Chapter 170

1.1K 43 4
                                    

Nang tamaan ng aurora colored pillar of light ang summoner ay sumigaw siya at nang mawala ay nakita naming may mga usok na lumalabas sa katawan ang summoner; sunog na ang suot nitong roba kaya nakita na namin ang itsura ng lalaki, at marahil, ang roba ay isang inhibition item kaya nang mawala na ang roba ay nakita ko ang status niya.

Name: Mefist

Level: 999

HP: 99999/99999

MP: 99999/99999

STR: 9999

AGI: 9999

VIT: 9999

INT: 9999

JOB:

<WORLD DESTROYER>

<NECROMANCER>

<SUMMONER>

TITLE: <DEMON GOD> <HARNESSER OF NEGATIVE ENERGY>

"Wow, anong klaseng stats yan," sabi ni Ventus.

"Pero mukhang katulad natin siya, except selyado na siya at naging level 999," sabi ni Eri.

"Does that mean my chance tayo?" sabi ni Nekone.

"What a clichè development," bulong ko "but still thank you for the help," sabi ko para sa nagpakawala ng aurora na yun at may hinala ako kung sino.

"Game, round 2," sabi ni Galice.

Sumigaw si Mefist ng isang war cry at sumugod samin, kumpara sa bilis niya kanina ay bumagal siya.

Sinalag ni Galice ang diagonal slash ni Mefist. Pagkasalag ni Galice sa atake ay sinutok siya ni Eri sa sikmura.

Kumonekta ang suntok ni Eri and upon impact ay tumalon si Mefist upang mapalayo at pagkalapag niya ay biglang may pumulupot na mga ugat sa paa niya.

Hinagis ko sa kanya si <Infernus> na inilagan niya by tilting his head pero distraction ang ginawa ko para makalapit at ginamitan ng isang technique: <Blazing Combo> at pinagsusuntok siya gamit ang naglalagablab kong apoy; after nun ay inilahad ko ang kamay at bumalik sa kamay ko si <Infernus> kaya sinundan ko ang atake ko ng <Brandish Cross> bago tumalon palayo ng iwasiwas ni Mefist ang karit.

"Heeh... down to 990K eh," sabi ni Ventus at nagpakawala na naman ng <Plasma Bolt> habang tinadtad nina Nekone at Luxerra ng magic spells si Mefist.

"Luxerra, salitan tayo," sabi ni Galice at nagtitigan sila.

"Okay, ako na una! Pumarito ka <Ameli>!" sigaw niya at itinaas ang kamay.

May naipong liwanag sa kamay niya na kumorteng palakol at nang mawala na ang liwanag ay napagtanto kong half-correct ako dahil isang halberd ang lumitaw sa kamay niya.

Nagliwanag ang damit niya at naging isang full-metal plate habang may naiipong liwanag at habang may naiipong liwanag ay pinapaulanan namin si Mefist ng magic while binding him with <Shadow Bind>, <Root> or <Fire Rope>, may <Ice Prison> ding kasama at <Sand Pit>.

Nang iwasiwas pababa ni Luxerra ang halberd ay lumitaw uli ang white energy na nakita ko kanina.

"Buti at hindi mo sinira ang lupa," sabi ni Galice nang mawala na ang halberd ni Luxerra at bumalik na sa roba ang suot niya.

"Well makakatakas siya eh," sabi ni Luxerra.

"Haah... haah... lumaban kayo ng patas!" sigaw ni Mefist samin.

"Huh? Bakit namin gagawin yun?" sabi ni Ventus.

"Besides, common sense na gamitan ng bind skill ang mga boss kung wala silang bind resistance," sabi ko at nirenew ang <Fire Rope>.

Giniit ni Mefist ang ngipin bago sinubukang kumawala uli sa bind niya.

Same process lang ang ginawa namin, habang inihahanda ni Galice ang sobrang laki niyang espada na lumulutang sa ere ay pinapaulanan namin ng magic spells si Mefist.

Nabalutan ng itim na aura ang espada ni Galice na naging 16 pieces at lahat ay tumutok kay Mefist. Nabalutan ng itim na energy ang mga espada at ang mga black energy ay tumalsik sa espada in a form of black sword na tumama kay Mefist, nagpatuloy lang ang black sword barrage attack ni Galice for 30 seconds.

Matapos malagyan uli ng bind si Mefist ay itinutok ni Ventus ang espada sa kanya at "<Zephyrus>," bigkas niya at mula sa espada ay isang malaking beam ang kumawala.

Ang damage ni Luxerra ay 300K; ang damage ni Galice ay 600K; ang damage ni Ventus ay 90K; along with the other spells na tumama sa kanya ay bumagsak na sa hundred ang HP niya.

After one final bind ay pumuwesto na kami for sealing, at gamit ang mga <Soul Gem> as replacement ay sinimulan na namin ang sealing.

[•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••]

Sabay-sabay kaming nagbaybay, ang mga sinasabi namin ay salita pero ang lumalabas sa bibig namin ay mga tunog na para bang kami'y umaawit.

Sa bawat katagang binibigkas namin ay nabubuo ang sealing array sa lupa.

"Pagbabayaran niyo 'to," sabi ni Mefist habang tinitignan kami ng masama "sa oras na makatakas ako dito, papatayin ko kayo at sisirain ko ang mundong ito!" sigaw niya sa isang clichè line na sinasabi ng mga villain everytime na matatalo sila by seal.

Nang matapos na sealing array ay may aurora colored chains ang pumulupot kay Mefist at kumunekta sa may soul gem na hawak namin.

Nang lumutang na sa ere ang mga soul gem ay naglabas iyon ng aurora color light, totally erasing the purple hue na meron sa gem.

Nabalutan ng liwanag si Mefist at unti-unting lumulubog sa sealing array habang sinisigaw ng paulit-ulit ang mga isinigaw niya kanina.

Nang lumubog na si Mefist kasama ang mga gems ay nawala na ang sealing array.

"Yun na yun?" sabi ni Ventus.

"Hoy flag bearer! Pagnakatakas agad si Mefist lagot ka sakin!" sabi ko at tinitigan siya ng masama nina Eri.

Dahil sa flag na sinabi ni Ventus ay nag-antay kami doon ng hanggang tatlong oras.

"Tara na, uwi na tayo, kung lumitaw uli siya, labanan na lang uli natin," sabi ni Celine.

"Hindi na tatalab ang same tactic sa kanya next time," sabi ni Galice at naglakad na palabas na agad naming sinundan

"Pero alam mo, naawa ako sa kanya, hindi na siya nakagalaw ng magamitan ng bind," sabi ni Eri.

"Siya lang ang final boss na nagagamitan ng <Bind> spell," sabi ko at tumingala sa kalangitan na makikita sa courtyard.

Wala na ang cloudy sky at naging fair sky na iyon, tumahimik din ang paligid.

Agad naming pinuntahan sina Lyfa at Mimir at nakita namin sila kasama ang mga nakaluhod na demons.

"Uhmm... sumuko sila at hindi namin alam ang gagawin," sabi ni Lyfa.

"Hmm... wala na bahid ng galit sa mga mata nila, yup, pwede na silang tumira dito, ituring niyo na lang silang reincarnated," sabi ng isang batang nakaputi na biglang sumulpot sa kungsaan.

======================================================

Author's Note:

I pity the boss, di na nakakilos... pero seriously, sa lahat ng mga games na may kung anong hiwaga ang mangyayari para mapahina ang kalaban, hindi nila inaalis ang bind resist, bakit kaya?

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon