Chapter 135

1K 43 0
                                    

"Ahh... so nagkataong nailigtas niyo sila nang paulanan ni Lyfa ang isang <Elder Lesser Dragon> ng <Meteor Arrow>," sabi ko.

"Ganun na nga," sabi niya "then, ang kwento naman nila?"

Ikinuwento ko sa kanila ang mga ginawa ko at nang matapos ay tumango-tango lang sila.

"Magtatakip-silim na, makaka-uwi na kayo," sabi ko at yumuko sina Iya at Aya bago lumabas ng kwarto.

"Now... anong pinapagawa mo sa kanila?" tanong ni Mimir.

"Wala, pero may kusa silang ginagawa, tulad na lang ng: sila yung first bite sa pagkain, dahil malakas daw ako, may mga magtatangkang manglason sakin kaya kung may lason, mamatay muna sila," sabi ko.

"... Y-y-yung ginagamit mong kubyertos, ano?" tanong ni Mimir.

"Kung ano yung ginamit nila," sagot ko.

"Ate! <Cure>!" sabi ni Lina ng may tumulong dugo sa ilong ni Mimir.

"A-ako rin! Magiging poison taster din ako!" sabi niya at bigla siyang tinamaan ng unan sa mukha.

"Ingay mo!" galit na sabi ni Lyfa sabay balik uli sa pagtulog.

"Anyare dun?" tanong ko at nagkibit-balikat lang si Mimir.

Habang nagpapahinga sila ay nililinis nila ang mga sandata nila at si Mimir naman ay naglalagay ng mga bala sa magazine; at ako naman iniisip ko kung ano ang pwedeng pag-gamitan ng <Magic Skill Points> ko at nang makita ko ang <Analyze> ay naalala ko ang <Analyze> ni Galice kaya pina-level ko yun at nang makarating na ako X ay may notif na lumabas:

SKILL WOULD EVOLVE? PROCEED?

at pinindot ko ang confirm at isang notif nanaman ang lumabas.

<JUDGE> SKILL WOULD VANISH, PROCEED?

'Makukuha ko rin naman ang <Judge> uli since alam ko kung paano,' sabi ko sa isipan at pinindot ang confirm.

Nang mapindot ko na ang confirm ay biglang nag-iba ang paningin ko, kung magfocus ako ay nakikita ko ang pangalan nina Mimir sa ibabaw ng ulo nila, ang HP nila pero walang numerical value di tulad sa indicator, at nang tumingin ako sa isang bagay ay nakikita ko kung ano yun, for example, ang nilalagay na bala ni Mimir, lahat sila ay <Fire Inscripted Bullet>, ang nililinis ni Lulu ay ang <Skoll>.

Nang tignan ko ang skill ay nakita kong wala na sa <Spell> ang <Analyze> at <Judge>, wala rin akong nakitang bago kaya hinanap ko iyon at nakita sa <Passive> ang dahilan: <Identify>.

<IDENTIFY>

PROFICIENCY: <MAX>

A PASSIVE SKILL THAT LETS THE USER IDENTIFY EVERYTHING.

"Nice skill," sabi ko.

"Bakit?" tanong ni Mimir kaya sinabi ko ang dahilan.

"Wow..." sabi ni Mimir at may nang titigan kong maigi si Mimir ay lumabas sa paningin ko ang isang buong transparent screen na nagsasaad ng lahat ng info paukol kay Mimir pati na ang...

"Hmm... 36,23,29, ang three-sizes ni Mimir," sabi ko at biglang siyang namula at nang lumingon ako ay nawala pansamantala ang info screen pero nang tumingin ako kay Lina ay ang nakita ko naman ang info niya.

"Nice, very nice, maiingit sila Nekone dito," sabi ko at ngiti.

"Nagugutom ako," sabi ni Lyfa sabay bangon "Mark, ipagluto mo ako."

"Okay," sabi ko sabay tayo "bumaba na rin kayo," sabi ko bago lumabas.

Lumipas ang dalawang linggo ay dumating na din sina Nekone at Celine sa may <Gringre City>.

Sa loob ng dalawang linggo na iyon ay pinataas namin ang level ni Hephaestus sa tulong nina Lyfa, at ako naman ay well... sinakop ang buong siyudad. Tinutulungan ko ang mga nangangailangan sa may siyudad at pinaparusahan ang mga nagbabalak ng masama to the point na nakilala ako bilang <Black Flame Swordmage>. Dahil sa mga ginawa ko, naging maayos ang takbo ng siyudad. Kinalaban ako ng mayor pero matapos ang isang suntok ay natumba na siya at nagtratrabaho sa ilalim ko bilang overseer ng siyudad.

"So... bakit mo ginawa 'to?" tanong ni Celine pagkadating na pagkadating niya.

"Well, kasi... magulo ang siyudad, lagi kaming pinagbabalakan ng masama, so ayun," sabi ko "tsaka, dahil sa walang paki-alam ang lupa —"

"Wait, what?" tanong ni Celine.

"Andito na kami," sabi nina Mimir.

"Ah, welcome back," sabi ko "dun sa tanong —"

Hindi na natuloy ang sasabihin ko dahil nakita kong patumba si Lyfa, mabuti na lang at agad siyang nasalo ni Eriole na sumama kay Celine.

"Oi, Lyfa!" sabi ni Eriole "tabi, nawalan ng malay si Lyfa."

"Iya! Aya!" tawag ko "tumawag kayo ng doctor!"

"Masusunod," sabay nilang sabi at agad na umalis.

Naudlot ang pinagpupulungan namin dahil sa biglang kawalan ng malay ni Lyfa. At para malaman ko ang dahilan ay tinitigan ko siya at natulala, hindi makapaniwala sa nabasa.

"Mark! May skill kang <Identify> diba?! Anong nangyari kay ate!" alalang tanong ni Mimir.

"Wag ka mataranta," sabi ko "...ba't di ko agad napansin yung mga sintomas," bulong ko.

"Anong meron kay Lyfa, Anthony," sabi ni Eriole.

"Uulitin ko wag ka mataranta," sabi ko "normal lang na mawalan siya ng malay."

"Paanong normal lang," sabi ni Nekone kaya sinabi ko ang nabasa at lahat sila ay may kakaibang expression, expression na nasa gitna ng gulat, tuwa, at relief.

"Ah... n-normal nga, after all, mabilis na mapapagod ang babae at sabi mo MP down na din," sabi ni Celine.

Maya-maya pa ay dumating na ang isang herbalista at inexamine si Lyfa, maya-maya pa ay sinabi niya rin ang sinabi ko nagtaka siya kung bakit, parang hindi kami nagulat pero hindi siya nagtanong.

Matapos sabihin ang mga dapat gawin na hindi ko gaanong inintindi dahil balak kong i-uwi si Lyfa sa <Floria> ay umalis na ang herbalista.

"So, anong balak mo?" tanong ni Nekone.

"I-uwi si Lyfa sa <Floria>," sagot ko.

"Okay, now balik na tayo sa topic bago bumagsak si Lyfa," sabi ni Celine na naka-ngiti.

"Okay, sa tanong mo, andito ang tagapangalaga ng lupa," sabi ko "pwede ko kayong dalhin sa kanya pero respetuhin niyo ang desisyon niya."

"Okay," sabi nila.

"Alissa, Eriole, maiwan kayo, although hawak na ni Anthony ang buong siyudad pero panigurado may mga magbabalak pa rin ng masama, specially, mga manlalakbay," sabi ni Celine.

"Lunaria, dito ka na lang din muna," sabi ni Nekone.

"Iya, Aya, makakauwi na kayo," sabi ko.

"Okay," sagot nila bago kami lumabas sa silid at nagtungo sa tirahan ni Hephaestus.

Soria: World's GuardiansWhere stories live. Discover now