Chapter 62

1.6K 96 1
                                    

"Ibig sabihin, dahil sa naging alipin ng tagapangalaga ikaw, prinsesa Lunaria kasama ang reyna at ang iba pang prinsesa ay hindi tayo matutulungan at sa halip ay ang hari ang matutulungan nila?" sabi ni Heneral Facio.

"Ganun nga ang mangyayari," sabi ko.

"Kung gayon, laking pasalamat ko sa nangyari," sabi ni Heneral Luna "alam kong ngayon lang kayo dumating ngunit kailangan ko agad kayong gumalaw, meron kaming deposito ng mga crystal sa <Oceanus> dahil sa pagmamadali, hindi namin nakuha ang mga ito, kaya naman napilitan kaming gumamit ng mga pana."

"Asaan ang mga crystal?" tanong ni Lunaria.

"Teka saglit, para saan yung mga crystal?" tanong ko at tumayo si Heneral Luna at mula sa isang crate ay may kinuha siyang gamit na ikinabigla ko talaga, isang <Double Barrel>.

"Para dito, iniwan ito ni Sir Cross, tagapangalaga ng lupa nung ika-siyam na henerasyon, kinakailangan ang kolaborasyon ng Mountoria at Hydroria para mabuo ito, ang mga crystal ay ang bala nito, ngunit simula nang maputol ang ugnayan libong taon na ang nakalipas, naputol ang produksyon nito dahil sa kakulangan ng metal kaya kahit may blueprints kami ay hindi namin magawa," sagot ni Heneral Luna.

"Gaano karami ang ganyan niyo?" tanong ko at itunuro sakin ang mga crates pero ang nakita ko lang ay sampung double barrel at limang springfield sniper rifle "pahingi ako isa sa oras na makuha na natin ang crystal," sabi ko at tumango ang heneral.

"Ngayon balik na tayo sa pagplaplano, ang deposito ng mga crystal ay nasa ilalim ng city hall," sabi niya.

"City hall huh," sabi ko "gaano ba kalayo yun?" tanong ko at hinahanap ang <Oceanus> "huh... seryoso?" tanong ko ng makita sa mapa ang <Oceanus> "sa kapitolyo kayo nagtatago?"

"Walang makakaisip na sobrang lapit ng pinagtataguan namin hindi ba," sabi ni Heneral Luna kaya napa-iling na lang ako dahil iyon mismo ang example ng salitang hidden on the least expected place.

"Okay, aalis kaagad kami," sabi ko.

"Isa lang sa inyo ang pupunta-"

"Tapos uutusan mo sila sa ibang misyon? Hindi ako makakapayag, ako ang pinuno nina Lyfa, Mimir at Princess, gayun na din ang mga susunod na ipapadala ng bansa, alipin ko si Lunaria, at hindi ako papayag ng mahiwalay ang kahit isa sa grupo namin ng walang pahintulot ko," sabi ko.

"Pero-"

"Alam mo ba ang battle experience nila?" tanong ko sa kanya "sinabi kong tutulong kami, pero hindi magpapailalim sayo," dugtong ko at napatingin sakin si Princess dahil taliwas iyon sa plano mg reyna.

"Kung gayon, ilalahad ko sayo ang mga misyon na gagawin niyo, kaya maiwan ka rito," sabi ni Heneral Luna tumingin sakin si Lyfa na tinanguan ko lang bago sila umalis.

"Ano-ano ang mga kailangan naming gawin?" tanong ko.

"Kailangan niyong gawin maliban lang sa kuhain ang mga crystal ay nakawin ang deposito nila ng mga baril, kasalukuyan, kasama ang mga nandito, merong naitalang sinkuwentang gumagana pa hanggang ngayon," sabi niya "kailangan ding sabutahin ang pamilihan na nasa ilalim ng palasyo para bumaba ang war funds nila; kakailanganin ding sabutahin ang barracks nila."

