Chapter 11

3.3K 197 3
                                    

"Huh? Matatalinong halimaw?" di ko makapaniwalang tanong dahil sa narinig.

"Oo, matalinong halimaw, mga halimaw na gumagawa ng taktika, nakakagamit ng mahika,at kung ano-ano pang maaring gawin nating mga tao," sagot ng hari.

"Ano ang mga itsura nila?" tanong ko at sinabi sakin ang itsura nila, which is descriptions ng: elf, dwarf, fairies, at demi-humans, yung katulad sa mga baasahin, mga taong may tenga at buntot ng isang hayop.

"Yung mga demi-humans, makikita mo na sila ngayon sa bar, dahil hinuhuli ang mga babaeng halimaw para ipalit sa mga prostitutes, lalo na't magaganda sila." sabi ng tatay nina Adelaide na para bang nabasa ang isipan kong ninanais na makita yung mga demi-humans kahit isang beses lang.

'Pero ang weird, normally sa mga games and novels, ang mga elf, fairies, dwarfs at yung mga taong may tenga at buntot ng hayop ay nasa human race category... pero dito nasa monster race sila... hmm...' sabi ko sa isipan at gumawa ng mental note na hanapin yung mga monster race na yun.

"Mark," tawag sakin ng tatay nila Adelaide

"Bakit?" tanong ko

"Napansin kong nasa likod bewang mo ang espada ng tagapangala, maari bang malaman kung paano mo nakuha ang espada?" tanong ng hari.

"Nabili ko ito sa isang tindahan," sagot ko

"Kung gayon, maari mo bang isauli iyan?" tanong ng hari "papalitan ko ng isang magandang espada-"

"Mahal na hari, kung napunta sa kanya, maaring pinili siya ng espada, tulad nga ng sabi ng lolo, hindi porke't espada ito ng tagapangala, ibig sabihin mga tagapangalaga lang ang makakagamit, tignan mo si Zeke, nagagamit niya ang espada pero hindi siya tagapangalaga," sabi ng tatay nila Adel at tumango-tango ang hari.

Nais ko sanang magsalita pero biglang nagiba ang paligid at napunta ako sa isang sanga ng puno. Mula doon, pinagmamasdan ko ang pagmartsa ng ilang libong goblin, ang iba sa kanila ay mga <Elder Shaman Goblin>, ang iba naman ay mga <Chief Goblin> at ang iba ay may mga hawak na pana. Nagmamatsa sila patungo sa direksyon ng <Pyr City>, at nang mapansin ako ng isang goblin na may pana ay agad niyang inihanda ang panang hawak, agad akong lumipad palayo kasabay ng pagpakawala ng palaso.

"Mark!" tawag ng tatay nina Adel, bringing me back to reality. Napahawak ako sa ulo ko, thinking deeply kung ano yun nang maalala ko an g utos kay <Ifrit> kaya agad kong binuksan ang <Status> niya at nakita kong:

Pet Name: Ifrit <Resting>

Type: Phoenix

Level: 20

Attribute: Flame

STR: 900

AGI: 1000

VIT: 500

INT: 900

SKILLS:

<BREATH OF FLAMES>

<INFERNO>

<GIGA CURAGA>

<FIRE WALL>

<HELLWAVE>

Pinindot ko ang <Resting> at lumabas ang dahilan kung bakit nagkaganon, namatay ang familiar at hindi matatawag hanggang sa mawala ang resting status.

"... Ihanda niyo ang mga sundalo," sabi ko

"Ha?" tanong ng tatay nina Adelaide

"IHANDA NIYO ANG MGA SUNDALO! PAPALUSOB NA ANG MGA <Goblin>!" sigaw ko at nagging seryoso ang mukha ng tatay nina Adelaide samantalang puno ng pagtataka ang mukha ng hari.

Soria: World's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon