Chapter 31.

8.7K 310 9
                                    

Chapter 31.

Amiko's POV

"nagseselos ka ba?"

O___o Tumayo si Francis mula sa sofa at naglakad patungon sa kinatatayuan ko. Seryoso ang expression ng mukha nito. Tila ba may nais malaman mula sa akin. Para siyang batang gusting gusto ng kasagutan sa katanungan niya. At yung tanong niya, ay kung nagseselos ba ako.

Kung tutuusin, hindi ko alam. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Recently, feeling ko, si Francis lang ang tao sa mundo ko. Para bang sa kanya lang umiikot ang buong oras ko. Nakakainis kasi hindi ako sigurado sa mga sinasabi ko.

"Ano Amiko?" mas lumapit pa siya sa akin. May pang-aakit sa kanyang mga mata. Natutulala na lamang ako sa mata, ilong at labi niya habang palapit ito ng palapit sa akin.

"Sabihin mo! Bakit ka natatahimik jan!" Naririnig ko ang sinasabi niya, pero urong ang dila ko. Walang lumalabas na salita sa bibig ko. Dinaramdam ko lamang ang presensya niya sa mundo ko. Yung masaya na ako kahit na Makita ko lang, naiinis naman ako kapag may iba siyang kasama. Gusto ko sa akin lang siya masaya, gusto ko ako lang ang iniikutan ng mundo niya. Selos nga ba ang tawag dun?

"Amiko..." mas lumapit pa siya sa akin. This time, napasandal na ako sa likod ng saradong pinto. Sobrang lapit, malapit na malapit. Nararamdaman ko na ang hangin na nagmumula sa bibig at ilong niya. Naririnig ko ang paghinga niya mula sa dibdib niya. Dahil nga mas matangkad siya, hanggang dibdib niya lang ako. Hindi ko na magawang tumingin sa mukha niya. Nakayuko na lamang ako habang naghihintay ng sunod na mangyayari.

"Amiko..." hinaplos niya ang pisngi ko. Pakiramdam ko nasa ilalim na ako ng spell niya. Para sa kahit anong sabihin niya, susunod na lang ako. Kung ano ang iutos niya gagawin ko na lang. Dalang dala na ako ng presensya niya. Mula sa pisngi, patungo sa akin baba, inangat niya ang mukha ko. Doon ko nakita ang...teka??? May mali dito...

*CLICK*

"wahhhhhhhhhhh"

"bwahahahhaahahah, nakakatawa ka talaga Amiko, hahahaha kung makikita mo lang yung reaksyon mo, hahahah grabe"

=____= May isang flash mula sa cellphone niya ang sumambulat sa mukha ko. LESHE! Anong itsura ng mukha ko don aber? FRANCIS!!!!

"Umalis ka na nga!!! Nakakainis ka!!!" tawa lang siya ng tawa habang tunutulak ko palabas ng bahay.

"Wag ka nang babalik dito!!!" parang maiiyak na ako sa ginawa ng mokong na 'yon. Leshe, ang hilig niya akong pagtripan ng ganito. Nakakainis na at nakakasawa. TT^TT

Sinara ko ang pinto paglabas ni Francis. Tinanaw ko pa siya sa gate, umaasang babalik siya. Ang abnoy ko 'no? pinaalis ko pero gusto ko din bumalik. Habang tinatanaw siya, bigla na lang akong naiyak. Hindi ko alam kung bakit. Doon bas a pagtritrip niya o doon sa umaasa ako. Napaupo na lamang ako at napasandal sa likod ng pinto. Kung may walling, meron ding dooring. TT^TT

"nakakainis ka!" paulit ulit kong sinasabi habang walang humpay na umaagos ang luha ko.

"asar ka"

Maya-maya pa, may narinig akong kumatok. Agad akong nagpunas ng luha ko.

"Sandali...sino y---" pagbukas ko ng pinto. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko.

"F-francis? B—" hindi ko pa natapos ang sasabihin ko ng bigla akong yakapin nito.

Habang yakap niya ako, ramdam ko ang buong katawan niya sa katawan ko. Ang sarap sa feeling. Parang ayaw ko nang kumawala sa kanya. Kung maaring tumigil ang oras, siguro, ito na yung oras na yon.

"Amiko..." ang pagbigkas niya sa pangalan ko. Para bang mas gusto siyang ipagtapat sa akin.

"Francis..."

Sadako's First LoveWhere stories live. Discover now