Chapter 131

1K 46 1
                                    

Matapos kong umalis sa bahay ni Hephaestus ay agad akong bumalik sa posada at nakita kong punong-puno ng tao sa loob.

"Hoy, sinabi ko na bang pinapatawad ko na kayo?!" narinig kong sabi ni Lyfa.

"P-patawad po, hindi na po namin uulitin," narinig kong sabi ng ilang kalalalihan.

"Alam niyo ba na sa bansa namin, pwede namin kayong patayin?" sabi ni Mimir "ang lakas ng loob niyong tangkaing gahasain sina Lina at Lulu."

Nagpanting ang tenga ko sa narinig kaya agad akong naglakad sa direksyon nila.

"Haah... antayin na lang kaya natin si Mark, pero paniguradong papatayin niya sila eh," narinig kong sabi ni Lyfa "hmmm... ah!"

Nang makarating ako sa direksyon nila ay nakita kong napapalibutan sila ng mga nakiki-usyoso, nakaupo sa may bar counter sina Lyfa with tinitignan with disgust ang mga nakaluhod sa harapan nila na lahat ay mga kalalakihan. Nakita ako ni Lyfa kaya siya napa-'ah' at ang bungad ko ay...

"Anong nangyari?" tanong ko sabay tapak sa isang lalaki sa ulo, napasobra sa talagang nais kong lakas kaya bumaon ang ulo niya sa lupa, bato pa naman sana buhay pa.

Dahil sa ginawa ko ay lahat ng mga nakiki-usyoso ay napa-atras sa takot.

"Ganito yan, bumibili kami ng makakain nang biglang mawala sina Lina sa pinag-iwanan namin, dahil sa pang-amoy ko nakita ko sila sa isang madilim na kalyehon at sa paligid nila ay ang mga walang malay na lalaki, at sila yun, tapos ang kwento nila ay binalak silang gahasain at dahil tinakpan sila ng sako kaya hindi sila agad nakalaban, pero malas nila dahil akala nila mga simpleng bata lang sila kaya nung inalis na ang sako para gahasain na sila, ayun na," paliwanag ni Lyfa.

"Ah... dahil hindi naman nagalaw sina Lina, hindi ko sila kailangang patayin," sabi ko at natuwa ang mga nakaluhod "kuhain niyo yung mga gamit nila; armor, weapons, boots, alahas, lahat ng mga pwedeng maibenta," sabi ko at sinimulan nina Lina at Lulu na hubaran ang mga nakaluhod.

Dapat yun lang yung parusa pero may nakita akong nakatayo sa ilalim ng underwear nila na pina-iwan kong suot nila kaya sinabi kong "tapos, itapon niyo sila sa gitna ng <Dragon Valley>."

Sa sinabi kong iyon ay tinitigan sila ng mga taong nakiki-usyoso ng mga nakaka-awang tingin, may mga nagbulungan na ang sama ko daw na ikina-inis ko kaya sinigawan ko sila at doon lang sila nagsi-alisan.

Inilabas namin ang mga lalaki at tinawag ni Lina si <Shiro> at pinadala ang mga lalaki sa gitna ng <Dragon Valley>.

"Hindi ka naawa?" tanong ni Mimir nang lumipad na si <Shiro>.

"Dapat tatanggalan ko lang sila ng mga gamit pero may nag-isip ng kung anong malaswa ang isa sa kanila kaya ayun, naiinis ako, nagawa niya pang mag-isip ng ganun," sabi ko ng malakas, sinisiguradong may makakarinig na tsismoso "pero next time, hindi na ako magiging mabait, kaya kayong apat, sa bansang ito, ang malalakas ang gumagawa ng batas kaya kahit patayin niyo sila okay lang, hindi sila gagalaw."

"Kung sabagay, madaming tao sa pamilihan pero walang tumulong kina Lina at Lulu," sabi ni Lyfa habang papasok na kami sa posada.

Nang makapasok na kami ay binigyan daan kaming lima, specially ako, bumalik kami sa inuupuan nina Lyfa kanina at nang makita ni Lina ang butas na ginawa ko ay inayos niya iyon.

Umorder kami ng mga makakain at ang impression ko: masama.

"Lyfa, magpunta ka ng kusina," sabi ko na sinegundahan nina Lina.

"Pero mas maganda kung ikaw ang pupunta," sabi ni Mimir na sinegundahan ninang apat kaya ako na ang nagpunta sa kusina, hindi iniintindi ang mga naririnig kong: kawawang tagaluto, lagot siya sa lalaking yan.

Nang makarating ako sa kusina ay nagdiretso ako sa lutuan, walang nagreklamo since nakita nila ang mga ginawa ko.

Tinignan ko ang mga sangkap na naroroon at mga pampalasa at nalaman na mahal ang mga pampalasa sa <Mountoria> at kahit ultimo asin ay nagkakahalaga ng 5000 Gold, ang tawag sa pera nila dito, kada isang gramo, ang karne nila ay mula sa daga at butiki kaya kumuha na lang ako sa sarili naming stock at nagluto, matapos mag-luto ay agad ko iyong dinala kina Lyfa.

Matapos kumain ay pumunta agad kami sa may kwartong hiniram at sinabi ang course of action.

"Oh... so nakita mo ang tagapangalaga ng lupa pero ayaw niyang gawin ang tungkulin niya," sabi ni Lyfa.

"Oo, at nirerespeto ko ang desisyon niya, kung ibigay niya satin ang method niya, siguro pababayaan lang siya," sabi ko.

"Siguro lang," sabi ni Mimir "pero in case na magbago ang desisyon niya tulungan namin siyang magpalevel."

"Yup, kaya Lyfa, ikaw ang in-charge," sabi ko at nawala na bigla ang mga indicator nila sa paningin ko "palevelin niyo hanggang 100 lang, all loots ours."

"Kabayaran sa power-leveling?" tanong ni Lina, alam niya yung term dahil iyon ang madalas kong gamitin.

"Parang ganun na nga," sabi ko.

"Ikaw? Ano balak mo?" tanong ni Lyfa.

"Magpunta sa guild, at kumuha ng quest para magkapera tayo dito," sabi ko.

"Okay," sabi nila.

The next day...

Pagkagising na pagkagising namin ay dumiretso kami sa bahay ni Hephaestus, at nang makarating kami ay...

"Say... Sure kang mga matatanda na sila?" tanong niya nang makita sila Lyfa.

"Oo, sa Nocturia, may coming of age sila, 15 sa lalaki at 16 sa babae, sixteen—"

"Seventeen," putol ni Lyfa.

"Seventeen ka na pala," sabi ko.

"Oo, and 14 days from now ang unang araw na pagkikita natin," sabi niya.

"Ah... isang taon na pala ako dito, anyway, seventeen na yung dalawang Nocturian at yung Florian, sa oras na ituring na sila ng guardian nila na matanda na sila, then matanda na sila," sabi ko.

"Tapos matanda na sila," sabi niya at isinenyas sina Lina.

"Truth be told, hinde, may child mentality pa sila," sabi ko at napansing napayuko sina Lina at Lulu "pero mas mataas ang level nila sayo, level 87 na si Lulu at 85 si Lina, tapos desipulo pa sila kaya meron silang strethening method ng anim na tagapangalaga: sakin, sayo, sa tagapangalaga ng tubig, kagubatan, liwanag at dilim."

"YOU'RE JOKING!" sigaw niya.

"Mukha ba akong nagbibiro?" tanong ko.

Soria: World's GuardiansWhere stories live. Discover now