Chapter 139

1K 50 0
                                    

Matapos kong sabihan ang dating hari na magpatuloy lang sa lagi niyang ginagawa, ang magbenta ng prutas ay pina-uwi ko na siya, of course with the order na patulungin ang mga anak niya sa pagtitinda at baka pumunta kinaumagahan.

Nang magising ako kinaumagahan ay kinontak ko si P-knight at pinasabi sa hari ang kaso ng <Mountoria> at ang desisyon ko, matapos ang dalawang oras na pag-aantay ay kinontak ako ni P-knight at sinabing nagpatawag na uli ang hari ng pag-pupulong sa lahat ng noble, sa madaling salita, hindi simple ang desisyong ginawa ko since pati ang mga congrate nobles, part na ng pagpupulong.

'Okay, tawagan niyo ako, sasali ako diyan, of course namamaskarahan ang mukha ko,' sabi ko kay P-knight at pinutol na ang linya.

'Okay, sila Nekone na lang kailangan kong pilitin,' sabi ko at inantay silang makabalik.

Nang makabalik sila ay agad kong hinila sina Nekone at Celine patungo sa kwartong hiniram ko kagabi.

"Hoy, Anthony, nagkamali ka ng hinila, dapat si Mimir ang ikakama mo," sabi ni Celine.

"S-sakin, okay lang naman," sabi ni Nekone.

"Anong pinagsasabi niyo, may kailangan tayong pag-usapan kaya dinala ko kayo dito," sabi ko at napatingin kami pareho kay Nekone na hindi na makatingin sakin ng diretso.

'Okay, wala akong narinig,' sabi ko sa isipan at sinabi sa kanila ang buong plano ko.

"So, balik uli tayo sa topic na yan," sabi ni Celine.

"Yeah, since hindi naman kayo nagbigay ng sagot niyo," sabi ko.

"Well, naiintindihan naman namin ang punto mo, pero paano mo gagawin yun?" tanong ni Nekone.

"Invasion," sagot ko.

"W-wait, wait, wait," sabi ni Celine "invasion?"

"Oo, pero sa labas lang yun," sabi ko "ang balak ko ay ibalik ang dating hari sa trono niya."

"Dating hari?" tanong ni Nekone kaya ikinuwento ko ang story ng tatay nina Iya at Aya.

"Iluluklok mo siya doon," sabi ni Celine.

"Yup, sa Floria, ang panlabas lang ang invasion, well heck, malaki ang <Mountoria>, actually, may daan nga na hindi na kailangang gamitan pa ng barko," sabi ko "so kukuha na lang kami ng maliit na lupa nang tumahimik ang congrate nobles."

"Kung sabagay, sa earth magkadikit ang europe at asia," sabi ni Celine "tsaka anong word yun?"

"Congrate? Ginawa ko yun, kasi diba may senate, tawag sa mga senador, so yun, yung congrate naman yung mga congressman," paliwanag ko at nagpatunog si Celine ng dila.

"Okay, back to topic," sabi ko "pwede ding ang kuhain na lang ay rights, sample: zero tax tsaka mining rights."

"Plus, gumawa ng trading routes pero sa Floria lang applicable yun," sabi ko.

"So, usapang politika, pero ikaw nagsabi noon na wag na paki-alaman ang politics," sabi ni Celine.

"Di ko naman hahawakan eh, bibigyan ko lang sila ng ideya, kung papaano nila gagawin yun, sila na bahala, except this one," sabi ko "sa bansang ang malakas ang nasa itaas, kung pupunta sila sa bansa natin paniguradong magkakaroon ng gulo kahit saan man sila magpunta."

"Tulad nga ng sinabi ni Nekone, may punto ka, pero bilang representative ng Nocturia, anong mapapala namin diyan," sabi niya.

"Ano nga ba," sabi ko "how about 75% off sa mga ores na bibilhin niyo sa <Floria>, since zero tax kami, pwedeng gawin yun."

"So transpo lang ang babayaran, parang ganun," sabi ni Celine.

