Chapter 28

2.1K 130 2
                                    

Pagkasikat ng araw, sakay ng mga chirtso ay agad kaming umalis ng Oldale at pumunta sa susunod na bayan. Salamat sa chirtso ay agad kaming nakarating ngunit napahinto kami sa nakita. Sunog na bahay, nagkalat na bangkay ng mga lalaking werebeast, hubad at patay na katawan ng isang babae. Bumaba kami sa sakay na chirtso, naghiwahiwalay sa tatlong grupo at nilibot ang bayan, searching for survivors. Nang may makita akong paa sa malayo ay agad ko iyong tinungo at nagitla sa nakita, dahil isang hubad na batang babae ang nakita ko, nakadilat siya at hindi humihinga, may mga signs na ginamit siya at namatay sa proseso, lumuhod ako sa tabi ng bata at ipinikit ang mga mata niya.

"May you rest in peace," bulong ko at sinunog ang katawan ng bata, sinigurado kong malakas ang apoy upang tanging abo na lang ang matira na kusang kakalat sa hangin.

"Bakit mo sinunog?" tanong ni Lyfa.

"Nilibing ko siya, cremation ang tawag doon, susunugin ang katawan ng yumao upang maging abo at siyang ikakalat sa hangin, dagat or kahit saan man, o kaya naman ay itatabi," paliwanag ko "kung mali ay ako'y iyong pagpasensiyahan," sabi ko at naglakad palayo.

"Ang normal sa isang settlement ay nasa sisenta hanggang nobenta na katao, ngunit kakaunti lang ang nakita natin," sabi ni Zedrick habang nagpapahinga kami sa tabi ng isang balon.

"Imposibleng halimaw ang may gawa nito, so mga slave hunters lang ang -"

"Halimaw ang may gawa," sabi ko.

"Halimaw?! May halimaw bang nanggagahasa ng mga babae? Mapa bata man o mantanda!" sigaw ni Eriole.

"Mga halimaw sila, halimaw na nasa balat ng isang tao," sabi ko "at dahil halimaw sila, natural lang na patayin sila hindi ba?" tanong ko at napamaang sila.

"Oo, mga halimaw sila," sabi ni Lyfa at napahigpit ang hawak sa pana at bakas sa mga mata ang poot at galit.

"Kung sinabi mong halimaw sila, then halimaw sila," sabi ni Adelaide.

"May reklamo pa?" tanong ko.

"Ang sama mo rin pala eh," sabi ni Eriole pero nakangiti.

"Ikaw ang tagapangalaga ng apoy, sa relihiyon ng Floria, lahat ng sabihin mo ay totoo," sabi ni P-knight.

"Tara na't huntingin natin ang mga halimaw," sabi ni Zedrick with a twisted smile in his face.

"Sorry Lafayette, pero may hahuntingin kaming halimaw kaya maari bang mag-antay ang pagpunta sa kapitolyo?" sabi ko na tinanguan niya.

*******************************************************************************

"Mahal na tagapangalaga," sabi ng hari.

"Ano yun?" tanong ko.

"Nakatanggap kami ng balita na may isang bayan ang inatake ng mga tao, isang bayan ang pagitan mula dito," sabi ng hari.

"Tch, slave hunters, ano nga pala nangyari dun sa hinuli kong slave hunters nung nakaraan?" tanong ko.

"Pinapahirapan sila at gagawing alipin," sagot ng hari.

"Nakatanggap din kami ng balita na may mga taong naghahangad ng alyansa, kasama ang apat na werebeast ay patungo sila rito,"

"Maaring patibong yan, hindi ka dapat magtiwala, natutunan ko yan sa mahirap na paraan," sabi ko.

"Ihahanda ko na po ba ang iyong chirtso?" tanong ng hari.

"Sige, salamat," sabi ko at tumingin sa langit preparing for a combat.

*******************************************************************************

"Buti na lang at umulan kagabi," sabi ni Eriole habang sinusundan ang mga bakas ng yapak ng tao.

"Tingin mo ilan sila?" tanong ni Zedrick.

"Kung ibabase sa bakas, nasa tatlumpu hanggang apatnapu ang bilang nila, kasama na doon ang mga nadakip nila," sagot ni P-knight.

"Siya ba talaga ang tagapangalaga ng apoy?" narinig kong tanong ni Lafayette "iba siya sa tinuturo ng mga pari."

"Iba ang reyalidad sa tinuturo nila," sabi ni Lyfa.

"Hinto," sabi ni P-knight kaya huminto kaming lahat at nakarinig ng mga tawanan, pagpupukpok ng kahoy, sigaw ng mga babae at galit na sigaw ng mga lalaki.

"Nakita na natin ang mga halimaw natin," sabi ko at bumaba sa sakay na chirtso.

"Bakit?" tanong ko kay Lyfa nang sumimangot siya nang umihip ang hangin.

"Yung mga lalaking dumukot sakin, nasa grupo nila," galit niyang sabi at napangiti ako at tinignan si Zedrick na nanggagalaiti na sa galit.

"Ako ang papatay sa kanila," sabay na sabi nina Eriole at Zedrick.

"Then kayong tatlo ang pumatay sa kanila, Zeke, Adelaide, protektahan niyo si Lafayette at pakawalan ang mga nadakip," sabi ko.

"Ikaw, ano gagawin mo?" tanong ni Adelaide.

"Ako ang papatay sa mga halimaw," sabi ko at naglakad patungo sa grupo ng mga slave hunter.

Nang makarating ako sa grupo nila ay ang una kong nakita ay ang pinipilahan nilang dalagita at ang sumisigaw na lalaki, anak niya siguro yung pinipilahan.

"Hmm... Isang manlalakbay, oi!" tawag sakin ng isang lalaki mula sa grupo.

'Napaka-friendly nito, sayang lang kasi,' sabi ko sa isipan at nang makalapit na ang lalaki sakin ay agad ko siyang pinutulan ng ulo.

Pagkabagsak na pagkabagsak ng ulo ng lalaki ay naalarma ang lahat at kanya-kanyang hugot ng espada.

"WELCOME TO HELL!" sigaw ko at agad na lumapit sa isang lalaki at hiniwa ang tiyan niya, ang balak ko lang ay sugatan siya pero ang nangyari ay nahati siya sa dalawa.

Susugurin ko sana yung lalaking gumalaw sa dalagita pero may palasong tumama sa ulo ng lalaki, maya-maya pa'y sumabog ang palaso at nadamay ang mga lalaking nasa likuran niya.

"Long time no see~" narinig kong sabi ni Lyfa sa mga lalaking nakapila.

'Hmm... Tama...' sabi ko sa isipan at ngumiti.

"Kayong lahat!" sigaw ko "kung gusto niyong mabuhay ibaba niyo ang mga sandata niyo, ang mga pangahas na lalaban-" hindi na natuloy ang sasabihin ko dahil sinalag ko gamit ang espada ang isang palaso at agad na nilusob ang may sala. Hiniwa ko ang dalawa niyang braso, sinunod ang dalawang binti at bilang panapos ay hiniwa ko siya ng pahalang na nagresulta sa pagkahati niya sa dalawa.

Napasigaw lahat ng mga nakakita at dali-daling tinapon ang mga hawak na sandata, pero kahit na itinapon na ng ibang lalaki ang hawak ay pinapana pa rin sila ni Lyfa.

"Anong balak mo?" tanong ni Eriole marahil dahil bigla kong binago ang plano.

"Kabayaran sa mga alipin na hindi na makakabalik," sabi ko sabay ngiti at tinignan ang mga slave hunter.

"Napakawalan ko na yung mga bihag na babae, pero natatakot sila dahil sa ginawa mo, at sa mga lalaki naman, baka atakihin ako kaya sina Eriole na bahala," sabi ni P-knight.

"Lyfa, wag mo na bawasan ang mga magiging kabayaran sa mga alipin na hindi na makakabalik," sabi ko.

"Paano ako!" sigaw niya at pinana ang isa pang lalaki at dahil alam nilang sasabog ang palaso ay nagsitakbo sila palayo.

"Tingin mo makakatakas ka!" sigaw ko at agad na pumunta sa harapan ng lalaking nangahas tumakas at sinipa siya sa mukha para tumalsik siya pabalik ngunit nagamit ko ang buong lakas ko at ang tumalsik ay ang ulo ng pangahas at dahil doon ay hindi na makagalaw ang mga slave hunter dahil sa takot.

"Lyfa, dun sa sinabi mo, diba sasama ka sakin as a second option kung hindi ka na makabalik sa pagiging prinsesa?" sabi ko at dahil doon ay medyo nahimasmasan si Lyfa pero pinana niya parin ang isang lalaki.

"Responsibilidad mo na ako, iyan ang tandaan mo," sabi niya.

"Okay," sabi ko at tinignan ang mga hunter.

"As I said earlier, welcome to hell," sabi ko at gamit ang mahika ay tinanggalan sila ng kakayahang gumalaw.


Soria: World's GuardiansWhere stories live. Discover now