Chapter 171

1.6K 58 3
                                    

"Mark!" tawag sakin ni Galice "may anomaly sa <Serinia>, ikaw na bahala."

"Kung sa <Serinia> inayos na ni Nekone ang anomaly," sabi ni Luxerra.

"Asaan si Ventus!" sigaw ni Eri.

"Somewhere sa lupa," sagot ni Celine.

"Haah... may pupuntahan lang ako saglit," sabi ko at tumayo na.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Eri.

"Sa <Valhalla> may bagong register," sabi ko at lumabas na ng office.

Nang araw na lumitaw yung bata, mali ang Creator ayon kina Galice at Luxerra, ay binigyan niya kami ng isang bagong duty, ang alagaan ang iba pang mga gawa niyang mundo dahil sa nanghina ang Creator sa sealing at magpapahinga muna sa earth na siyang pinagmulan namin nina Nekone.

Dahil apostle rank lang kami, ayon kay Ventus na siyang nagbigay ng mga pangalan sa ranks, nung bigyan kami ni Creator ng bagong trabaho ay pinataas niya ang rank namin at ngayon ay isa na kaming mga gods second only the Creator father para maalagaan din namin ang ibang mundo pero ang ginawa Niya ay sobrang dami, kasing dami ng mga bituin sa langit kaya naman ang hawak pa lang namin ngayon ay 0.0001% ng total na ginawa ng Creator.

Nung maging Administrator, yun ang tawag ko sa current position namin, ang una naming ginawa ay ayusin ang Soria, literal na ayusin. Binago namin ang settings, gumawa ng isang realm na konektado sa mundong iyon, all for one reason: ang muling pag-selyo kay Mefist at lahat ng mga nakatira sa realm na yun ay tinawag naming <Valkyrie>, mula sa norse myth na ang ibig sabihin ay god's warrior ayon kay Ventus, na mula sa mga kaluluwa ng mga namatay sa Soria.

Matapos naming gawin yun ay pinabayaan muna namin ang realm, pinadami ang mga <Valkyrie> at habang inaantay na matapos ang pagpapadami ng <Valkyrie> ay inaasikaso namin ang post-war treatment ng soria.

Nung final battle ay maraming namatay kaya marami din ang naging instant valkyrie pero kulang yun. Kabilang sa mga namatay ay ang hari ng Floria, si Xian, si Calyx, si Zedrick, Si Mira, Si Freyja, si Adelaide na nagkatotoo nga ang death flag, at ilan pang nameless soldiers and adventures.

Matapos ang post-war treatment ay gumawa kami ng <Office> isang hidden world kung saan pwede naming panuorin ang mga nangyayari sa ibang mundo. Dun din kami nakatira, at dun din napupunta lahat ng mga namamatay.

At ngayon, milyong taon na ang lumipas.

"Oi, Ventus, hinahanap ka ni Eri," sabi ko nang makasalubong ko siya.

"Ah, shit, yung iniwan ko!" sabi niya at tumakbo na.

Simula nung naging admin na kami, hindi na namin kinailangan na kumain, matulog or magpunta sa banyo dahil <Faith> ang kailangan namin at makakaramdam na kami ng kabusugan. Nakadepende sa authority setting namin ang nakukuhang faith, sa madaling salita, mas maraming authority, mas madaming faith, always full stomach, problema lang ay yun din ang mga kailangan mong trabahuhin at ang hawak ko ay: Fire Element; Education; Business; Cuisine; Death; Fear; Reincarnation; War; Children, yun ang mga hawak ko kaya always full stomach ako, kaso lahat yun tatrabahuhin ko, by the way, naging admin din sina Lyfa at Mimir, although lesser compared samin, ang hawak ni Lyfa ay Marriage, Child Birth, Child Rearing and Housekeeping; as for Mimir, ang hawak niya ay Love, in so many meanings.

"Mark!" tawag sakin ni Lyfa nang makita niya ako sa pasilyo ng office "tara, relax tayo," yaya niya.

"Sure, pero after nito," sabi ko.

Kahit na naging admin na kami at hindi na kinakailangang kumain, matulog at magpunta sa banyo, nagkakaroon din kami ng stress at para mawala yun ay nagrerelax kami once every thousand years, at kahit na relax ang gagawin lang naman namin ay pumunta sa world na gusto naming pagbakasyunan, mag-iwan ng soul fragment doon at once na mamatay ang soul fragment na iniwan namin, babalik samin ang soul fragment along with the memories we did in there, pero may mga times na talagang libre kami kaya nagagawa naming mamuhay sa mundo na iyon in literal meaning .

"Saan ka pupunta?" tanong niya sakin.

"Sa room na yun, nagtatawag ng mga hero ang mga bansa, seriously, nakalimutan na nila tayo," sabi ko.

"Hindi naman nila tayo nakakalimutan, sinasamba nila tayo, million years na ang lumipas simula nung huli tayong bumaba," sabi ni Lyfa na nagpabuntong-hininga sakin.

"Anyways, asaan na nga pala yung mga bata?" tanong ko.

"In vacation, pero si Celes, nasa tabi nanaman ni Byakko," sagot ni Lyfa.

"Saan? doon sa kabila ng Soria?" tanong ko at tumango si Lyfa.

"Aantayin na lang kita dito," sabi ni Lyfa at pumasok na ako sa kwarto na madalas naming ginagamit para makipagkita sa mga heroes during their summoning at nakita ko doon ang isang pamilyar na lalaki.

'... Mukhang kailangan kong ipadala tong kumag na ito sa ibang mundo na tahimik at magagalit siya sakin,' sabi ko sa isipan kinausap na ang lalaki, binigyan siya ng cheats, binura ang memorya niya about sa lugar na ito at pinadala sa isang mundong pinapangalagaan nung babaeng yun bago lumabas.

"Tara na, okay na," sabi ko at umalis na kami at bumisita sa isa sa mga mundong ginawa namin para magawa na ang ika-sampu namin.

Soria: World's GuardiansWhere stories live. Discover now