"Yup, and for Hydroria," sabi ko

"Wala," sabi ni Nekone "kinontak ko ang Reyna Emeralda, at ang sabi niya, malaki ang utang na loob niya sayo, kaya mananahimik ang Hydroria kahit pa na humingi ng tulong ang Mountoria, pero hindi daw nila tatanggihan ang pagbili ng Mountoria sa mga binebenta nila."

"Okay, pakisabi, salamat," sabi ko at tinignan si Celine na nagtaas na ng kamay.

"How nostalgic," sabi ko dahil sign namin yun for give up.

"Alam na ba 'to nina Noir at Luxerra?" tanong niya.

"Ugh... hindi pa," sabi ko at kinontak si Galice at sinabi sa kanya ang balak ko.

'So alam mo na kung anong meron sa palasyo, good thinking, pipikit na lang ako sa binigay mong rason sa gobyerno ng Floria,' sabi niya sakin.

'Meron sa palasyo? Anong meron doon?' tanong ko.

'Hoy, wag mo sabihing balak mo talagang sakupin itong Mountoria,' sabi niya.

'Nakinig ka ba sakin? Sabi ko ayaw ko sa pamamalakad nila kaya sinabi ko na lang yun sa Floria na sasakupin ang Mountoria,' sabi ko.

'Haah... parang ganun na din yun, papayagan kita sa isang kondisyon, papakawalan niyo ang Mountoria matapos maisa-ayos ang pamamalakad nila,' sabi niya.

'O-okay,' sabi ko.

'At sabihin mo ito sa pamahalaan ng Floria, kinukupkop ng palasyo si Cecile, under ng disguise na isa siyang kasamahan ng lupa,' sabi niya 'at etong tagapangalaga ng lupa naman ay si Envy, panigurado nagpapanggap lang siya dahil imposibleng tagapangalaga nga siya, si Rhozanse... hindi ko alam, wala siya sa palasyo,' sabi niya.

'I see... then gagawin ko yan, paano mo nga pala nalaman yan?' tanong ko.

'Matagal na akong buhay, Mark Anthony, may mga tricks kami ni Luxerra sa information gathering,' sabi niya 'di ko sasabihin ang tricks ni Luxerra, pero sakin ay ang Dark Carnage, may mga branch yun sa lahat ng bansa, except sa Hydroria, since solo iyon ni Luxerra tulad na lang na wala siyang branch sa Nocturia; pumunta ka sa may kapitolyo, andoon ang guild house namin.'

'Okay,' sabi ko at pinutulan na ako ng linya ni Galice.

"Kayong dalawa, playtime is over," sabi ko at sinabi sa kanila ang meron sa palasyo.

"Okay, Eriole, alam kong nasa labas ka at nakikinig, anong magagawa ng Nocturia? Full-support o partial-support?" sabi ni Celine at bumukas ang pinto at nasa labas nga si Eriole, kasama sina Lunaria at Mimir.

"Ang magagawa ng Nocturia, considering na may relationship na tayo sa Mountoria, most likely, full-support," sagot niya "pwedeng hingiin ng palasyo ang ulo ni Cecile, at mula sa pananaw ng nasa palasyo ng mountoria ay kasamahan siya ng tagapangalaga ng lupa, hindi nila ibibigay si Cecile."

"Gagamitin ang rason na yun, pwede ring ibigay ng Hydroria ang buo nitong suporta," sabi naman ni Lunaria at naalala kong si Cecile ang nasa likod nung namamahala sa Hydroria noon bago namin mailuklok si Emeralda pabalik sa trono niya.

"Then, sabihin niyo ito kina Alissa, magkakaroon ng digmaan, kung bibigyan ng buong suporta ng palasyo sina Envy at Cecile," sabi ko at agad na lumabas si Lunaria "Mimir, pakitawag nga yung tatay nina Iya at Aya, makikita mo siya sa may pamilihan, nagtitinda ng mga prutas," at sinabi ko sa kanya ang kinalalagyan ng puwesto ng dating hari.

"Okay," sabi niya at sumunod na kay Lunaria.

"Eriole, babalik kami ni Nekone sa Nocturia," sabi ni Celine "ikaw ang in-charge sa grupo ko."

"Masusunod mahal na tagapangalaga," sabi niya at agad na lumabas sina Nekone at Celine.

Soria: World's GuardiansWhere stories live. Discover now