nila at tinawag ang kanya-kanyang dragon.

Matapos naming sumakay ay agad kaming lumipad patungo sa apat na direksyon, ako sa East; si Lyfa sa South; si Mimir sa West; at sina Lulu at Lina sa may North.

Sa bawat bayan, village at siyudad na madaanan ko, pinapalibutan ko sila ng mga firewall na kung saan ang temperature ay nasa 3,000°C good for 3 hours at matapos isigaw na walang lalabas ng village, bayan or siyudad ay umalis na ako, of course after patayin ang mga halimaw na nasa loob at nag-iwan ng mga potion para sa mga sugatan.

Ang total na binisita ko ay nasa 100, pero dahil naka-ilang laps ako, lagpas pa sa isang daan ang binisita. Ang duration ng wave ay five hours, yun ay dahil napansin kong limitless ang mga halimaw at nang tignan ko ang mapa ay nakita kong nagsisilitawan sila sa iba't-ibang spot kaya pinuntahan ko ang isa at nakita ang isang magic na agad kong sinira, gayun din sa ibang spawn points, then clean up ng mga halimaw.

Nang matapos ang wave ay agad akong nagbalik sa may palasyo, habang papunta ako ay ipinaalam ko kina Lyfa ang tungkol sa spawn points, gayun din sa ibang tagapangalaga.

Matapos kong mag-ulat sa may palasyo ay agad akong nagtungo sa ibang direksyon para tulungan ang iba; ang pinakananganganib ay ang north side kaya matapos kong i-atas ang spawn point destruction kay Lina at ang protection ay saming dalawa ni Lulu ay nalutas na namin ang north side problem after 2 more hours; after nun ay pinapunta ko sina Lulu at Lina sa side ni Mimir at ako ay kay Lyfa.

Masasabing natapos na ang wave nang magdilim, pinaubaya na namin ang post treatment sa mga namumuno, ang mga nakaligtas na villager ay kinuha namin at dinala sa kapitolyo para alagaan sa hacienda ko.

The next day, gloomy ang atmospera ng buong paligid, although may mga namumuhay parin ng normal, mararamdaman mo ang tension sa hangin, lahat ng kalalakihan ay may dalang sandata, kahit na mga kababaihan ay may maikling espada sa katawan, wala ring mga batang makikita sa daan, at lahat ng tao sa labas matatalim ang tingin, na para bang anytime bubunutin na nila ang mga sandata, marami ring nagkalat na mga sundalo, at makikita mo ang limang heneral na nagkalat din.

Nagpunta ako sa may mall at inalam ang mga nangyari doon, dahil sa security, walang nangahas mang-loot ng mga gamit, pero nagkagulo ang lahat specially sa may weapon and armor stall, lahat sila ay bumili ng mga sandata, pati mga bata sinuotan ng leather armor na gawa sa mga halimaw matitibay ang balat.

Matapos kong pumunta sa mall ay nagpunta ako sa may palasyo para marinig ang status report.

"After four years of peace, ito ang kinahitnanan," buntong-sabi ng hari habang hawak-hawak ng dalawang kamay ang ulo at nakatungo, buti na lang at nasa office siya kundi lalong madedepress ang mga makakakita sa kanya.

"Ano ang status ng bansa?" tanong ko at tinignan niya ako at nakita kong para siyang tumanda ng sampung taon sa stress.

"Four cities destroyed, 7 partially destroyed, 40 towns destroyed, 30 partially, 20 villages confirmed destroyed, the rest inaalam pa amg estado; casualties, 400,000 and still counting, missing estimated 700,000 and still decreasing dahil nakumpirma nang patay na," sabi ng hari.

"Wala akong alam sa politika, kaya hindi kita matutulungan, sorry," sabi ko at naglapag ng isang revitalizing potion na nagawa ko by accident nang gumawa ako ng stamina potion to partner a certain rubber.

"No, malaking tulong na ang ginawa mo, Mark," sabi niya at ininom ang potion.

"Binigyan nila tayo ng isang malaking damage eh," sabi ko at tinignan ang labas na hanggang ngayon ay may makikita kang usok sa may kalayuan, ayokong alamin kung ano ang sinusunog nila.

"Walang maitatalaga for offense," sabi ng hari, yun lang ang kailangan ko para malaman na completely on defense ang bansa.

"Tara, kailangan nating alamin ang estado ng mga kaalyado natin," sabi ko at tumayo lang ang hari at tumingin sa may binta in south direction.

"Pinapunta ko na sina Mimir at Lyfa para alamin ang sitwasyon doon first hand," sabi ko dahil alam ko na kung sino ang kasalukuyang nasa isipan ng hari.

Soria: World's GuardiansWhere stories live. Discover now