"Teka, papaano mo naman sisirain yung pamilihan eh-"

"Brothel ang tinutukoy niya, sapilitan silang kumukuha ng magagandang babae, ite-train nila tapos isasabak sa pamilihan, iyan ay ayon sa ulat ng isang informant," sabi ni Heneral Facio.

"Tapos okay lang sa tagapangalaga niyo 'to?" tanong ko.

"Tulad ng sinabi ko, puppet ng hari ang tagapangalaga," sabi ni Heneral Luna.

"At yung sa barracks?" tanong ko.

"Hinahayaan nilang atakihin ng mga halimaw ang mha bayan, magpapadala sila ng mang-aalipin at pwersahang gagamitin bilang sundalo, kung babae, diretso sa pamilihan," sagot niya.

"Asaan yun?" tanong ko "pareho."

"Ang pamilihan ay nasa siyudad ng <Abeltra> isang port city," sabi ni Heneral Facio.

"Ang barracks naman ay nasa <Atlantis>" sabi ni Heneral Luna.

"Isang tagapangalaga ang nagpangalan sa <Atlantis> ano?" tanong ko habang hinahanap ang dalawa sa mapa.

"Oo," sagot ni Heneral Luna "at ang deposito ay siyudad ng <Morroko>."

"Iyon lang?" tanong ko at nang tumango sila ay sinabi ko na ang opinyon ko "since nais niyong kunin kagad ang deposito ng mga crystal ay gaawin ko agad iyan, ako na mismo, tapos ang barracks ang mas importante, kailangan lang patayin ang may hawak tapos laya na sila at maari pang maging miyembro natin, hindi ba? at sa pamilihan... okay, pwede kaming maghiwa-hiwalay pero ipapa-alam ko muna sa kanila 'to," sabi ko at lumabas na.

"Ipadala mo ako sa pamilihan," bungad-sabi sakin ni Lyfa ng lumabas ako ng tent.

"Masama ang pakikinig," sabi ko at hinimas saglit ang ulo niya bago naglakad palayo sa tent.

"Hindi ko kasalanan, malakas ang limang senses ko," depensa niya.

"Okay, naniniwala ako sayo, Saan nga pala kayo tumutuloy?" tanong ko.

"Iyon ang orihinal kong pakay kaya ako nandoon sa harapan ng tent," sabi ni Lyfa at inihatid ako tent na pinagpapahingahan nila.

****************************************************************************************

"So yun, ang balak ko ay... si Lyfa at si Mimir ang sa pamilihan, mag-iingat kayo at pagnahuli kayo alam niyo na ang sasapitin niyo, at Mimir, ihanda mo na ang sarili mong kumuha ng buhay," sabi ko sa nakayukong si Mimir, halata sa pamginginig ng katawan na kinakabahan "Lyfa, aasahan kita," sabi ko.

"Okay," sabi ni Lyfa at nakita ko nanaman ang galit sa mga mata niya, siguro dahil naalala niya yung mga nangyari sa kanya noon.

"Princess, Lunaria, kayong dalawa sa may barracks, since may chance na sumali sila dito, hanggat maari yung opisyal lang ang patayin niyo para makawala lahat ng hawak niyang alipin," sabi ko.

"Hindi ko alam na may ganitong ugali ang tagapangalaga," sabi ni princess.

"Nasa giyera tayo, imposibleng walang casualty, kaya hanggat maari, wag kayong tatapak sa casualty side," sabi ko at tumango sila "biglaan, alam ko pero, MOVE OUT!"

"ROGER!" sabi nilang sabay-sabay at naghanda sa misyon nila

Bumalik ako sa may commander's tent at nakita doon si Heneral Luna, inulat ko sa kanya na kikilos kaagad kami tapusin lang ang preparasyon, matapos ang ulat ay bumalik ako sa tent namin at nakitang ayoa na sila kaya sabay-sabay na kaming nagtungo sa entrance ng kweba bago naghiwa-hiwalay patungo sa kanya-kanya naming misyon.



Soria: World's GuardiansWhere stories live. Discover now