Prologue

56.3K 1.3K 254
                                    

Prologue


Kapag minalas kang tamaan ng pag-ibig, hindi ka na makakatakas dito. Noong bata ako hindi ko inisip na darating sa buhay ko na magkakagusto ako, na titibok ang puso ko, na magmamahal ang isang tulad ko. Nagkagusto na rin ako sa isang lalaki, crush lang iyon pero nasaktan ako nang malaman kong may iba siyang gusto. Kaya naman nakakatakot din ang umibig o magmahal. Kasi wala kang kasiguraduhan kung kanino titibok ang puso mo, at kung taong napili ng puso mo ay pareho ng nararamdaman mo. Sana nga may school din para sa mga puso para matuto sila kung sino ang dapat piliin at mahalin, para naman hindi na tayo masaktan.

Ako si Amiko Gonzales, at hindi ako isang ordinaryong tao. Base sa anyo ko lahat ng tao nilalayuan ako. Lahat ng tao kinatatakutan ako. Hindi ko alam kung bakit ganon ang turing nila sa akin. Isang kakaibang nilalang. Isang nakakatakot na nilalang. Wala naman akong ginagawa sa kanila pero inaakusahan nila ako base sa nakikita ng kanilang mga mata.

"Hala? Nakakatakot talaga siya." Huminto ako sa paglalakad nang marinig ko ang sinabi ng isang batang babae. Pauwi na ako sa bahay at tahimik lang naman akong naglalakad.

"Oo nga, she looks like the girl we've watched lately, what is her name again?" Sabi naman ng kasama niya.

Bagsak ang katawan ko habang nakatayo lang ng tahimik at nakayuko. Nakaharang pa ang magulo at mahaba kong buhok sa aking mukha.

"You mean that Sadako? Oh! Every time I heard that name I'm shaking! She's so scary!" Maarteng litanya ng naunang magsalita kaninang babae.

"Me too." Pag sang-ayon naman ng kasama niya.

Habang nakayuko ako, seryoso lang aking mukha. Ramdam ko rin ang inis pero tama naman sila. Kanino pa nga ba maikukumpara ang tulad ko? Kundi sa sikat na horror character na si Sadako.

Patuloy lang nila akong tinignan na para silang nakakita ng multo, na para silang nasa loob ng sinehan at nanunuod ng "The Ring 3D" dahil nasa harap nila ako. Okay? Multo na? Sige! ipapakita ko sa inyo. Marahan kong pinaling ang tingin ko sa kanila't hinawi ng kaunti ang aking nakaharang na buhok. Pagkakita nila sa akin, pinanlisikan ko sila ng mata. Kitang kita ko kung paano manginig at magsisikan silang dalawa. Lumapit ako sa kanilang dalawa at tinignan ng masama. Ginagaya ko pa ang ginagawa ni Sadako na parang nangingisay habang gumagapang sa sahig palabas ng TV. Umurong naman sila habang nanginginig ang tuhod sa takot.

"Hey? Are you going to eat us?" Mangiyak-ngiyak na tanong nong isa. Tumango naman ako at nginitian sila ng nakakatakot.

"HELP!" Malakas nilang sigaw.

Pagkasigaw nila. Napaayos ako ng tayo at nataranta at nilingon-lingon ang buong paligid. Nang may makita akong lalaking parating ay dali-dali akong tumakbo ng mabilis. Ang nakakainis lang, nang dahil sa mabilis kong pagtakbo nabutas ang plastic bag na dala ko. Naiwan ko tuloy yung pipino ko.

Hindi, iyong pipino ko. Mangiyak-ngiyak kong sabi sa isip ko habang tumatakbo.

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa makarating ako sa isang iskinita para magtago. Hingal na hingal akong sumandal sa pader.

Whossh! Muntik na 'yun ah! Pag nakataon na nakita nilang tinatakot ko ang mga batang 'yon, panigurado patay na naman ako nito.

Anong iniisip ko? Natural na magagalit sa akin ang mga matatanda kung bakit ko tinatakot ang mga bata, at ano pa ba ang sasabihin nila? Na isa akong FREAK! At nakakatakot na nilalang. Hindi na bago sa akin yon, normal na lang. Pero kahit na ganon, napapaisip pa rin ako kung bakit ganon.

Nagtataka na ba kayo sa istura ko? Sige sasabihin ko na sa inyo. Kung may tao mang kamukha daw ni Sadako, Sunako, Sawako isa na si Amiko sa mga pagpipilian. Tama kayo! Itim na mahabang buhok na parang di nag-shampoo ng isang taon, bangs na hanggang ilong ang haba kaya hindi makita ang mukha, weird na faded uniform at sapatos na hindi nilabhan ng sampung taon. 'Yon ang fezlak ko. But I do not care about my appearance, ano ba naman ang mukha kung masama naman ang ugali di ba? At marami sa mga tao niyang ngayon, na mukha na lang ang basehan nila para magustuhan ang isang tao. Psh! Mukha niyo! Kabanas!

Naiinis ako sa mga ganong tao? So what kung mukha kaming nakakatakot at mukha kaming maligno? Hindi ko po sinasabi na mukha akong halimaw. Pero sa sinabi kong itsura kanina. Sino pa ba ang aakalain nila? E di ang sikat na si Sadako! Sikat sa mga horror movie sa buong mundo ang story ni Sadako dahil sa pelikula niyang "The Ring".

"Hey miss! Sayo ba 'tong pipino?" Napalingon ako sa boses na narinig ko. Pagtingin ko, tila isang anghel na bumaba sa langit ang nakita ko. Humangin at nahawi ang mahahaba kong bangs at nakita ko ang mukha ni...

"Francis?" Bulalas ko nang mapagtanto ko kung sino siya. Nginisian naman niya at mayabang na ngumiti sa akin.

"Oo Amiko, ikaw talagang Sadako ka, tinakot mo na naman 'yong mga bata!" Natatawa niyang sabi. Napakunot ang noo ko at naningkit sa inis ang mga mata ko. Hindi naman siya matigil sa kakatawa niya. Akmang tatalikuran ko na siya nang tawagin niya ako. "Amiko sandali!" Natatawa niyang tawag sa akin.

"Ano-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang makita ko ang hawak niya.

Ang pipino ko! Maglalakad pa lang sana ako para kunin ang pipino ko nang biglang.

"Oh! 'Yung pipino mo!" Binato niya sa akin 'yung supot ng pipino gawa na matamaan ako sa mukha. Sitir! Sa mukha ko talaga.

Narinig ko na lang ang malakas niyang tawa habang ako inis siyang tiningnan ng masama. Pero ang ungas ningisian lang ako. Pinikit ko na lang ang mata ko sa inis at tumalikod na.

Akala niyo siya na ang knight and shining armor ko sa kwentong ito? Pwes, nagkakamali kayo!

Sadako's First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon