Chapter 73

1.2K 78 0
                                    


"Kaya mo pa?" sigaw sakin ni Mimir pagka't alam niya ang MP cost ng super skill ko.

"Medyo!" sagot ko sabay inom ng MP recovery habang palipat-lipat sa mga bato sa tuwing nasisira ng halimaw ang tinataguan ko 'punyemas naman, akala ko OP na ako may mga halimaw pa palang hindi ko matalo-talo,' reklamo ko sa isipan habang umiinom ng MP potion na lasang pepsi cola.

"<Aqua Bolt>!" gamit ni Mimir sa isang basic spell at mula sa palad niya ay isang bolt na yari sa tubig ang lumabas na siyang inabsorb ng halimaw.

"Mimir!" sigaw ko dahil paniguradong nadagdagan ang HP niya dahil nawala ng bahagya ang usok nito sa katawan.

"Paumanhin!" sigaw niya kasabay ng paglipat ko sa isa pang bato.

"<Neptune>!" narinig ko ang isang pamilyar na boses kaya sumilip ako at nakita, salamat sa mga lagablab na natira sa spell ko, si Nekone.

"May kalaban dito?" tanong niya at umungol ang halimaw.

'Pamilyar niya?' tanong ko sa isipan.

"Asaan?" tanong niya at binugahan uli kami ng tubig pero imbis na sunod-sunod na para bang bomba ng tubig, bola lang yun na tumama sa batong tinataguan ko at sa tinataguan ni Mimir "dalawa lang ha, malakas sila kung nagawa nilang makatagal," sabi niya.

"Kayo! Asaan si Mark Anthony! Anong ginawa niyo sa kanya!" sigaw ni Nekone at narinig kong gumalaw si Mimir, may nalaglag na kung ano, at pagkasa ng baril.

"Anong kailangan mo sa kanya?" tanong ni Mimir kaya sumilip ako at nakitang hindi pa tumatayo si Mimir.

'Base sa sinasabi niya, hindi niya pa alam kung nasaan siya,' sabi ko sa isipan 'susubukan ko pa ba siyang pilitin?'

"Nandito ako para iligtas siya sa -"

"Hindi ako dinukot Nekone," sabi ko sabay tayo at umangil muli si <Neptune>.

"<Neptune>," saway ni Nekone "paanong hindi ka dinukot?" tanong niya.

"Sad to say pero hindi ko pa pwedeng ipa-alam, more importantly, paano mo nalaman na nandito ako?" tanong ko.

"Friend tayo diba? Sa icon ng friend, meron doong dalawang option pagpinindot mo ang pangalan, <Connect> na kung saan pwede ka makipag-usap via telepathy; at <Track> kung saan ipapakita sa isang map like window na lalabas sa paningin mo," sagot niya na agad kong ginawa at napatunayang totoo.

"Damn, tara sa labas, doon tayo mag-usap." sabi ko at ini-unsummon niya ang pamilyar.

"Tara, may kailangan rin akong sabihin sayo," sabi niya at tinignan si Mimir.

"Mimir, sumunod ka samin," sabi ko.

Naglakad kami palabas at habang naglalakad ay nakikita ko ang mga nagkalat na mga kasamahan, mga walang malay. Nang makarating kami sa labas ay:

"Ikaw ang may gawa dun sa sinasabing brothel sa may siyudad ng <Albetra>?" tanong niya.

"Oo," sagot ko.

"Bakit mo ginawa iyon?" tanong niya uli.

"Mimir, nasa iyo pa ang catalouge?" tanong ko at binigay niya sakin ang libro na agad kong binigay kay Nekone.

"Ano to?" tanong niya at binuklat ang libro at inisa-isa ang pahina.

"Listahan nila ng mga binebenta, kung ayaw mong maniwala, bakit hindi mo sila tanungin?" sabi ko "makikita mo ang iba sa kanila sa mga bayan ng ..." at sinabi ko ang mga bayang pinag-iwanan sa kanila.

"Lahat sila nasa bayan na iyon?" tanong niya sakin habang nakatitig lang sa isang pahina.

"Hindi lahat, may mga kamag-anak sila doon, at yung iba naman, doon na nagnais tumira," paliwanag ko "yung mga naiwan sa pangangalaga ko, pinadala ko sa Floria nang hindi madawit sa gulo dito."

"Ang batang ito, asaan siya?" tanong niya at pinakita sakin ang larawan ni Freyja.

"Nasa barko papuntang Floria, at wala akong balak pabalikin siya rito, dahil maaring gumaling siya doon," sabi ko.

"Ano nangyari sa kanya?" sabi niya.

"Nasiraan ng bait..." sagot ko at naikuyom ang mga kamay na siyang hinawakan ni Mimir kaya napatingin ako sa kanya na nginitian lang ako.

"Yun lang ba ang kailangan mong sabihin?" tanong ko at napansing umiiyak siya.

"Sorry... Sorry..." mahihina niyang salita.

"Nekone," sabi ko at hinimas ang likod niya.

"Sabihin mo nga, ba't ka umiyak?" tanong ko nang mahimasmasan siya, nakaupo kami malapit sa entrance, at napapansin ko ang mga sundalo ng rebel army, naghahandang umatake kaya naman nagbibigay si Mimir ng wait sign.

"5 weeks ago, may nagbalak na patayin ako out of rage and revenge; nahuli siya at kinulong," paliwanag niya "of course, tinanong ko siya kung ano ang dahilan at ang sinagot niya ay: dahil sayo kaya nagkaganun ang kapatid ko, papatayin kita upang mapagbayaran mo ang ginawa mo sa kanya."

"Tapos?" tanong ko.

"2 weeks ago, binitay ang lalaki, at ang larawan na ito ang palagi niyang tinitignan," sabi niya at mula sa crsytal ng wand niya ay naglabas siya ng larawan. Larawan iyon ng isang mag-anak, at nakita ko doon si Freyja "ang batang iyan, ay kabilang sa mga nasagip ko nang may umatakeng halimaw, nasira ang bayang tinutuluyan nila dahil sa mga halimaw at pinangako kong ipapadala sila sa isang masayang lugar," dugtong niya at naalala ko ang sinabi nung bata bago ko sila ipadala sa Floria.

"In other words, nagkaroon ka ng guilt feeling dahil sa sinabi nung lalaki, at sa sinabi ko?" tanong ko at tumango siya "atonement gusto mo?" tanong ko.

"Of course!" sabi niya sabay tingin sakin.

"Hideout ng rebel army ang pinasok mo," sabi ko at nakita ang gulat sa mukha niya "napag-alaman ko kasi na pag-aari iyon ng palasyo at iyon ang pangunahing pingkukuhaan nila ng pera para sa giyera," sabi ko.

"Kaya pala..." narinig kong bulong niya.

"Tara sa loob," sabi ko at tumayo.

"Tapos umanib sa inyo?" tanong niya.

"Nasa sa iyo," sabi ko "pero sana ilihim mo ang lokasyon," dugtong ko at pumasok na sa loob na siyang sinundan niya.

Nang makarating kami sa kampo ay agad siyang tinutukan ng mga baril, pana at mga wand na kung saan fire-ready na ang mga may hawak.

"Saglit lang," sabi ko at lumapit si Heneral Luna.

"Anong ginagawa mo, ba't mo dinala dito ang tagapangalaga ng tubig?" nanggigigil niyang tanong sakin.

"Tara, wag tayo dito mag-usap," sabi ko at dinala ko sila sa pahingahan namin.

"Ngayon, sabihin mo ang dahilan," utos ni Heneral Luna.

"Ganito yan, to make it short, narealize na niya ang mali niya at naghahanap ng atonement," sabi ko at taas kilay akong tinignan ni Heneral Luna "haah... kayo na nga ang mag-usap," sabi ko at naupo sa bunk bed na naroon at pinakinggan silang mag-usap.


Soria: World's GuardiansWhere stories live. Discover now