Chapter 64

1.3K 90 0
                                    


"Ang pangalan ko ay Nekone," pakilala niya.

"Kapangalan mo ang tagapangalaga ng tubig?" tanong ko tinutukoy ang ika-siyam.

"... Oo, kapangalan ko," sabi niya at kahit nagtataka ako kung bakit may pause ay pinabayaan ko na lang.

"Bumalik ka na sa siyudad," sabi ko at ibinalik sa kaluban ang espada matapos patayin ang apoy at sinuot muli ang hood na natanggal nung sinugod ko ang mga orc, hindi ko na inantay ang sagot Nekone at naglakad na palayo.

Habang naglalakad ay napansin kong may sumusunod sakin kaya naman lumingon ako at nakita si Nekone.

"Anong ginagawa mo? Hindi dito ang direksyon ng kapitolyo," sabi ko.

"Alam ko, gusto ko lang sumama sa iyo," sabi niya.

"Delikado ang pupuntahan ko," sabi ko.

"Kaya kong protektahan ang sarili ko, nagkataon lang na nalapitan ako kanina," sabi niya with a double fist pump at doon ko lang napansin na may hawak siyang maliit na stick, around 25 cm ang haba at may crystal sa unahan, isang wand.

Napangiti ako dahil sa cuteness impact niya nung gawin niya ang fist pump kaya naman napapayag na ako.

"Teka, <Friend Request: Mark Anthony>" sabi niya at may lumabas sa harapan kong isang window na nagtatanong kung itetegister ko ba siya as friend "pindutin mo yung yes" sabi niya at kahit nagtataka kung paano niya nagawa yun ay pinindot ko pa rin ang yes at nagkaroon kami ng link, katulad nung link na meron ako sa desciple, napansin ko ring mayroon ng bagong icon na may symbol na dalawang taong magkahawak. Pinindot ko iyon at nakitang friend list iyon, andun na rin ang party tab pati ang pets and slave tab, andun na rin ang familiar.

"<Party invite: Mark Anthony>" at sinabi na niya ang party request magic, pinindot ko ang yes at isang error ang lumabas na nagsasabing: both person were a guardian, party can't be created.

"Isa kang..." sabi ko at napatingin sa kanya at gayun din siya sakin.

"Wow... Isa ka palang tagapangalaga," sabi niya bakas sa mukha ang gulat.

'Damn, yung cute na babae na ito ang puppet ng kasalukuyang gobyerno?! Kaya pala nagawa niya yun,' sabi ko sa isipan "mukhang di talaga tayo pwede magsama," sabi ko.

"Oo nga eh, anong tagapangalaga ka?" tanong niya.

"Apoy," sagot ko at natigilan ng umupo siya sa may troso.

"First time kong makakilala ng isa pang tagapangalaga maliban sakin," sabi niya "marami akong gustong itanong sa iyo, ayos lang bang kunin ko ang oras mo?" tanong niya.

"Sorry, pero kailangan kong pumunta sa misyon ko," sabi ko.

"Ano yung misyon?" tanong niya kaya napilitan akong gumawa ng istorya.

"Kailangan kong iligtas ang kasama kong Nocturiana na nahuli ng isang slaver," pagsisinungaling ko.

"What?! Mahigpit na ipinagbabawal ang pang-aalipin dito!" sabi niya.

'Wait, puppet siya, maybe pwedeng ko siyang mapilit,' sabi ko sa isipan "hindi mo alam?" tanong ko sa kanya.

"Ang alin?"

"Mayroon kaming natanggap na ulat na mayroon ditong brothel na puro alipin ang laman," sabi ko.

"What? Imposible! Tatanungin ko sila tungkol dito kaya sumama ka sakin sa palasyo," sabi niya at napatayo.

"Sorry, pero hindi pwede, kailangan kong iligtas sila bago pa sila magamit," sabi ko .

"Magkikita pa ba tayo uli?" tanong niya medyo malungkot ang itsura.

"Oo, magkikita pa tayo," sabi ko at napangiti siya at nagkaroon ako ng guilty feeling dahil maaring sa susunod naming pagkikita ay magkalaban na kami.

"Iimbestigahan ko ang sinabi mo," sabi niya at tumango, aalis na sana ako nang biglain niya ako sa pagyakap niya sakin at paghalik sa labi ko.

"Lucky charm para magkita uli tayo," sabi niya sabay ngiti "ingat ka," dugtong niya sabay alis na patungong kapitolyo.

Nanatili ako doon, rooted sa lugar na iyon, natauhan lang matapos ang ilang segundo yun ay after kong sabihin sa sariling nakakatakot ang mga babae.

Agad akong tumakbo patungo sa may port city na sinasabi ni heneral Luna na kinalalagyan ng mga deposito ng mga baril at nakarating doon ng pumatak ang gabi.

'Saan kaya yung mga deposito,' sabi ko sa isipan habang nagmanman sa may HQ ng mga bantay doon.

'Ah, ba't ba ako nagpapakahirap eh may madaling paraan naman,' sabi ko sa isipan "<Mind Reader>" at binasa ko ang isipan ng mga bawat bantay na lalabas-masok sa HQ nila.

Hindi ako gumalaw doon, ginagamit ang <Shadow Hide> upang matago sa paningin nila sa gabi at ang <Heat Haze> naman sa umaga at matapos ang isang buong araw na pag-aantay doon ay sawakas at nakatama rin ako.

'May rebeldeng nagawang kuhain ang mga bala kahapon, napalibutan na siya pero kakaiba ang bilis at lakas niya, kailangan ko atang higpitan ang pagprotekta sa mga armas na nasa ilalim nitong HQ,' basa ko sa isipan ng isang pumasok na opisyal ata.

Gamit ang <Heat Haze> ay pumasok ako sa loob at hinanap ang mga baril dahil sa laki ng HQ.

Nakita ko ang mga baril sa isang silid, at para makasigurado ay ginamitan ko ng <Despell> ang buong kwarto bago pumasok.

'Ang sabi naudlot ang manufacturing, kung gayon bakit ganito itong kwarto?!' reklamo ko sa isipan dahil ang inaasahan ko ay taliwas sa nakita ko.

Isang malaking silid ang kinalalagyan ng mga baril, puno iyon ng mga malalaking crates na naglalaman ng mga baril, ang inaasahan ko ay mga lumang model ang kinopyahan nila pero ang mga nakita ko ay puro new models tulad ng: AK-47, M16 rifle, ACR, FN Scar L, MP5 , AWM, Dragunov, at kung ano-ano pang baril na hindi ko na alam ang model dahil limitado ang kaalaman ko sa mga baril at salamat lang sa COD yung mga alam.

'Damn, either way, kukunin ko pa rin 'to,' sabi ko at kinuha na ang lahat, at habang ginagawa ko iyon ay nakita ko ang isang Delivery Report at napamura dahil sa nabasa kaya minadali ko ang pagkuha sa mga armas at aalis na sana ngunit napansin ko ang isang kadugtong na kwarto kaya pinasok ko iyon at nakita ang ammunination, hindi iyon katulad nung mga crystal sa halip ay mga bala talaga, mga metal na hinulma upang maging kawangis nung mga bala na makikita sa earth at may mga naka-engrave din doon.

"Letcheng Mountoria yan," bulong ko at kinuha na rin ang lahat ng bala bago umalis.

"Mision Complete," sabi ko nang makalabas na ng port city at tumatakbo pabalik sa hideout.


Soria: World's GuardiansWhere stories live. Discover now