Chapter 103

1.2K 62 0
                                    


"Lyfa, yung mga naulila, dalhin mo doon sa may ampunan," sabi ko.

"Ampunan? Akala ko ba tayo ang mag-aalaga?" tanong niya.

"Oo nga, tayo nga, pero naalala mo yung mga iniligtas ko noon na muntikan na maibenta sa black market?" tanong ko "nilagay sila sa gusaling tinitirahan nung mga hydrorian at naging isang ampunan."

"Ahh... Okay," sabi niya.

"Mimir, sinabihan ko na si P-kniht paukol sa kanila kaya ikinuha tayo ni Adelaide ng isang buong posada," sabi ko tinutukoy ang mga shrine maidens.

"Saan ka?" tanong ni Luxerra.

"Sa palasyo, pinapupunta ako," sabi ko at matapos sabihin ang pangalan ng posada ay agad akong nagtungo sa may palasyo.

Nang makarating ako sa palasyo ay agad akong sinalubong ng limang heneral at dinala sa isang kuwarto.

"Mga senador, nais kong ipakilala sa inyo ang, tagapangalaga ng apoy na pumoprotekta satin at pinapaunlad ang ating bansa," narinig kong sabi ng hari sa loob at nang bumukas na ang pinto ay agad akong pumasok at nakita ang gulat sa mukha ni Earl Lankars.

'Anak ng... wala nga akong alam sa politika eh,' sabi ko sa isipan 'bahala na nga.'

"So, anong meron?" tanong ko "pero bago mo sagutin tanong ko, Earl Lankars," tawag ko.

"P-po!" ani niya.

"Paumanhin at hindi ko naisalba ang <Town of Herling>," sabi ko.

"W-wag mo pong isipin iyon, natanggap ko na po ang ulat mula kay Zeke; isang skeleton dragon, isang bagong halimaw ang biglang lumitaw at inatake ang bayan, lalo na't may kakayahan itong sumpain ang lupa."

"Ngayon, Tagapangalagang Mark, ang pinagpupulungan ngayon ay ang paukol sa civil war na nagaganap sa Nocturia," sabi niya.

"May balita na ba sa kanila?" tanong ko.

"Nasa tagilid silang sitwasyon kaya pinagpupulungan namin ang pwedeng gawin, magpapadala ba kami ng mga katulong o hahayaan na lang sila dahil hindi naman sila humihingi," sabi ng hari.

"Ano ang desisyon?" tanong ko at tinignan ang anim na senador sa loob ng silid.

"Hati ang desisyon," sabi ng hari.

"Bakit?" tanong ko.

"Ang payag sa pagpapadala ng tulong ay may rason na dahil sa kanila ay tumaas ang mga kalidad ng gamot at nagagawa ng makakuha ng mga halaman na doon lang nakukuha," sabi ng Hari.

'Kung sabagay, dahil sa pagtutulungan ng asosyason ng mga mang-gagamot ng dalawang bansa, dahil sa pinagsamang paraan ay nagkaroon na ng <Life Potion> isang potion na parehong pinabibilis ang pag-galing ng sugat at nagbabalik ng MP,' sabi ko sa isipan.

"At ang tutol naman ay may rason na kung tutulong tayo ay mas lalong lalaki ang agwat ng mga galit sa mga Floriano dahil sa pinatay ang mga kamag-anak nila," sabi ng hari.

"Okay, so hihingiin niyo ang opinyon ko?" tanong ko sabay buntong-hininga "kaya ayaw ko sa politika eh, may madaling sagot ayaw tignan."

"May mga adventurers diba?" tanong ko "may mga Hybrids diba?" tanong ko at naliwanagan ang mga tao sa loob.

"Uupa tayo ng mga hybrid adventurers?" tanong ng isang senador "pero ayon sa mga ulat, masyadong mababa ang tingin nila sa mga hybrid—"

"The more reason para umanib ang mga hybrid sa kanila," putol ko "alam mo ba, sa Nocturia, pinapatay ang mga hybrid," sabi ko at napansing nanlaki ang mga mata ng hari kaya naalala kong may apo siyang hybrid "ang turing kasi sa kanila ay anak ng halimaw at tao," sabi ko "ngayon kung mananalo ang rebel army, aatakihin nila tayo, pero dahil hindi anib si Celine sa kanila matatalo lang sila," sabi ko "favorable pero mag-uugat lang yun ng never ending war, anyway nag-digress na, so ano na ang magiging estado ng mga hybrid? Two choices, either maging alipin since alam na ng lahat na tao din tayo or, bumalik sa dati at patayin sila, at dahil hindi nila isusugal ang buhay nila at uri ng pamumuhay nila, aanib sila ngayon sa palasyo," sabi ko at biglang napuno ng mga remarks na puro praises, at ilang nagsasabi na bakit hindi nila naisip iyon at isang senador na nagtanong ng:

Soria: World's GuardiansWhere stories live. Discover now