Chapter 26

2.4K 130 0
                                    

"Lyfa, at three o'clock!" sigaw ko kaya agad pinana ni Lyfa ang isang mala-lynx na halimaw sa kanan namin.

"Tch, ba't mo kasi binunot yung mandragora!" reklamo ni Zedrick sakin.

"Malay ko bang mandragora yun!" sabi ko.

THREE HOURS EARLIER

"Hmm... So may nakikita kang map," sabi ni Eriole nang ma-open ni Lyfa ang nangyari kanina.

"Oo, nakikita ko rin kayo kasi nasa party tayo," sabi ko "tapos nung nasa Floria pa tayo, nakikita ko rin yung mga halimaw as red dots pero ngayon, mangilan-ngilan lang ang nakikita ko."

"Baka kailangan alam mo yung mga halimaw," sabi ni Zedrick.

"Theory ko rin yan," sabi ko.

"Matagal ko na nga pala gustong itanong 'to, ba't tayo naglalakad?" tanong ko kay P-knight.

"Kasi bawal sa barko ang chirtso, pinaliwanag ko na yan, di ka nakikinig ano," sabi niya na direkta kong sinagot ng hinde, sasagot na sana siya pero kumulo ang tiyan ni Adelaide.

"P-paumanhin," sabi ni Adelaide na pulang-pula ang mukha sa kahihiyan.

"Halina't mananghalian," sabi ni Eriole kaya humanap kami ng malilim na lugar para doon kumain.

Matapos makakain ay nagpatuloy na kami sa paglalakad, pinapatay na rin namin ang mga nakakasalubong na halimaw at kinukuha ang mga pwedeng magamit sa halimaw.

"Hmm... katulad 'to nung pinadala nung elder oh," sabi ko sabay bunot sa isang halaman na nakita sa tabi at biglang...

"AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!" narinig naming sigaw na katulad ng sa isang banshee kaya nabitawan ko ang halaman at nagtakip ng tenga.

"ANO BINUNOT MO?" tanong ni Eriole at sasagot na sana ako pero biglang sinugod kami ng mga halimaw.

"<ping pong mama bolt>!" sabi ko at pinatamaan ang halimaw na nagawang makapasok sa area of responsibility ko: ang buong harapan ng pwesto namin.

"Lirkia!" sigaw ni Adelaide at nagkaroon ng manipis na barrier like magic sa paligid namin.

"Haah..." buntong-hininga ko.

"Hindi tatagal ang barrier na yan," sabi ni Adelaide at tinignan namin ang paligid. Patuloy ang mga halimaw sa pag-atake pero tumatalsik sila dahil sa barrier.

"Andami naman kasi," sabi ko at binunot ang esapada sa likod-bewang.

"Ilan ang kaya mo?" tanong ni P-knight.

"Mga around 50%?" patanong kong sagot.

"Pwede na yan bago pa sila magtawag ng panibagong mga halimaw," sabi ni P-knight.

"Then, on count of three?" tanong ni Adelaide na tinanguan namin.

"One," bilang niya at lahat kami ay naghanda sa pagsugod sa kanila.

"Two," pagpatuloy ni Lyfa sa bilang kasabay ng hila sa string ng pana.

"Three!" sabay-sabay naming bigkas kasabay ng pagbasag ng barrier.

Agad kong pinaghihiwa ang leeg ng mga halimaw, may mga naputulan ng ulo, may mga bumagsak lang dahil sa kawalan ng dugo.

Matapos ang halos kalahating oras ay sa wakas napaslang na namin ang mga halimaw, may mga natamo kaming sugat pero uminom kami ng antidote at potion, ginamitan din kami ni Adelaide ng healing magic upang hindi mag-iwan ng peklat.

"Haah... Haahh... dito na tayo magkampo," suhestiyon ko nang makita ang nagkalat na halimaw na kukuhaan pa namin ng kung ano mang mapapakinabangan.

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon